0022xxxx

717 22 4
                                    

0022xxxx
Vow

Alas sais na ng umaga. Tulog pa rin si Storm.

Tapos na rin akong magluto ng almusal at nakapaghilamos na rin. Bumalik ako sa kwarto niya para humiga uli sana sa kama dahil wala naman akong pasok.

Pero nang makita ko ang posisyon niya, parang gusto ko na lang siya titigan. Nakadapa siya at nakalihis na ang kumot mula sa katawan niya. Kitang kita ang magandang build ng katawan niya dahil sa work out at sport na boxing.

I scoot closer to him para silipin ang mukha niya. Unlike the other times I've seen him asleep, ito lang muli ang unang beses na nakitaan kong nakakunot ang noo niya.

My fingers automatically smoothen out the lines. Fleetingly, I trace over his back tattoo randomly.  Makaraan ang ilang minuto, humimig siya bago ako hapitin papalapit sa kanya.

Nakapikit pa rin siya pero alam kong gising na diwa nito.

"Tulog ka pa?" Mapang-asar kong tanong.

Kadalasan talaga, siya ang bumabangon ng maaga to prepare breakfast or even just coffee. Kaso kanina, ilang minuto bago mag-alas dose, nakatanggap siya ng tawag at kailangan siya sa hospital.

Sa t'wing nangyayari 'yun, ako ang bumabangon at aasarin ko siya pagpatak ng alas-sais dahil kahit gaano pa siya ka-late umuwi, magigising o maalimpungatan siya siya sa parehong oras.

Before I know it, he has me on my back with him in between my legs. "Good morning," he greets me with a smirk before coming down to cover my mouth with his.

"Good morning. Niloloko lang naman kita. Puwede ka pa matulog," bigkas ko bago siya subukan na itulak palayo.

"Sus. I felt you groping me, you think I can sleep again?"

Nginitian ko siya nang nakakaloko. Akala niya siguro, e, matatakot ako. Nagkakamali siya.

"Paanong grope? Like this?" I squeezed both of his ass cheeks teasingly. I alternate it with soft caresses that made Storm growl in frustration.

"Lacy, I am telling you…" he warns in pained agony. Pakiwari ko, e, nahihirapan na siyang huminga sa ginagawa ko.

I chuckled at his torment. He's so cute and very much shows how he respects me. The thought of doing it with him excites me with burning need.

"Why? We're meeting my parents later. I-advance na natin?"

But really, inaasar ko lang siya. I don't even know how I'm going to react when that day happens. Palagi namin pinag-uusapan at pinagkakabiruan ng mga kaibigan ko ang ganitong bagay. Iba pa rin kapag alam mong mangyayari anytime soon.

Nang pinaikot ko papunta sa harap niya ang kamay ko, agad niya akong pinigil at idiniin ang mga ito sa ibabaw ng ulo ko.

Isinuksok niya ang mukha niya sa leeg ko, peppering it with kisses. "At least you're enjoying my torture, right?"

"Sorry?" Pinukulan niya lang ako ng masamang tingin bago sumiksik uli sa akin at yumakap.

His reaction made me laugh again. God! Hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan. Puwede ba 'yun? Can a man be both cute and hot at the same time?

Ah, leche!

"Hey, question? Do you still like to continue boxing?" he asks as I brush his long hair absentmindedly.

"Kung may oras ako. It's been a month since I last went to the gym. Why? You gonna train me to be badass?"

"You're already the badass nurse I love to piss off. But if you'd like? I'll do it for free. Kesa magbayad ka sa gym fees and such. We can do it here sa gym ng condo."

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now