0024xxxx

645 23 2
                                    

0024xxxx
Approved

"Mabuti na lang nagustuhan ni Dalli regalo ko," pahayag ko. Nakatunghay kami sa mga batang naghihintay na mabigyan ng loot bag bago tuluyang umalis.

Natapos na naman ang isang araw. Nairaos naman namin ang celebration ni Dallilah. Technically, two days from now pa ang birthday niya.

Biruin niyo 'yun? Parang kailan lang ay binubuhat-buhat pa namin siya. Ngayon, daig pa niya ang dalaga kung kumilos.

"It was a pretty shirt. Alam mo naman na sobrang gusto niya ang title na big sister," bigkas ni Anne habang nakatungo sa breakfast counter.

"Pero mas gusto niya yata 'yung regalo ni Storm," nguso ni Amelle habang nakatingin sa direksyon ni Dalli.

Yakap-yakap niya ang miniature version ng regalong unicorn beanbag ni Storm. Parang baby version. Hindi na niya ito binitawan dahil isa sa mga paborito niya ang unicorns.

"I'm glad. Kinakabahan talaga ako kanina. Pakiramdam ko napakalaking kaganapan ng araw na 'to," mahina kong bigkas habang isa-isa sila tinitingnan na agad naman nilang na-gets.

Nandito silang lahat maliban kay Pao na nag-waddle sa may hambana ng pinto at may kausap.

Habang papunta kami rito, panay ang pag-aalala ko. From night duty kasi ako kanina at sali-saliwa ang iisipin sa utak ko. Kahit nga ang regalo ni Dalli ay last minute.

Una, hindi ko alam kung bakit pero isa sa inaaalala ko talaga ay ang pagpapakilala ko kay Storm sa mga kaibigan ko. We can be obnoxious and loud sometimes, but I love how we are. Ngayon, kung hindi sila magustuhan ni Storm, it would be hard to let Storm go.

“Bakit naman? Kami lang 'to. As if naman tututulan ka namin,” nagtatakang sagot ni Thea habang tinutulungan ang kakambal niya na mag-asikaso kay Therron at Devonne.

Nagkibit-balikat lang ako, not really wanting to tell them the truth. Acceptable reason naman ang simpleng anxiety.

Naging maayos naman kasi ang pagpapakilala ko sa kanila. Hindi ko naman inakala na magkakasundo sila ng mga asawa ng mga kaibigan ko pati na rin ng iba naming kaibigang lalaki.

Nakatulong rin siguro na sports enthusiast si Storm. Guys will always be guys, hyped up sila when it comes to sports.

Sa ngayon, nagtutulong-tulong sila mga lalaki na magligpit ng mga nirentahan upuan at mga lamesa. Maya-maya pa, biglang napasigaw si Anne nang gulatin siya ni Blade na napadaan lang para ipasok ang mga flower vases.

Nagsitawanan kami at agad na inasar si Anne nang nakaalis si Blade. Nang pumasok si Paoline, natahimik kami. Galit ang namumutawi sa mata niya. Napatayo ako dahil sa akin nakapukol ang mga titig na iyon.

"B-Bakit?" Nag-aalala kong tanong dahil halos kabuwanan na niya. Her hands are protectively around her rounded stomach.

Pakiwari ko rin ay parang naluluha siya nang duruin niya ako. Nangangatal ang boses niya nang tanungin ako, "Bakit hindi mo sinabi?"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko para manghingi ng tulong.Ngunit kahit sila ay nagtataka sa inaasal ni Pao.

"You were assaulted in the parking lot," bitaw ni Paoline.

Napadiretso ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako agad nakapagsalita. Ilang beses nagbukas -sara ang bibig ko to explain, pero wala.

Pare-parehong nagulat ang kaibigan ko sa tinatakbo ng usapan namin.

Napahilamos ako sa mukha ko. "Paano mo nalaman? More than a year ago na 'yun."

“That’s not the point here, Kiel." Nakapameywang na siya nito.

I've Got You (SPG Girls #5)On viuen les histories. Descobreix ara