003xxxx

9.7K 140 28
                                    

003xxxx
Knock Out

"Papunta na kami ni Jett. Siguraduhin mong naghihintay ka na sa pinto!"

Text ko kay Anne nang umandar na kami paalis ni Jett mula sa apartment. Si Paoline at Amelle naman ang susunduin ni Gray at doon na kami magkikita sa airport.

Napakaaga pa kasi kaya ayaw kong magmaneho. Buti na lang ready to rescue 'yung dalawang loko. Mahilig lang mambabae 'yan pero maaasahang mga kaibigan naman sila.

Ngayon ang dating ni Loislane at ng pamilya niya mula sa US pagkaraan ng mahigit isang taon. We were elated kaya naisipan namin na surpresahin siya pagdating na pagdating nila. Sinabihan namin ang kapatid niyang si Gwen para hindi naman sila magulat lalo na't may kondisyon sa puso ang tatay nila. Hayaan na lang namin na si Loislane ang magulat.

"Pst, punta ba si CK?" baling ko kay Jett nang makapag-settle na si Anne sa likod.

Sandali siyang napatingin sa akin pero hindi sumagot. Kinurot ko ang braso niya bago tinanong uli. Ilang ulit pa kaming nakipaglaban sa kanya, dahil si Anne ay nakisali na rin sa pagkurot lalo na kapag nakahinto kami sa stoplight o intersection.

"Dinaig ko pa kinagat ng malalaking langgam sa ginawa niyo ah?"

Pinagtatatapik niya ang mga kamay namin nang makarating kami at makapag-park sa airport. Mabilis lang namin na naabot ang lugar dahil sa wala pang traffic. Quarter to 5am lang kasikaya maluwag-luwag pa.

Agad kaming lumabas ni Anne at hinarangan ang pinto na paglalabasan ni Jett.

"Ano na, Jett? Hindi naman namin sasabihin kay Loislane, e," pahayag ni Anne na may matinding convincing powers. Madalas nga lang siyang mauto at oo nang oo pero siya ang madali rin na makapagkumbinsi.

Umikot ang mata ni Jett at saka itinaas ang kamay to surrender. Medyo nakumbinsi siya noong akmang papaluin na muli siya ni Anne dahil ilang minuto pa ang nakalipas bago siya tumango.

"Nandito siya. Somewhere. He actually knows what time they'll arrive. Hindi na lang niya ipinaalam sa inyo dahil ayaw niya ng gulo," he replied somberly.

Pare-pareho kaming nanghihinayang sa nangyari sa dalawang 'yun. We knew way before they knew that they liked each other. Hindi lang namin ma-gets talaga kung anong nangyari at kung paano ang nangyari.

"Alam ko walang forever, pero pwede bang exception to the rule 'yung dalawang 'yun?" Anne asked loudly. Jett answered with a shrug and proceeded towards the arrivals.

"We'll see. Sana maalog na mga utak nila to fix this soon," tugon ko sa kanya kasi kahit ako, e, umaasang magkabalikan sila.

Sabay kaming naglakad patungo ni Anne kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin. Inabutan namin sila na inaaya ni Paoline na mag-kape kaya sumunod na lang kami sa isang vendo machine. Tahimik pa 'yung kambal dahil nabulabog ang tulog.

"Hindi kaya tayo mag-Starbucks?" singit ni Teyah na nakasimangot. Tinapik siya ni Anne bago iabot ang kape, "Magrereklamo ka pa, e, iinumin mo rin naman 'yan."

Teyah just mimicked her and sipped her coffee.

"Anong oras raw sila lalabas?" Tanong ni Gray habang nakasandal sa railing while texting on his phone. Kung tutuusin, parang siya lang ang may pinakaayos na suot dito sa amin.

"Bakit parang bihis na bihis ka yata?" Nguso ko sa polo niyang parang bagong plantsa pa rin.

"Galing na ako dito kanina. Kagabi pa 'tong suot ko kaya."

Kanya-kanya kami angal dahil imposibleng damit niya pa 'to kagabi samantalang parang fresh na fresh siya.

"Wow, buti pa siya fresh. Ako nga nakaligo na, mukhang bagong gising pa rin??" paninigkit ng mata ni Anne.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now