0015xxxx

4.3K 90 14
                                    

0015xxxx
Boyfriend

"Miss?" tawag sa akin ng bantay ng pasyente sa room 410. Batid ko ay nasa 19 o 20 years old ang batang ito.

"Yes po?" tugon ko nang makalingon ako sa kanya at mapatigil sa paglabas ng kwarto.

"Boyfriend mo ba 'yung doktor kanina?" tanong niya nang pabulong.

Nakangisi siya nang malaki at parang nagpipigil ng kilig. Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya pero mahirap mag-assume dahil kasama ko lang si Dr. Faustino kanina na parang Lolo ko na.

"Sino po doon? Medyo... marami po kasing doktor dito."

I am trying my hardest not to roll my eyes at her after hearing her question. Ni hindi ko pa nga boyfriend si Storm, e. Hindi ko alam paano sasagutin, hindi naman kasi nagtatanong nang harapan. Kasalanan ko rin naman dahil palagi kong binabara.

"'Yung si Dr. Storm? Siya 'yung humalik sa'yo kanina, hindi ba?"

Ramdam kong ngumiwi nang bahagya ang facial expression ko pero agad ko naman 'yun na binawi. Hanggang pasyente ba naman ganito issue na haharapin ko?

Mapagsabihan nga na huwag ako basta-basta hahalikan. Dios mio!

"Ah siya? Bakit? Need mo ng sched?"

Gusto ko talagang sabihin na boyfriend ko 'yung lalaki 'yun to be able stake my claim. Gusto ko na ring talikuran siya at isara nang malakas ang pinto.

Pero bawal 'yun. Professionalism. Pairalin ang professionalism. Always remember!

"Ah, hindi. Pina-follow ko kasi siya sa insta. Meron siyang nasa 300 thousand followers. Look mo oh, current followers niya," excited siyang lumapit sa akin at ipinakita ang screen ng phone niya.

True enough, nasa instagram page siya na may profile pic ni Storm. Ni hindi ko naman alam na may commercial instagram 'tong isang 'to?! I only know and following his private account.

What the hell? Have I been in a cave not to know this? Sabagay, hindi rin naman ako pala-social media unlike before. I prefer sleep over anything right now.

Binawi niya ang phone niya at saka nagtanong, "Puwede kaya magpa-picture sa kanya?"

I gave her a saccharine smile, "Oh. Hospital pa rin ito. May rules po, pero kung doktor niyo siya at nagpaalam kayo mismo sa kanya, baka puwede."

"Jowa mo naman 'yun, 'te. Sabihin mo pa-picture ako?"

Sinilip ko ang natutulog na pasyente at tiningnan uli ang babae. Marahil ay tatay niya ang binabantayan niya dahil may pagkakahawig sila.

Parang nagpapanting at nangangapal ang pakiramdam ng ulo ko sa naririnig ko babaeng 'to. Tiningnan ko lang siya na parang nag-iisip pero ang totoo ay gusto ko na siyang sabunutan.

Ganito na ba kabataan ngayon? Wala man lang kahit konting hiya at nasa hospital pa kami. Nagagawa talaga ng pagiging viral, e.

"Sorry, ha, pero hindi kasi talaga pwede. Kung gusto mo magpa-sched ka sa clinic hours niya and then pa-picture ka. We have rules, Miss," mariin kong hayag sa kanya.

Hindi ko na rin nabawi ang pagkainis sa mukha ko. Dinaan ko na nga sa nakangiti at maayos na usapan pero nagpipilit pa din. Nagpaalam na lang ako kaagad at lumabas.

Mabagal akong naglakad pabalik sa station. Nasa dulo at paliko na hallway ang pinanggalingan ko. Every day since that day with Storm, mas lumalala ang pagbubulung-bulungan ng mga intrimitidang mga katrabaho ko. Mas maayos pa pala kung nasa OB ward ako kesa dito.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now