009xxxx

4K 80 19
                                    

009xxxx
Care


Traffic. Nakakasilaw ang mga pulang ilaw mula sa tila naka-park na mga sasakyan. Hindi na ito bago pero pabugso-bugso ang ulan kaya parang doble ang waiting time sa pag-usad.

Karamihan ng kasabay namin ay puro galing sa malls. Last minute Christmas shopping dahil isang linggo na lang bago ang araw na iyon.

Kasama ko ang ilan sa mga ka-trabaho ko. Nag-aya silang lumabas at uminom sa Privy 21. Um-oo ako kahit wala naman ako sa mood uminom at lumabas in general.

Pero kailangan kong subukan. Siguro isa ito sa puwedeng makatulong sa akin to redirect my energy and focus. Kung hindi, itutuloy ko na lang ang pagpasok sa isang self-defense class na ilang ulit ko nang binabalik-balikan.

Ang tanging problema lang sa oras na 'to, para akong nalulunod. Para akong nasa ilalim ng tubig. Wala akong ibang naririnig kundi ang pressure mula sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko.

My hands are now clenching the steering wheel, trying to calm myself. Hindi puwede. Not today, self.

Sumang-ayon ako sa paglabas na 'to at tinanggap ko ang pagiging designated driver ngayon gabi.

Inabot ko ang isa piraso ng chewing gum mula sa ashboard at mabilis itong nginuya. I really hate the rain right now. Ayaw kong nagmamaneho nang umuulan.

It was an irrational fear, really, but it's still fear. It's here. Nandito siya. Taksil dahil hindi mo alam kung kailan siya biglang magpapakita, mangangain.

Tumalon ang katawan ko sa gulat nang maeinig ko ang malakas na tawanan ng mga kasama ko. Hindi ko narinig kung anuman ang pinag-uusapan nila, but I guess it's about going abroad.

"Kiel, okay ka lang?" tanong ni Gem namg mapalingon sa akin. Siya ang nasa passenger seat, na nakahilig ang katawan para makapakinig sa sinasabi ng tatlo sa likod.

Natahimik silang lahat at hinintay ang sagot ko.  Ngumiti naman ako habang inaabot ang bottled water sa holder. "Yeah. Napakatagal lang. Naiinip na ako."

Ikinumpas ko lang ang kamay ko para sabihin na magpatuloy sila.

Tumango si Gem bago ako tinitigan ako saglit. Alam naman nila ang nangyari at tingin ko may clue na sila sa pinagdadaanan ko.

Itong takot na 'to, napakasagabal. Napaka-petty pero sinusubukan kong i-overcome. I hope, in time , it will get better.

Nang makarating kami, agad naman kaming napapasok dahil kilala ni Marla ang bouncer. Mukhang dito siya madalas maglagi dahil ang dami niyang binabati.

Unang beses ko lang makakapasok dito dahil madalas kami maglagi noon sa Primera. It's almost the same except this places has lesser lights and more of a strobe lights place. Sa Primera kasi, parang may blue-hued dim lights strategically placed.

"Juice lang sa akin, ha," sagot ko nang tanungin nila kung ano ang guato kong inumin.

Nagsi-irap sila sa akin pero hindi sila nagsalita. Alam nilang kaya ko silang iwan dito kapag inawag nila ako.

"Basta ang usapan, 'pag gusto sumayaw dapat by group or partner. 'Wag sabik!" saway ni Geean habang hindi mapakali si Marla dahil gusto nang makalusot sa dancefloor.

"O, sige. Inom muna tayo dito. Painit muna tapos saka tayo sasabak sa dancefloor. Oks na ba, 'nay?" asar niyang sambit kay Geean.

Tinawanan ko lang sila dahil si Marla talaga may pakana nito. Sang-ayon naman ako kay Geean dahil napaka-unpredictable ng panahon ngayon.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now