0018xxxx

698 28 4
                                    

0018xxxx
Gift

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papaapekto sa issue ng pagkakaroon ng fiancée na 'yan. Madali lang sabihin, napakahirap gawin.

I'm not an overthinker. Pero apat na araw nang nakakalipas, pagdating kay Storm, parang mag-overheat na utak ko kakaisip. Naayos ba niya o magkasama sila ni Louella ngayon?

Ako nagsabing walang mag-uusap, ako naman itong nakaka-miss sa kanya. Na-weirduhan na rin sa amin ang mga katrabaho kong tsismosa't tsismoso. Tine-texy rin kasi ako ni Anna na parang ang busy ni Storm. Apat na oras lang nag-clinic at after lunch pa.

"Bakit hindi mo i-text si Dr. Noguiera? Jowa mo naman. Pasundo ka na, unless gusto mo dito sumalubong ng birthday mo?"

Suhestiyon ni Geean habang nagpapatila kami ng ulan sa lobby. Ayaw namin tumambay sa station dahil nandoon ang isa sa masungit na senior.

"Baka tulog na. Hayaan mo, mag-summer na, sandali lang 'yang ulan na 'yan," usal ko na parang mas kinukumbinsi ko pa sarili ko.

Mabuti na lang nag-kape ako kanina kung hindi, baka nakatulog na ako sa pagkakaupo dito. Nasa isang oras na rin kasi kami na naghihintay at naiwan ko pa ang payong ko kaya wala akong choice.

"LQ ba kayo? Hindi na kayo sabay na kumakain. Apat na araw na."

"Wow! Nakaantabay talaga sa love life ko?"

"Aba, ako yata source of tsismis dito," hinampas ko siya sa hita. "Aray. Joke lang, e. Pero siyempre nakaantabay ako kasi si Dr. Noguiera jowa mo, girl! Hindi mo ba alam ilang daang babae ang naghahabol diyan?"

"Ay, alam ko! Naka-encounter na ako ng dalawa. Nakakaimbyerna. Buti na lang medyo wala akong paki pero nakakagigil. Kung wala lang ako sa hospital baka nanabunot na ako," pagrereklamo ko sa kanya.

"Ahh, is that so? Why didn't you tell me?"

"Ay kabayo!"

Napapaharap ako sa pinanggalingan ng boses ni Storm. Nakatayo na pala siya sa tabi ko, nakikinig. Sinamaan ko ng tingin si Geean na nakatitig lang at parang naestatwa.

Hindi ko siya masisisi dahil alas-onse, ang guwapo niya pa rin at parang bagong ligo pa. He was only wearing jeans and a plain black shirt at mabibilang mo sa daliri ang mga pagkakataon na makikita siya ng hospital staff na naka-casual lang.

"Let's go," utos niya bago ako subukan na hilahin patayo.

"Paano 'pag sinabing ayoko?"

Tinapunan niya ako ng malokong ngiti, "I'm not one to back out from a challenge. I can always haul your ass over my shoulder."

Narinig kong bumulong si Geean, "Hala, gaga. Ang hot."

"Bakit? Ayos na ba lahat?"

Napatigil siya sa tanong ko. It shouldn't disappoint me since I already have an inkling on what this is.

"No, but I think I need to explain things. Ayoko nu'ng bigla mo na lang akong iniwan," inis niyang sagot.

"Sana sinundan mo 'ko," irap ko sa kanya

"Makikinig ka ba sa akin if I did that?"

I challenged him by staring right at him for a few seconds pero ako pa ang unang tuminag. He has a point, though. Sinasabi ko at pinipilit ko ang sarili ko na wala akong pakialam, but I'm bothered.

Pero sa pinakahuling segundo, umarte akong napipilitan lang na sasama sa kanya. I jutted my chin up in mock annoyance as I stand.

I huffed out my frustrations when I see him smilung amusingly at me. Alam niya, hindi ko siya kayang tiisin if he's this persistent after giving me the space to cool my mind off.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now