005xxxx

4.8K 83 21
                                    

005xxxx
Exclusive

Nu'ng una, hindi ko pa ma-gets kung amo ang ibig sabihin ni Storm na hindi niya ako bibigyan ng space. I was disoriented and ended up sleeping on the way back to the house. Papasok ang bagong taon noon nang medyo maintindihan ko kung ano ba ang gusto niyang iparating.

Dalawang holidays na akong duty, nu'ng Christmas Eve at ngayong papasok ang bagong taon. Dati-rati naman, magkasama kami ni Karl. Kaso ngayon, saktong approved ang tourist visa niya bago pa makaalis ang isang tito namin kaya naisama siya sa London.

"Sana laging benign duty, 'no?" pahaging ni Lorren habang ngumangata ng macaroni salad sa tabi ko.

"'Wag mo nga batiin. Isang oras pa lang tayong duty, mamaya ka sa mga ipapasok sa Recovery," pagbibiro ko sa kanya na agad naman niyang binawian ng palo sa braso.

Isang oras pa lang kaming duty pero nandito na ako dalawang oras bago ang in ko dahil wala naman akong gagawin. All my friends are with their families. Pupuwede naman akong makisaya at makisalo sa kanila, but I don't to intrude their families.

Hindi ko alam. Naramdaman ko lang na gusto kong mag-duty ngayon para maranasan na walang iniintindi sa bahay.

Besides, hindi ko na kailangan pang maghanda o kahit man lang mag-effort for a take out dahil madaming pagkain ang nakalatag sa station. Nakapagbigay na rin kami sa iba dahil sandamakmak ang pagkain namin

"Kanino galing 'to pala?"

Tiningnan ako ni Lorren na parang tinubuan ako ng pangalawang ulo.

"Hoy? Bakit?"

"Hindi mo talaga alam?" Tanong niya nang maubos ang laman ng bowl niya at tumayo para kumuha ng pangalawang serving.

Umiling ako at tuluyang kumuha ng tinapay at juice.

"Gaga. Pakain ni Dr. Storm 'yan. Nagkainan na ba kayo?"

Halos mamatay ako nang marinig ang tanong niya. Nagkamali ako ng lunok dahil sa bwisit na babaeng 'to. Hindi matigil ang pag-ubo ko na para bang babawian ako ng buhay.

Lumapit sa amin si Mik, isa sa nursing aides na katuwang namin, nang makitang naiiyak na ako sa kakaubo at hindi makahinga. Anak ng tupa, hindi pa nga nagtagal mula nu'ng na-ER ako, mukha dadalhin na naman yata ako doon.

Nakakahiya na, ah.

Nang malunok ko na ng tuluyan ang tinapay, agad kong pinukulan ng masamang tingin si Lorren. Nagpasalamat naman kami agad kay Mik na tumulong na mahimasmasan ako.

"Nagtatanong lang naman ako? Hindi ba't M.U. kayo niyan?" Depensa niya sa tanong niya.

Sumandal ako sa station counter at hinaplos ang dibdib. Masakit pa rin ito at medyo nahihirapan ako huminga.

"Oh. So, kung M.U. kami ni Dr. Noguiera, kailangan magkakainan na?" Tanong ko sa kanya habang pinaniningkitan siya ng mata.

"Hoy!" Tawag ko sa atensyon niya nang manlaki ang mga mata niya dahil sa nakita sa likuran ko. "Tingnan mo 'to. May multo ba't namumutla ka?"

Ipinihit ko ang katawan ko paharap. Napaatras ako nang makita kong nakatayo doon si Storm habang natatawang nakatingin sa amin.

He was in his doctor's coat that displays his name proudly on the left chest pocket. Ang buhok niya ay malinis pa ring nakapusod sa ibabaw ng ulo niya nang mahigpit.

"Kanina ka pa diyan?" Kabado kong tanong sa kanya. Kasi kung oo, malamang narinig niya ang pinag-usapan namin.

"I don't know. May iba pa ba kayong pinag-usapan maliban sa kainan?"

I've Got You (SPG Girls #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin