0012xxxx

3.7K 86 6
                                    

0012xxxx
Dessert

Nandito ako ngayon sa hospital para samahan si Paoline. Dalli's with us kasi gusto niya malaman kung tunay bang baby brother ang makukuha niyang gift mula kay Mommy Pao niya.

Dapat si Gage ang kasama dito. Kaso may urgent meeting sila na kailangan niya puntahan. Ngayong araw kasi sila naka-schedule for the ultrasound kaya hindi puwedeng hindi i-push through lalo pa't ayaw ni Gage na sa ibang doktor. Siya kasi ang pumili at sinigurado niyang may babae at magaling ang nakuha niya.

Tinawag naman na si Paoline sa loob at nakapagpalit na into a hospital gown. Ang tanging problema lang, nagka-emergency si Dr. Aster kaya wala pa siya for this schedule. Naka-settle lang kami sa loob ng ultrasound room.

Natatawa at napapailing na lang ako dahil magmula nang magbiyahe kami,  hanggang sa ngayon ay tawag pa rin mamg tawag si Gage. He's a neanderthal, I tell you. All of them are.

"Tinatawa-tawa mo diyan, girl?" tanong ni Pao nang mapalingon sa akin.

"Wala."

Natawa na naman ako nang makita ang nakakunot niyang noo, "Napakabugnutin niyong mga buntis. Nauupos yung beauty ko sa negative vibes na nanggagaling sa'yo. Para kang si Teyah."

"Tingnan mo naman 'tong asawa ko. Mukhang malo-lowbatt pa ako sa kakatawag. Kung hindi ko lang mahal 'to talaga!"

"Hayaan mo na. Nag-aalala lang. Sabi mo nga, hindi ba, na wala pang na-miss na check-up 'yan. This is a first. Ano ba meron?"

"May project kasi sila sa Tagaytay. Nag-resched 'yung kliyente, ngayon natapat," kibit valikat niyang sagot bago bumalik ang atensyon kay Dalli na naka-prop sa hinihigaan niya kama.

"Mrs. David?" tawag ng sonographer mula sa pinto. Napatingin na naman ako sa nakangising si Pao nang maeinig muli ang pangalan na inilagay ni Gage sa form. "Hindi na po kasi makakarating si Dra? May mag-relieve na lang po sa kanya na ibang OB/Gyn kung ok lang daw po?"

"Ah, ganu'n ba? Oo, okay lang. 'Wag na lang natin ipaalam sa asawa ko. Para matapos na rin," natatawa niyang sagot. Tumango siya at sinabing within ten minutes ay darating ang papalit kay doktora.

"When can I see my brother, Mommy?"

"In a bit, Dalli. Wait lang natin and doctor."

Bigla naman niya akong tiningnan at tinaas ang kilay. "Paano kung si Storm pala ang papalit kay doktora, ano?"

"Ay, napakabastos ng bibig. Kung siya man, good for him. Nagbalik na siya. Congratulations. Pero bago mo naman ako ipagkanuno, ipakita mo muna 'yung inaanak ko, ano?"

Napahalakhak lang suya sa naging reakayon ko. Ainabihan pa akong defensive, e, natanong lang naman niya. Nagsimula ako mag-type ng text kay Tita Lucy at tinatanong kung nakapasok na ba si Karl. Hindi na ako nag-abala na tanungin ang kapatid ko dahil hindi naman 'yun mag-re-reply dahil mahuhuli ko siya.

Pumasok muli ang sonographer at ipinaayos si Paoline. Kadalasan naman talaga, sonographer ang gagawa nito at saka na lang babalik sa clinic para sa consultation. Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ni Gage dito.

Nagbukas muli ang pinto na siyang nilingon ko naman. Madami-dami naman ang on-duty OB/Gyn, pero bakit si Storm ang nandito?

He's back.

Unti-unting namuo ang panic sa katawan ko nang magtama ang aming mga mata. Napatigil siya nang napakasaglit at tila magulat rin na makita akong naroon. Binawi miya ang pagkagulat pero nanatili siyang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nag-focus kay Dalli.

"Good morning, Mrs. David. I'm Dr. Storm Noguiera. I'm sorry, hindi si Dra. Aster ang haharap sa iyo. I know your husband had specific instructions," bati niya kay Paoline na ngayon ay mas gulat pa kesa sa akin.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now