0011xxxx

3.8K 78 21
                                    

0011xxxx
Permitted

"Bakit tayo nasa bahay niyo, Paoline Herrera?" mariin kong tanong nang mag-text siya sa akin kanina na sa bahay na lang daw nila dumiretso.

Naabutan ko na dito ang iba pa namin na kaibigan maliban kay Thea na nasa honeymoon niya. Halos hilahin ko na lang kasi ang katawan ko papasok sa bahay ng mga David dahil maling desisyon yata ang boxing session ko kanina.

Tapos na kasi ako sa self-defense class na kinuha ko ilang buwan na ang nakakalipas. Ayaw naman sumama ng mga kaibigan ko since busy sila. Busy rin naman ako pero kailangan ko ng mapaglalabasan ng energy.

"Paoline Herrera-David," pagtatama pa niya sa akin bago mag-settle sa bago nilang sofa set na kulang na lang ay maging kama sa sobrang lawak. Iniirapan ko siya bago ihiga ang katawan ko, "Ang hirap naman umupo sa sofa na ito. Dito ba kayo natutulog? Parang kama, a."

"David? E, hindi pa nga kayo kasal?" natatawang bwelta ni Amelle habang ipinapaurong ako ng kaunti para makasandal siya. Nakahilig lang siya pero sa laki at lawak nga nito ay kasya kaming dalawa.

"Ano sabi ko nung reception ng kasal ni Teyah last year?" Nagsikunutan ang aming mga noo at nagkatinginan. Pilit naming inaalala yung sinabi niya pero I came in blank. Wala rin naman silang maalala.

Natawa siya bigla, "Sabi ko ako na next na ikakasal. Pero naunahan pa din ako ng kapatid ko. But I assure you, ako na susunod. Makapanganak lang ako, itatali ko na 'yan si Gage."

Hinimas-himas niya yung tiyan niya habang masayang nakaupo sa pinakasulok ng sofa na ito while propped on so many pillows courtesy of her fiance.

"Kailan balik ni kambal mo, Teyah?"

"Next week yata? Parang gusto yata nilang magtagal pa doon at mapadpad ng Russia!" asar na sagot ni Teyah. Nainggit lang 'yn sa kambal niya since humahanap pa sila ng tiyempo na makapag-travel dahil maliit pa ang kambal.

Lahat naman kami inggit. We have longed to travel anywhere together. Kaso tingin ko, imposible na mangyari pa 'yun. I'm fine with that as long as everybody is happy. I can go and travel alone para makapag-unwind

"So, how's Dr. Storm Noguiera?" napatigil ako sa pagsubo ng cake dahil sa tanong.

"Bakit sa akin niyo kinakamusta 'yun si Storm? He's still Storm and he's still a doctor," I told them nonchalantly before biting onto the decadent red velvet cake.

"Mag-de-deny ka pa samantalang nakita ka namin na umalis nu'ng wedding reception," panghuhuli at pagsingkit ng mata ni Teyah sa akin. Sinamaan ko naman ng tingin si Amelle at Anne na kasama ko nu'ng gabing 'yun para takasan si Storm.

Ngumiti lang sila nang pilit at hindi makatingin sa akin. Uminom na lang muna ako para hindi matuloy 'yung pagbabara ng cake sa lalamunan ko.

"Wala bang mas matapang na inumin maliban sa juice? Beer? Wine? Whatever na may alcohol?"

Kailangan ko yata ng mga kahit ano doon dahil nabuksan na naman ang topic about kay Storm. Wala namang ganap dahil muli na namang hindi tumupad 'yung lalaking 'yun sa usapan. Isang linggo?! Saktong pangalawang linggo na ngayon wala pa rin!

Hindi naman sa nagbibilang ako, pero super extended na 'yun pasensya ko sa kanya. Masasabunutan ko talaga 'yun.

"No alcohol here. Sana nagdala kayo. Itinago lahat ni Gage ang alak somewhere inside this house pero hindi ko alam kung saan. I'm too lazy to do the search and rescue operations for those."

Napapikit ako sa sinabi niya. Kahit man lang isang naligaw na can ng beer? Or kalahating bote ng wine. Mukhang ako ang magiging laruan ng mga kaibigan lalo na't wala si Thea. Nakita pala nila 'yun. Buti na lang walang sumunod papunta sa garden.

I've Got You (SPG Girls #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon