0021xxxx

708 23 0
                                    

0021xxxx

"Hindi ako makapaniwala…"

Namamangha pa rin ako habang nakahiga sa kama ni Storm. It's indeed a small world.

Kakagaling lang namin doon sa sinasabi niyang binyagan. And it turns out, 'yung asawa ng kaibigan niyang doktor rin ay naging kaklase ko noong college.

Tatlo pa sila siguro na nakita ko doon na naging kaklase ko sa isang subject at org mate ko noon. Who would've known?

Tiningnan ko uli any cellphone ko at nakita ko ang friend request at pag-accept ng mga nakita ko uli na mga kaklase noong college.

We added each other years ago, pero ilan sa kanila ang deactivated at nag-iba ng account.

"Hindi ka makapaniwala na? Pinakaguwapo ako sa kanila?" singit ni Storm habang nakasilip mula sa CR.

Nag-shower siya para maghanda sa duty niya sa isa sa pinakamalaking paanakan sa Maynila. He volunteers there when needed and it amazes me to no bounds.

Umirap lang ako sa kanya bago sumagot. "Kapal talaga ng mukha mo. Paano ka nakasurvive sa med school kung puro ka kalokohan katulad ng sinabi ni Salve?"

Tumawa siya nang malakas. Hindi rin makapaniwala na isa na siya sa sought-after OB/Gyn doctor in the metro. At hindi lang dahil 'yun sa koneksyon niya sa tatay niya kundi dahil sa efforts niya at professionalism.

Lumapit siya kung nasaan ako at yumakap. Isinandal niya ang ulo niya dibdib ko, kalahati ng katawan niya nakapatong sa akin. His smell is fresh and manly with a hint of mint. I know that brand at may maliit akong ganu'n sa bahay dahil wala, I like the smell.

"Hindi ko din alam. I was struggling. But I needed to prove that I can make it. It was a miracle if I may say."

"Tinulungan ka siguro ni Dra. Astra, ano? And I'm sure she's proud of you. Alam mo ba? I've read one article na habang tumatagal, men who specializes in your field are diminishing. As in 2% na lang yata."

In general, kakaunti lang naman talaga ang lalaking nag-specialize sa obstetrics and gynecology. Halos lahat ng naririnig kong pangalan ay halos maybedad na at totoong kakaunti na lang ang mga katulad ni Storm.

"It's a woman's world, my lady. I've heard a ton of insults while studying kahit ngayon. There are these extreme feminists na nagsasabing hindi dapat nangingialam ang mga lalaki sa katawan ng babae, most especially their reproductive organ. See? Women and husbands alike feel more comfortable with a woman as their doctor."

Dinig sa boses niya ang hirap pati na rin siguro sama ng loob. Sinuklay ko ang nakalugay niyang buhok para aluin siya. Pinaghirapan niya ito at pinagpapaguran tapos i-dismiss lang siya dahil lalaki siya?

Hindi mo na alam kung saan ka lulugar sa mundong 'to. Women and men alike can be ruthless and heartless just to prove their point even if it's wrong.

"Ikaw ang pinakabatang board member ng hospital. Foundations? Volunteer works? I'm sorry, baby, but you're great, the best even."

He looked at me solemnly as he tries to process what I said. "I sincerely hope so."

Panandalian kong kinuha ang isang kamay niya para halikan. He's a great man and a doctor. Kahit ilang beses ko ulitin, hindi ako mapapagod dahil that's how he is.

Nabasag ang katahimikan nang mag-ring amg phone niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya habang bigat na bigat na tumatayo.

"It stopped. I can still cuddle," he smiled mischievously bago isiksik muli ang sarili sa akin.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now