000xxxx

6.9K 110 16
                                    

000xxxx

The skies are dark and cold winds whipped up my whole being right as I step out of the hospital. Isinuot ko naman uli 'yung jacket na gamit ko kagabi dahil sa lamig. Mukhang ngayong araw na bubuhos 'yung ulan dahil sa matinding habagat. Maaliwalas ang kalangitan kagabi, walang senyales ng mga ulap na nagbabadya. Kaya wala rin akong payong na dala, which was clearly a wrong move.

Didiretso sana ako patungo sa parking lot pero naalala ko na coding nga pala 'yung sasakyan. Napatigil ako at muling may naalala. Maraming nagbago sa parking lot na ito simula nang gabing tinangka akong kuhain ni Stefen. Luminis ang paligid at may tatlo na ring spotlight na siyang nagpapaliwanag sa lugar na ito kapag gabi na.

Napailing na lang ako at pilit ibinaon sa ilalim ng utak ko ang kung anu-anong sumusulpot na memorya. Napahawak ako sa buhok ko nang maalala kong kailangan ko pala mag-commute pauwi. Basta ko lang kasi itong tinanggalan ng cap dahil nasanay akong naka-sasakyan.

“Kuya, balik lang ako sa loob. Mukha akong bruha, kailangan ng retouch,” tugon ko kay manong guard nang tanungin ako kung okay lang ako. Mukha yata akong zombie dahil ngayon lang niya ako tinanong ng ganu'n.

Sobrang inaantok na ako at ang dami kong iniisip kaya wala ako sa ulirat. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa matinding pagkabog nito. Hindi ko maintinidhan kung kinakabahan ako o nasobrahan ako sa kape? I haven't felt this heaviness and uncertainty since after the accident. Not until today. Kalmado lang ako nang malaman kong bumalik na siya. Dahil kampante ako na hindi siya babalik dito for good.

Hindi naman kawalan si Storm kaya pinipilit ko na ipakita sa kanila na wala lang sa akin 'yung pang-iiwan na naman sa ere ni bagyo. Medyo tsismosa lang mga kaibigan ko kaya as much as possible, iniiwasan ko ang mga topic patungkol sa akin at kay Storm. Who needs a man, anyway? Makaka-survive naman ako kahit wala akong lovelife.

Nang maging kampante na ako sa itsura lumabas na ako ng CR. Sinubukan ko ko pa na i-straighten ang lukot pa na uniform ko habang naglalakad. Agad ko din naman itong sinukuan dahil pauwi naman na ako at pakialam ba nila?

Napaigik ako nang bigla akong sumalpok sa kung anong matigas na bagay. Muntik pa akong matumba dahil sa impact pero agad din namang may yumakap sa akin para pigilan ang aking pagkakatumba.

Kumawala ako sa bisig ng nakasalubong ko to regain my composure. Sumimangot ako nang may maamoy akong pamilyar na pabango. What the fuck? Ganito na ba ako kapagod at nai-imagine ko ang amoy ni Storm.

Minsan kong pinunasan ang ilong ko bago huminga ng malalim. I'm so tired at ayoko nang gumawa ng eksena pa kaya agad akong nag-sorry without looking up. Kapag nakatulog na ako at nakapahinga, baka puwede na akong magwala.

“Lacy?” pahabol na usal ng nakabunggo ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang rumehistro kung kanino ang boses na iyon.

I've Got You (SPG Girls #5)Where stories live. Discover now