Chapter 43: Hide and Seek

4.5K 104 4
                                    

Jenn's POV

Ilang minuto nang nakatitig sa’kin si Marvin. Kanina nakipagsukatan ako nang tingin sa kanya pero sumuko rin agad. Hindi ko kayang tagalan iyon.

He’s looking at me intently. Para bang may gusto siyang sabihin sa pamamagitan ng titig niyang iyan.

Huminga ako ng malalim. Hindi na kinaya ang ginagawa niya.

“Quit staring, Marvin.”

“I don’t want to,” aniya. Ngumisi pa.

Hindi ko siya pinansin at nagtangkang umalis sa harap niya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

“I miss you…Hon,” bulong niya. At hinigpitan ang yakap sa akin.

Miss mo mukha mo.

Gusto ko siyang itulak pero tumututol ang katawan ko. Nakatigil lang ako. Hindi ko siya niyakap pabalik.

Maya-maya, kumalas siya at humarap sa akin. Ngumiti siya. Magsasalita pa sana nang unahan ko siya.

“Matutulog na ako.”

Agad akong umalis sa harap niya at humiga sa kama. Nagkumot agad ako at pinikit ang mga mata.

Hmm…ang daming nangyari ngayong araw. Sana bukas back to normal na. I mean iyong wala na munang mga nakakagulat na pangyayari.

Naramdaman kong lumubog ang kama sa gilid ko. Alam kong katabi ko na siya. Pero pilit kong inalis iyon sa isip at natulog na lang.

Kinaumagahan, nagising ako sa init ng araw na tumatama sa pisngi ko. Tinakpan ko iyon gamit ang kanang palad ko.

Akmang babangon na ako nang maramdaman ang bigat sa mga binti ko.

Kaya naman pala, nakadagan ang paa ni Marvin sa’kin. Tapos iyong isang braso niya nakayakap pa sa’kin.

Ang bigat! Inalis ko ang braso niya at itinulak ang paa niya.

Akala ko magigising siya pero ‘buti na lang at hindi.

Nagkuyom ako ng kamay at balak na sanang suntukin ang tukmol nang bigla siyang nagmulat ng mga mata.

Agad kong inilagay ang kamay sa bibig ko at nagkunwaring humihikab.

“Hon, you’re awake already?”

“Hindi, panaginip mo lang ako.” Hindi ko napigilang maging sarkastiko.

Ngumisi siya. Tumaas lang ang kilay ko bago tumayo pero hinila niya ako kaya napaupo ulit ako.

Tsup!

“Then why can I kiss you?” he said with his playful smile.

Huli na nang ma-realize ko ang ginawa niya. He just kissed me!

Kahit smack lang iyon, feeling ko nanindig ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

Sa inis ko, binatukan ko siya at nagmamadaling tumayo at tumakbo papunta sa banyo.

Narinig ko pa ang tawa niya. Lalo akong nainis. Aish!

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. How could he do that so fast?

At hindi ko man lang na-realize nang mas maaga ang balak niya.
Am I that silly? Aish! Makaligo na nga lang.

After kong maligo, saka ko lang napagtanto na hindi ako nakapagdala ng pamalit na damit sa kakamadali ko kanina.

Napasabunot ako sa sarili. Paano na ako lalabas nito?

Sana nakalabas na si Marvin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung naroon pa siya. Sana wala. Sana nakababa na siya.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon