Chapter 38: He's Busy

4.1K 99 2
                                    

Now playing: Tonight by FM static.

Jenn's POV

"Hon, may tiwala ka na ba sa'kin?"

Bumalik sa isip ko ang pag-uusap namin ni Marvin sa office ni Sir Calvin noong nakaraan. Sinabi ko na may tiwala na ako sa kanya. Totoo naman iyon. Pero bakit, may pagdududa sa'kin?

"MJ, baka pumunta siya rito sa company pero may urgent meeting sa isang importanteng kliyente kaya umalis agad?"

Nagkibit-balikat siya, "Siguro nga."

Pinalis ko agad ang iniisip para makapagpokus sa trabaho. Tapos na kasi ang bakasyon namin. Kauuwi lang namin kaninang umaga pero tambak agad ang paperworks.

Absent ang iba kong kasama sa team kasi nagpapahinga pa galing sa mahabang biyahe.

However, I decided to work already to avoid over thinking about Marvin. I don't want to expect things again, especially expectation often contradicts the reality.

Naalala ko pa kanina nang umuwi ako sa bahay. Masaya ako kasi magkikita na ulit kami ni Marvin. Iniisip na sana maabutan ko pa siya.

"Manang, nasaan po si Marvin?" tanong ko kay Manang Lita nang salubungin niya ako sa pintuan.

"Hija, maaga siyang umalis kanina. Bakit?"

"Uhh...wala po," akmang kukunin niya ang travel bag ko nang pigilan ko siya.

"Manang, ako na po ang magdadala nito."

Akala ko pa naman makakausap ko na si Marvin. Bakit kasi maaga siyang umalis. Hindi man lang niya ako hinintay. Para tuloy akong nawalan ng gana.

Dumeretso na lang ako sa kuwarto saka inayos ang mga gamit ko. Inihiwalay ko ang dirty clothes sa mga hindi ko nagamit.

Nagbuntong-hininga ako. Makapag-shower na nga lang para ma-refresh ang isip at katawan ko. Siguro naman makikita ko na sa office si Marvin mamaya.

Kaya nang malaman ko kay MJ na wala si Marvin sa company, hindi ko maiwasang malungkot.

"Jenn, don't be upset. I'm sure busy lang ang hubby mo kaya hindi natin siya makita dito sa company," sabi ni MJ.

Yumuko na lang ako at tiningnan ang pagkain ko. We're here at the cafeteria, eating our lunch and talking about Marvin.

"Don't forget Bestie, he's the CEO."

Napaangat ako ng tingin kay MJ.

"Oo nga tama ka. Busy nga lang siguro siya."

Biglang ngumisi si MJ. Base sa ekspresyon niya, mukhang mang-aasar siya.

"Jenn tell me, you're missing him!"

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Hindi, may importanteng bagay lang akong sasabihin sa kanya."

Her eyes narrowed. I know she's not buying my answer.

"Weh? If I know, namimiss mo na ang hubby mo kaya gusto mo siyang makita. It's okay Jenn, 'wag ka nang mahiyang umamin, alam ko naman 'e."

I sighed. I realized that she already know my feelings for Marvin. Para saan pa kung tatanggi ako?

"Tama ka, bestie."

Namilog ang mga mata niya. Hinampas pa niya ang balikat ko at tumili pa siya. Ngumisi lang ako.

"Gosh! Really! I can't believe it. Sabi na 'e."

"Bestie, tumahimik ka nga. Nakakahiya, 'o nakatingin sila dito."

"Who cares? Bestie, kinikilig ako sa inyo!"

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon