Chapter 30: Unexpected Guest

4.3K 111 0
                                    

Jenn's POV

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino siya. Nakasuot siya ng white long sleeve polo and black trouser. Naka-wax ang buhok niya unlike his usual hair style na nakabagsak lang. I can say he's more appealing today than before.

Naglakad siya palapit sa'kin este kay Ms. Ria, nasa likod ko kasi siya.

"Sir Marvin, what brings you here?" tanong ni Ms. Ria.

"I have an important meeting with Mr. Lim and..."

Sumulyap siya bahagya sa akin na ipinagtaka ko, saka binalik ang tingin kina Ms. Ria, "I just want to congratulate you all. You did a great work."

Napangiti kaming lahat sa sinabi niya. To be honest, I didn't expect that words coming from him.

"Thank you Sir," Ms. Ria said.

"The proposal became successful with the help of everyone," she added.

Marvin smiled without showing his teeth, "Well, I must say, you deserved that vacation."

"Would you like to join us, Sir?" biglang tanong ni Diane.

Nangunot ang noo ko. Parang totoo nga ang sinabi ni MJ na may gusto si Diane kay Marvin.

"Gusto ko sana, but I have to talk with Mr. Lim first."

Ah. Nandito pala siya for business.

Tumigil siya at tiningnan ang wrist watch niya, "Hmmm...maybe I'll join you for dinner tonight."

"Sir, okay lang naman po if you cannot join us," Ms. Ria assured.

"It's okay. I'll invite Mr. Lim too," wika ni Sir Marvin bago tumalikod.

Nang mag-tanghali na, nag-ihaw kami ng isda nina Ms. Ria, at Hana. Habang nagbababad naman sa dagat ang iba. Except for Diane since she can't swim and Rick who is talking with her. Pareho silang nagpapahinga sa reclining chair. They really look good together.

"Jenn, why are you smiling?"

Napaangat ang tingin ko kay Hana nang bigla siyang magtanong. Magkaharap kaming dalawa. Nagpapaypay siya samantalang inaayos ko naman ang inihaw na mga isda.

"Natutuwa lang akong panoorin sina Diane at Rick," nakangiting sagot ko.

"Ahh right, bagay sila," aniya at nilingon pa ang dalawa na ngayon ay masayang nagtatawanan.

I smiled and nodded. Kinuha ko ang isdang luto na at inilagay iyon sa katabing lamesa, kung saan naghahanda ng pagkain si Ms. Ria.

"Jenn, you know what you're blooming today," sambit ni Ms. Ria.

Napangiti ako, "Kasi tapos na po ang project natin. Nabawasan ang work."

"O baka naman dahil sa husband mo?" biglang tanong ni Hana.

Nangunot ang noo ko. Paano niya nalamang may asawa na ako?

She pointed out my left hand, particularly my wedding ring. Ohh napansin pala niya.

"Jenn, you didn't told us that you're already married," ani Ms. Ria sa tonong medyo nagtatampo.

"I'm sorry Ms. Ria kung hindi ko po nasabi sa inyo," paumanhin ko.

"It's okay Jenn. Well...hindi rin kasi kami nagtanong," Ms. Ria said casually.

Napansin ko kahit mas matanda siya sa'min ng five years, if I'm not mistaken, nakikipagbiruan pa rin siya sa'min. Kaya kahit three days pa lang kami magkasama, komportable na agad ako kay Ms. Ria.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon