Chapter 41: His Reason Part 2

4.1K 94 2
                                    

Third Person's POV

Three years ago...

"I can't lose it! I must win!" mariing sabi ni Harris Edmond.

Kasalukuyan siyang nagsusugal at inuubos ang pera sa kanyang mga luho.

Napuno ng inggit ang puso ni Harris dahil hindi sa kanya ipinamana ng kanyang ama ang kumpanya. Sa halip, ibinigay ito sa nakababatang kapatid niya na si James. Ang tanging natanggap niya ay ang U.S. branch ng Bautista company.

"I can't believe that my father would treat me like this. I'm his eldest son, for goodness sake! But, the heck! He didn't give me the opportunity to handle the company," sabi ni Harris sa sarili.

***

"Edmond, please...I need to pay for the tuition of Elisse," pakiusap ng asawa ni Harris na si Mykah.

"What now? Don't you have money from your parents?" sumbat ni Harris.

"Fine! I'll just work then," ani Mykah. Kahit gusto niyang sumbatan ang asawa, hindi niya magawa dahil nirerespeto pa rin niya ito.

"Then, suit yourself!"

Iritadong iniwan ni Harris ang asawa. Pumunta siya sa casino para maglasing at magsugal.

Samantala, naiwan si Mykah sa kanilang tahanan. Tahimik siyang umiiyak nang pumasok sa kuwarto ang kanyang dalagang anak.

"Mom, are you crying?" tanong ng anak niyang si Elisse Margareth.

Agad na pinunasan ni Mykah ang pisngi at pilit na ngumiti sa anak.

"No, Elisse."

Yumakap sa kanya si Elisse. Kahit sa murang edad, naiintindihan na niya ang pinagdaraanan ng ina.

"Mom, I'm always here. You can tell me about your problem," wika ni Elisse sa ina.

Ngumiti si Mykah sa tinuran ng anak, "Thank you, sweetheart."

Lumipas ang isang taon, patuloy na naghanap-buhay si Mykah para suportahan ang pag-aaral ng anak. Hindi na siya umasa pa sa asawa.

Kaya kinailangan niyang magtrabaho nang husto, nag-o-overtime pa nga siya para  ipambayad ng tuition ni Elisse.

Hanggang sa isang araw, umuwi siyang pagod na pagod.

"Mom!" sigaw ni Elisse nang makitang nawalan ng malay ang ina.

"Dad! Help! Mom fainted!" tawag nito sa ama.

Tumakbo si Harris patungo sa asawa. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang asawa. Agad niya itong binuhat at dinala sa sasakyan.

Nagmamadali siyang nagmaneho patungo sa ospital. Sumama rin si Elisse at ang yaya nito.

Agad na inasikaso ng mga doktor at nars si Mykah sa loob ng emergency room.

Naiwan sa labas sina Harris. Hindi mapakali si Harris. Palakad-lakad siya.

Umiiyak naman si Elisse at inaalo ng kanyang yaya. Hanggang sa makalipas ang kalahating oras. Inilabas si Mykah at dinala sa ICU (Intensive Care Unit).

"You're wife is suffering from stage 3 breast cancer."

Tila ay gumuho ang mundo ni Harris matapos marinig ang sinabi ng doktor. Napaupo siya sa sobrang panghihina.

Ngayon lamang siya natauhan dahil sa pagiging pabayang asawa at ama. Sinabunutan niya ang sarili dahil sa sobrang lungkot at pagkadismaya.

Samantala, mas lumakas ang pag-iyak ni Elisse. Kahit inaalo ng kanyang yaya ay hindi pa rin siya mapatahan. Tumayo si Elisse at sinumbatan ang ama.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon