Chapter 36: Hunch

4.2K 110 4
                                    

Jenn's POV

Hon, we have an urgent meeting. It's an emergency. I'm sorry if I didn't wait for you. I promise I'll make it up to you next time. Just wait for me. Please Hon, take care always.  
       
-Marvin

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi napangiti ako ng sulat niyang iyon. Kahit pa bigla siyang umalis, basta ba nagsabi siya. Ang sweet pa ng sulat niya.

Itatago ko talaga ang note niyang ito. Isa sa ginawang effort ni Marvin para sa'kin.

Niyakap ko ang note saka napahiga sa kama. Tumitig lang ako sa kisame.

Nangunot ang noo ko nang makita ang nakangising mukha ni Marvin. Bakit ba pati kisame, ginugulo niya?

Isip at puso ko nga gulong-gulo na dahil sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero lagi na siyang nakatambay sa isip ko, kahit kailan, kahit saan at kahit pa hindi kami magkasama.

Tapos iyong puso ko naman, naaabnormal sa sobrang bilis ng tibok kapag kasama ko siya. Parang gusto na ngang lumabas ng dibdib ko.

Aiysh! Ano bang ginawa mo sa'kin Marvin?

Bago pa ako tuluyang mabaliw kakaisip kay Marvin, bumangon na ako. Nag-ayos ng bag saka lumabas na ng kuwarto.

"JENNI!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nandito na ako sa lobby kasama sina Hana, Thea at Ms. Ria.

Hindi namin kasama si Diane kasi ayon kay Ms. Ria, magkasama raw sila ni Rick. I'm sure, nag-date ang dalawang iyon. Ang ibang boys naman ay isa-isang naghahakot ng mga gamit namin para isakay sa van. Meron kasi kaming pupuntahan na isang tourist spot dito sa Isla Verde. Bibisita muna bago umuwi bukas.

"Oh, Kyle...I mean Sir Kyle," nag-aalangang wika ko. Alam ko kasing nakatingin sina Ms. Ria.

Ayokong mag-isip sila ng kung ano kapag tinrato ko si Kyle bilang bestfriend ko sa harap nila. Isa pa, alam nilang may asawa na ako.

I don’t want them to get the wrong idea.

Nangunot ang noo ni Kyle pero tiningnan ko siya nang mariin. Mukhang naintindihan naman niya iyon. Nginitian niya sina Ms. Ria.

"Hello Ms. Ria and..."

"Siya si Thea, ito naman si Hana," pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you beautiful ladies," ani Kyle with matching smile.

Nakita kong medyo namula si Hana. Ngumiti lang si Thea.

"By the way, bago ko makalimutan, best friend ko si Jenni kaya magkakilala na kami. Ayaw ko lang na magtaka kayo kung bakit close kami. And to make it clear, she's not my type."

Tumingin pa si Kyle sa'kin mula ulo hanggang paa. Mapang-asar siyang tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko namang hindi niya ako type pero bakit parang iba ang dating sa'kin.

Binatukan ko siya. Wala na akong pakialam kahit nakikita kami nina Ms. Ria.

Tumawa si Thea, "We didn't think the wrong way. Alam naman naming may asawa na si Jenn. At isa pa, para kayong magkapatid na dalawa."

"Anong magkapatid? Masyado akong gwapo para maging kapatid ni Jenni," alma agad ni Kyle.

I glared at him, "So, sinasabi mo na panget ako?"

"I didn't said that," nag-ngising aso pa siya.

Sa inis ko, akmang babatukan ko ulit siya nang may biglang dumating. Natigil sa ere ang kamay ko. Ibinaba ko na lang iyon.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon