Chapter 11: The CEO

5.1K 130 19
                                    

Jenn's POV

"Ma'am ako na po ang magdadala ng gamit niyo," bungad sa'kin ng isang lalaki nang makalabas ako ng elevator. Kung titingnan mas matanda siya sa'kin. Parang nasa 30's na siya.

"Teka lang, sino po kayo? Bakit kailangan mo pa akong sunduin?" Hindi ko naiwasang magtaray.

"Ako po si Edgar, pinadala po ako ng CEO ng company na lilipatan niyo Ma'am," sagot niya na nagpataas ng kilay ko.

"Kuya Edgar, hindi niyo na po ako kailangang sunduin. Kaya ko naman pong pumunta doon mag-isa e'."

Ngumiti lang si Kuya, "Ma'am sinusunod ko lang po ang utos sa'kin."

Oo nga naman napag-utusan lang si Kuya. Sige na nga. Mukha namang mabait si Kuya and besides kilala naman siya ni Ma'am Sandra.

Pumasok na ako sa backseat ng kotse at tinext si Papa.

To Papa

Pa, bakit naman kailangan pang may sumundo sa'kin papunta sa lilipatan kong company? I can go there by myself. Hindi na po ako bata.

After 5 minutes nag-reply siya.

From Papa

Anak, iniisip ko lang kasi baka maligaw ka at mahihirapan ka pang mag-commute. Don't worry, dati kong empleyado iyan si Edgar.

I face palm. Si Papa talaga.

Maya-maya pa nakarating na kami sa company na lilipatan ko.

"Salamat po Kuya Edgar," sabi ko nang makababa sa kotse at kinuha ang gamit kong bitbit niya.

"Walang anuman po Ma'am," nakangiting sagot ni Kuya Edgar at pumasok na sa sasakyan.

Tumalikod ako at tumingala sa napakataas na building na nasa harap ko ngayon. May malaking letter B na nakasulat sa pinakataas. Ano kayang ibig sabihin no'n?

Dumiretso na ako sa main entrance. Nagtataka ako kasi hindi ako tinanong ng security guard. Ngumiti lang siya sa'kin.

Weird.

Lumapit ako sa Information desk. "Excuse me Miss, pwede ko bang malaman kung saan ang office ng CEO?"

"Kayo ba si Miss Jennifer?"

Tumango ako. Ngumiti sa akin si Ate receptionist, "Kanina pa po kayong hinihintay ni Sir. Sa 15th floor po ang opisina niya."

"Salamat," nakangiting sagot ko sa kanya. Mukhang mababait naman ang mga empleyado dito.

Sana pati iyong boss ko mabait din. Bakit kasi nilipat pa ako ni Papa? Ayos na sa'kin doon sa company nina Papa at Tito Mike. Nag-secretary lang ako kasi gusto kong magsikap. Kahit gusto ni Papa na gawin akong Manager, tinanggihan ko. Ayaw ko namang maging unfair sa ibang empleyado. Tapos ngayon, ililipat ako ni Papa? 'Pag hindi ko nagustuhan dito, I swear babalik talaga ako r'on.

Dahil sa pag-iisip, hindi ko namalayang nakarating na ako sa 15th floor.

"Hi Miss, dito po ba ang office ng CEO?" tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Naka-eye glasses siya at mukhang mas matanda sa'kin. Parang kasing-edad niya si Kuya Edgar.

"Yes dito nga, you're Jennifer right?"

Teka, kilala rin niya ako? Kahit nagtataka, tumango ako.

"Oh Hi. I'm Alysson. Secretary ng CEO. Nasa loob si Sir. Just wait, I'll tell him you're here," nakangiting sabi niya at lumapit sa pinto.

She knocked twice, "Sir, nandito na po si Jennifer."

Humarap sa akin si Sec. Alysson, "Pwede ka na raw pumasok."

Ngumiti lang ako at lumapit sa pintuan. Binuksan ko iyon. Nakita kong may lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakatalikod siya sa akin kaya 'di ko makita ang mukha niya. Pero parang pamilyar ang likod niya.

Babasahin ko na dapat ang name plate nang humarap siya.

WHAT? Siya ang magiging boss ko?

CEO/ Engr. Marvin Lance H. Bautista

Dalawang beses ko pa iyong binasa at kinurap-kurap ang mga mata ko.

Nang makarekober, tiningnan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Aba't nakangisi. Natutuwa yata sa reaksyon ko.

Pinipigilan kong taasan siya ng kilay. "Ikaw ba talaga ang magiging boss ko?"

"Isn't it obvious?" nakangisi pa rin siya.

"Per--"

He cut me, "Don't worry hindi alam ng mga empleyado dito na mag-asawa tayo. Besides, it's your Father who decided this."

"And it's not permanent. Mag-train ka lang rito ng 2-3 years," dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako, "So anong magiging trabaho ko rito?"

"Don't forget to call me Sir. I'm your boss from now on."

Tsss... "Yeah right. SIR," sarcastic na sabi ko na hindi naman niya pinansin. Lumapad pa ang ngiti niya.

"Good. Since you've graduated Accountancy. Iyon ang magiging trabaho mo," aniya.

"Okay sir. Pwede na po ba akong pumunta sa office ko?"

"Excited much? Are you disappointed?" tanong pa niya. Konti na lang talaga matataasan ko na siya ng kilay.

"Sino bang matutuwa na maging boss ka?" bulong ko sa sarili ko.

"What? May sinasabi ka?"

Umiling ako, "Wala po. Excited lang akong magtrabaho" I said in my own sarcastic way.

"Ohh, iga-guide ka na lang ng secretary ko papunta sa office mo."

"Okay then. Salamat po," sabi ko at pilit na ngumiti.

Lumabas na ako ng office ng mokong. Gusto ko sanang padabog na sarhan ang pinto. Kaso naalala ko boss ko nga pala siya. Psh.

Bakit ba kasi siya pa ang naging Boss ko? Of all people?

Nakakainis!

Magkasama na nga kami sa iisang bahay, hanggang dito ba naman?

"Jennifer, tara sasamahan kita sa office mo."

"Secretary Alysson, Jenn na lang," nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin siya, "Okay then you can call me Sec. Aly."

"Okay. By the way Sec. Aly, saang floor ba ang office ko?"

"12th floor. Accounting Team."

Habang nasa elevator, hindi ko maiwasang isipin na mabuti na lang pala hindi alam ng mga taga-rito na mag-asawa kami ni Marvin este Sir Marvin. Kung hindi awkward talaga.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon