Chapter 29: Friends?

4.2K 114 0
                                    

Jenn's POV

Pagkatapos ng mahigit isang oras, nakarating na kami sa Isla Verde. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami kasi masyado akong busy sa panonood ng magagandang tanawin.

Dumeretso na agad kami sa homestay na pagtutuluyan namin for 3 days. Good thing, ang may-ari nito ay father ni Clyde kaya libre ang stay namin dito.

"Welcome po Ma'am and Sir," napalingon kaming lahat sa babaeng nagsalita. Siya ata ang receptionist dito since nakasuot siya ng white blouse na may tatak ng pangalan ng homestay with matching black skirt.

"Ako po si Myrna, ang in-charge receptionist niyo. Meron na lang po kaming 5 rooms na pwede ang dalawang tao sa isang kwarto. Si Sir Clyde na po ang nag-assign ng magkakasama sa isang kwarto."

Inabot niya kay Ms. Ria ang isang papel at mga susi since siya ang head ng project namin.

"Alright. Nakasulat dito ang magkakasama sa room. Siyempre, magkahiwalay ang boys sa girls. Matthew and Jerome. Ako at si Thea."

Hinihintay kong banggitin ang pangalan ko. Sana hindi si Diane ang kasama ko. Baka kasi maging disaster 'pag kami ang nagshare ng room.

Nagpatuloy si Ms. Ria, "Bryan and Rick. Hana and Jeanna."

Bumagsak ang balikat ko nang kami na lang ni Diane ang hindi nababanggit. Kasasabi ko lang na sana 'wag siya. Aish!

"Jenn and Diane."

"What?" maarteng sabi ni Diane.

'Malamang, tayo ang magka-partner kaya tayo ang magkasama sa room.'

Gusto ko iyang sabihin. Pero tumahimik na lang ako.

"Kayo kasi ang magka-partner Diane," paliwanag ni Ms. Ria.

"Tsss..." bulong ko. Inabot na sa'min ni Ms. Ria ang susi ng bawat room. Ako na ang tumanggap ng susi namin kasi parang walang balak na tanggapin ni Diane.

"I'd rather rent another room kaysa makasama ka," maarteng sabi niya at inirapan ako.

"'Di mo ba narinig kanina? 5 rooms na lang daw ang available," hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko.

"Whatever," aniya at tumalikod na.

I guess, I need more self-control this time.

Pagkapasok namin sa kwarto, namangha ako kasi kahit maliit lang, maganda naman at maayos ang loob. May 2 bedrooms at veranda. Simple lang ang theme pero magandang tingnan. Blue and white.

Lumapit agad si Diane sa kama malapit sa veranda. Gusto ko sana roon pero naunahan niya ako.

I sighed. Jenn, don't make that a big deal.

Lumapit na lang ako sa kabilang kama at inilapag ang bagpack ko.

May kumatok sa pintuan kaya binuksan ko iyon. Bumungad ang nakangiting si Thea.

"Girls, mag-dinner daw muna tayo sa baba," masiglang aniya. Sumunod agad sa kanya si Diane. Susunod na dapat ako nang biglang...

Ring...ring...

Pinindot ko ang accept button. Buti na lang nakaalis na si Diane.

Calling...

Marvin

"Hello Hon," bati niya mula sa kabilang linya.

"H-hon, bakit napatawag ka?" Medyo nautal pa ako kasi first time ko iyong itawag sa kanya sa telepono.

"Why? Can't I call you anytime I want?"

"Hindi naman sa ganon. Kinakabahan lang ako kasi baka may makarinig na kausap kita," pag-amin ko.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon