Chapter 15: Separated

5.1K 128 19
                                    

Jenn's POV

"Anak, ingatan mo ang sarili mo doon ahh. Don’t forget to eat in right time and take enough rest. Isa p--"

Pinutol ni Marvin ang sinasabi ni Ti-- este Mama Leah, "Mom, don't worry about me. Tatandaan ko po lahat ng bilin niyo."

Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Marvin papunta sa U.S. Nandito rin ang parents ko at ang pinsan ni Marvin na si Clyde.

"Son, just call me if there's a problem. Pupuntahan agad kita kung kailangan mo ng tulong ko," Dad said then patted his shoulder.

"Thanks Dad," Ngiting sagot niya at humarap kay Clyde, "Bro. ikaw muna ang bahala sa company. I know I can trust you."

"No problem Bro. basta ba may pasalubong ako," naka-smirk na sagot nito. Magpinsan nga sila ni Marvin.

Ngumisi lang din si Marvin at bumaling naman sa'kin, "Jenn...uhm," tumigil siya at tumingin nang deretso sa mga mata ko. "Thank you."

Napakurap ako nang ilang segundo, "Para saan?"

"For understanding me," nakangiting aniya.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"Promise babawi ako pagkauwi ko. Take care," he whispered that brought shivers to me.

Nang kumalas siya, nakangisi sa'min sina Papa, Mama, Dad, Mama Leah at Clyde. Oh bakit ganyan sila makatingin?

"Mag-iingat ka rin," sagot ko at ngumiti nang bahagya.

Nagsimula nang maglakad palayo si Marvin sa'min dala ang isang maleta niya. Konti lang ang dala niyang gamit since doon sa resthouse nila siya mag-i-stay.

Nang medyo makalayo siya, humarap siya at kumaway at kumindat sa'kin. Hindi ako sigurado.

"I'm sure mamimiss ka 'non," sabi ni Clyde sa may gilid ko.

"Don't worry Anak may video call and Skype naman so you can talk to each other everyday," nakangiting sabi ni Mama.

"Right Jennifer hija temporary lang naman kayong magkakalayo ni Marvin at isa pa, yes you're now separated physically but basically you're still a married couple," dagdag pa ni Tita Leah.

Sa totoo lang naweweirduhan ako sa sinasabi nila. Para bang hindi nila kami tinakdang magpakasal at totoo kaming nagmamahalan. I didn’t understand why they have to say those things as if I was desolated because of Marvin's leave. Tsss...

Umirap na lang ako nang bumaling na sina Mama at Tita Leah kina Papa at Dad.

"Marvin's right."

Halos mapatalon ako nang magsalita si Clyde. Nakakunot-noo ko siyang tiningnan.

"I mean he's right, you're an interesting woman," sagot niya na nagpataas ng isang kilay ko.

"He said that?" hindi ko napigilang itanong.

Ngumisi siya nang nakakaloko kaya dinagdagan ko ang sinabi ko, "Curious lang."

"Hindi naman niya direktang sinabi. I just implied it on his statements," aniya na nakangisi pa rin.

Napatango na lang ako. His cousin was like him. Man of few words.

Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Clyde. I didn’t expect that Marvin will be interested with me, if his cousin wasn't kidding, because I know I'm not his ideal type of woman.

***

Three weeks had passed since Marvin left and went to U.S. Gaya ng sabi niya, si Clyde muna ang nag-acting CEO bilang pansamantalang kapalit niya dito sa company.

Noong nakaraang linggo lang nagulat ako nang pumasok si MJ sa Department namin at nakangiting inanunsyo na dito siya sa team namin magtatrabaho.

I was happy of course even though I didn't have an idea why she's here working rather than with her family in Australia. Hindi ko na muna siya tinatanong kasi pakiramdam ko hindi pa siya handang pag-usapan iyon.

Anyway, nag-v-video call naman kami ni Marvin tuwing gabi twice or thrice a week. Simpleng kamustahan lang at kuwentuhan. Maayos naman daw siya ro'n. Busy lang talaga siya kasama ang attorney nila para asikasuhin ang isasampang kaso kay Tito Harris kaya this week, once lang kami nagkausap sa tawag. Nagbuntong-hininga ako.

I don't know why I feel like I'm more exhausted every time I see him stressed.

"Bestie?"

Tiningnan ko si MJ nang tawagin niya ako. Nandito kami sa isang coffee shop ngayon malapit sa Company. Dahil maaga pa naman, dumaan muna kami rito para magkape at makapagkuwentuhan kahit saglit lang.

"Are you okay?" she asked.

Uminom muna ako ng kape bago sumagot, "Oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?"

"Don't deny it Jenn. I know you're feeling lonely these past few weeks. Dahil ba ni Marvin?"

Nangunot ang noo ko, "Bakit siya napasama sa usapan Bestie?"

Umiling siya, "Kasi namimiss mo siya right?"

Umiwas ako ng tingin, "Why? Bakit ko naman siya mamimiss?"

Umikot ang mga mata ni MJ.

"Because he's your husband," sabi niya sa sarcastic na tono.

Tumikhim ako, "Yes he's my husband but still, it's only arranged marriage s--"

She cut me, "Jenn stop saying about your arranged marriage. That doesn't matter anymore."

Naguguluhang tiningnan ko si Bestie. I don't get what she's trying to say.

"Ibig kong sabihin, namimiss mo siya kasi nasanay ka na sa presensya niya these past two months," paliwanag niya.

Natigilan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Parang umurong ang dila ko. MJ suddenly snap her fingers in front of me, "See? Silence means yes."

Hindi naman dahil hindi ako nakaimik ay totoo na ang sinasabi niya. Tsss...ang bilis talaga mag-conclude ni MJ

Napairap na lang ako at umiling, "Uminom ka na lang Bestie. Puyat lang iyan."

"I'm not hindi nga ako napuyat kasi maaga nating natapos ang trabaho kahapon right?"

Nangunot bigla ang noo niya. Late ko na na-realize na mali ang nasabi ko.

She looked at me suspiciously, "Bestie, don't tell me ikaw ang nagpuyat kagabi?"

At bago pa ako makasagot, inunahan na niya ako, "Kausap mo hubby mo 'no?"

Tumango na lang ako. I didn’t expect her reaction. Tumili lang naman siya at hinampas ang braso ko, "Ayieeh bestie! Sabi na! Ihhh kinikilig ako sa inyo!"

Sisigaw pa sana siya nang agad akong lumapit at tinakpan ang bibig niya.

"Bestie, wala tayo sa bahay. Wag kang sumigaw dito nakakahiya," bulong ko.

Tumahimik naman siya kaya bumalik na ako sa pwesto ko.

"Kaya pala di mo namimiss ehh kausap pala kagabi!" hagikhik pa niya kaya napapoker face na lang ako.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon