Chapter 24: Project

4.4K 102 3
                                    

Jenn's POV

"Speaking of the late, nandito na pala siya."

Boses agad ni Diane ang bumungad sa'kin pagkapasok ko sa office ni Ms. Reyes. Nakaupo lang siya sa right chair kaharap ni Ms. Reyes with matching sama ng tingin sa'kin. Habang si Ms. Reyes naman, nakaupo lang sa swivel chair niya.

Naglakad ako palapit kay Ms. Reyes. Nag-bow ako, "I'm sorry po Ms. Reyes kung hindi ko po nasagot ang tawag niyo, naka-silent po kasi ang cellphone ko."

"It's okay. Ang mahalaga, nandito ka na," aniya at tipid na ngumiti. Ang bait talaga niya. Sana all.

"You can take your seat Jenn." Itinuro niya ang upuan na kaharap ng kay Diane. Umupo na lang ako since wala nang iba pang upuan. As usual, inirapan na naman ako ni Diane.

"As I said a while ago, there's something important I want to say to you ladies," panimula ni Ms. Reyes.

Magsasalita dapat ako nang unahan ako ni Diane.

"What's that Ms. Reyes? Pwede po bang pakibilisan. I want to get out of here. Nakakasuka ang kaharap ko. Psh." At ginawa na naman niya ang famous irap niya. Buti hindi tuluyan na gumugulong ang eye balls niya. Hobby pa man din niya ang umirap. Tsss.

Ano ba 'tong sinasabi ko? Aish! Nahahawa na rin ako kay MJ nubayan!

Hindi ko na lang pinansin ang kaartehan ni Diane at nagpokus sa sasabihin ni Ms. Reyes.

Mukhang hindi rin natuwa si Ms. Reyes sa sinabi ni Diane kasi sumama ang tingin niya rito.

"Diane like I've asked you, please be nice with Jenn. Bago lang siya dito and besides, she's your partner," seryosong aniya. Napangiti ako at tiningnan ang kaharap.

Ano ka ngayon?

Tinaasan niya ako ng kilay, "Whatever. Ms. Reyes, please proceed to what you want to tell us."

Napangisi ako. Tiklop pala siya kay Ms. Reyes ahh.

"Okay. As I was saying, this is an important project with one of our biggest client, Mr. Lim. He's planning to build a resort in Batangas wherein our company will be the sponsor. I want the both of you to handle this project. I know I can trust you," paliwanag niya.

Ohh kaya pala. Ang kumpanya ang magsisilbing sponsor ng building materials ng resort pati na rin ng publicity nito. Nasabi ko na bang hindi lang resort and building projects ang business ng Bautista Company? Actually they have a lot of businesses aside from hotels, restaurants and clothing lines. Kaya nga medyo nahihirapan akong mag-adjust sa dept. namin ehh.

"It's my pleasure Ms. Reyes to handle that project. You know naman po I'm skilled and I'm sure I won't fail you. 'Di ko lang sure sa babaeng 'to," sabay tingin sa'kin. Nag-cross arms pa siya.

Ngumiti ako, "Salamat po Ms. Reyes sa pagtitiwala. Hindi naman po sa inaatrasan ko ang project, pero sa totoo lang, baka po magka-problema 'pag kami po ni Diane ang magkasama."

"Buti alam mo," singit pa ni Diane kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng kilay. Kanina pa siya ehh.

Huminga nang malalim si Ms. Reyes bago ngumiti. "I'm glad you're being honest with me Jenn. But I'm sorry I can't do anything about it."

"What do you mean?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Sabay naming tanong ni Diane kaya nagkatinginan kami. She just rolled her eyes on me. Hobby talaga niya iyan.

"Actually, I am not the one who chose you. It was on the upper."

Napaisip ako, "Sino po? Si Sir Marvin?"

Umiling siya, "Nope si Sir James."

Pagkarinig pa lang sa pangalan ng Dad ni Marvin ay natahimik na lang ako. I know I can't do anything about it. Kung si Marvin pa baka mapakiusapan ko. Pero si Dad talaga? Aish!

Kaya ang ending, bagsak ang balikat akong lumabas ng office ni Ms. Reyes.

"What an ugly and silly partner. Tsk. Tsk. Tsk." Umiling-iling pa siya. Isa pa 'tong kapartner ko.

Huminga ako nang malalim at lalagpasan na sana siya pero hinigit niya ang braso ko kaya napatigil ako.

"'Wag kang bastos Jennifer! I'm still talking to you," mataray niyang sabi.

Nag-poker face na lang ako.

"Ayaw ko kasing sayangin ang laway ko talking nonsense with you!"

Gustong-gusto ko na sabihin iyan. Buti na lang napigilan ko ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili.

"Ano bang kailangan mo Diane?"

"Well...ang kailangan ko." Nilagay pa niya ang daliri niya sa baba niya. "Is to get you out of this company!" Matalim siyang tumitig sa'kin at dinuro pa 'ko. Nakaka-ilan na siya ahh. Iyong mahaba kong pasensya, feeling ko lumiliit na.

I breathe heavily, "Bakit ba galit ka sa'kin? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo? Tell me."

"Masyado ka kasing pabida! Hindi naman maganda. To tell you honestly, wala ka pa sa level ni Mica. So you don't belong here!" Nag-rolled eyes na naman siya.

Hindi ko alam kung bakit parang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. I'm not easy to get pissed. Pero sumusobra na siya.

"Diane, don't compare me with someone else. I'm not pabida. And to tell you honestly I didn't want to work here. I just don't have choice to disagree since it's my father's decision. So if you want me to get out of this company, then go tell to my father and to Sir James. Don't worry Diane I'm willing to support you." I said and arched my eyebrow.

Siya naman speechless. Parang ganto ang itsura niya. O_O
Nanlalaki ang dalawang mata. I want to laugh at her right now. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya. Well she got it wrong.

I fake a smile before I decided to walk pass her.

Napaisip ako. It's my first time to confront a girl. Tama naman iyong ginawa ko diba? Ayy ewan! Buti nga 'di ko pa siya sinumbatan about sa pizza na binigay niya sa'kin eh. I thought she didn't intend that but after what she said, I doubt it. She push me to my limits so I just gave her what she wanted. Tsss.

Aish! Nakaka-stress! I need fresh air.

Kaya napagdesisyunan ko na pumunta muna sa garden ng company since break na naman. Nag-text na lang ako kay Bestie para 'di niya ako hanapin.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon