Chapter 28: Batangas Trip

4.4K 99 2
                                    

Jenn's POV

"Because anytime, I might kiss you."

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit ang boses ni Marvin sa isip ko. Aish! I need to erase it!

"Gusto mo naman."

Kinaltukan ko ang sarili dahil sa naiisip. Bakit ba kasi hindi iyon mawala-wala sa isip ko?

"Hon, I'm done. It's your turn."

Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Marvin at agad ding napaiwas ng tingin. Kasi naman...

Kalalabas lang niya galing sa banyo. And he's half-naked!

"Oh Hon, what's wrong?" pa-inosente pang tanong niya.

"Magbihis ka nga!" sabi ko, hindi pa rin siya tinitingnan.

"Why? Hon, mag-asawa na naman tayo."

Naramdaman kong lumakad siya palapit sa'kin kaya agad akong napatayo.

"Kahit na Hon, bata pa tayo at saka..." napalunok ako.

"You're not yet ready?"

"O-oo," nauutal kong sinabi.

Nang tingnan ko siya, nakangisi lang siya at akmang lalapit sa'kin nang agad akong mabilis na naglakad patungo sa banyo.

"I'll just take a shower," wika ko bago sarhan ang pinto.

Mabilis akong naghalf-bath at pinakalma ang sarili. Jenn, you to calm down.

Inhale...exhale...

Pagkalabas ko ng banyo, naabutan kong nakaupo sa kama si Marvin. Nakasandal siya sa headrest at nagbabasa ng libro. Umupo ako sa gilid niya.

"Hon, may I ask you a favor?"

He didn't answer. Sa halip, tumingin siya sa'kin ng seryoso. Siguro hindi pwede.

I was busy drying my hair when he suddenly speak.

"Hon, what favor?"

Binaba ko muna ang blower at humarap sa kanya.

I cleared my throat, "Tungkol sa proposal for Mr. Lim's Resort...pwede bang kausapin mo si Dad na...'wag na lang kami ni Diane ang magkasama?"

Sa wakas nasabi ko na nang deretso. Pero nangunot ang noo ko nang ngumisi siya. I didn’t expect his reaction would be like that.

"Why? Hon, hindi mo kaya?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong gusto mong iparating? Na hindi ko kayang gawin ang project kaya nakikiusap ako?" medyo inis na sabi ko.

"I didn't say that. Hon, I mean hindi mo kayang makasama si Ms. Salvaterra? Diba magka-partner kayo?"

"Yes, magka-partner kami. Pero hindi kami magkasundo, nag-away pa nga kami nitong nakaraang araw eh," pag-amin ko.

"Then, are you going to give up just like that?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Even I admit it or not, he has a point. Dahil ba si Diane ang kasama ko, aayaw na ako sa project? Hindi! That's a big no!

"Hon, you're right. Dapat hindi ko hayaan ang personal issue namin na makasagabal sa trabaho. I must be professional," I smiled.

He smiled too, "You've changed Hon. I'm happy na nahahawa ka na talaga sa'kin."

I don't know why but our conversation made my heart smile before I go to sleep.

Kinabukasan, maaga akong nagising sa tawag ni Ms. Reyes. Antok na antok pa ako na sumagot sa tawag niya. Pero biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon