Chapter 3: The Plan

8.2K 173 96
                                    

Jenn's POV

Ring...ring...

Pagkamulat ng mata ko, pinatay ko agad ang alarm ko. It's 6 am in the morning. Too early for my usual wake up but I think it's the perfect time. I stretch my arms in the air to wake up myself. I have to be early. Para sa plano ko.

Pumunta na ako sa banyo habang naghihikab at ginawa ang morning routine ko. Napatingin ako sa salamin. I smile. This is it.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay tumawag agad ako kay Kyle. Syempre, may kasama ako sa plano. Knowing that "guy", I can't make this on my own. Alone. I need company.

"Yow Jenn, napatawag ka?" he said while yawning. I can feel he's still sleepy.

"Kyle, I need your help." Pagkasabi ko 'non, alam kong bigla siyang napabangon. "I mean kayo ni Ellen."

Narinig ko ang pag-ubo niya. Ohhh...I smell something fishy.

"Don't worry, it's not what you think. Set-up or what? Duhh...hindi 'to para sa'yo Kyle."

I heard him chuckle. "I know haha. I'm just teasing you Jenn."

"Teasing, huh?" pang-aasar ko. "Alam ko namang, maha--"

"If that's what you think, you're wrong Jenn. I told you, I already moved on."

"Okay. If you say so. But anyway, kailangan ko nga ng tulong niyong dalawa ni Ellen. Experts kasi kayo dito 'e," natatawa ko pang sabi.

"Nani?" tanong niya. Japanese nga pala itong si Kyle. Hmm...a great advantage. Translation: [What?]

"About 'to sa super yabang at plastik na lalaking gusto ng parents ko na pakasalan ko," nakataas-kilay na sabi ko.

"Ayan Jenn, lumalabas na ang pagiging mataray mo," narinig kong natawa siya. Sabagay naiinis talaga ako 'pag tungkol na sa mokong na iyon ang usapan.

"By the way, what's the plan?" curious na tanong niya.

So I explain it. Tumatawa pa nga siya kasi andami ko raw plano. Plan A. B. C. D. Sabi ko na lang, just to make sure.

Napangiti ako nang ma-gets niya rin sa wakas ang gagawin nila ni Ellen. No'ng una nag-hesitate pa siya, pero dahil dakilang makulit ako, he gave up. Last na raw niya ako pagbibigyan. 'Buti na lang talaga nandito lagi mga bestfriend ko.

I ended the call. And then I dialled Ellen's number. Dalawang ring pa lang nang sagutin niya ang tawag.

"Hi, cupcake" masiglang bati niya. Yup. Cupcake tawagan namin. Siya nakaisip niyan, ang cute nga e'. Bihira siyang endearment para sa mag-bestfriend.

"Good morning, cupcake," sagot ko sa kanya. Alam ko busy siya pero lagi naman niyang sinasagot ang tawag ko. She's so good to be my best friend.

"I'm sorry kasi maaabala na naman kita," nag-apologetic look pa ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Seriously, ngayon mo pa naisip iyan Jenn. 'E nasabi mo na kagabi ang plano mo?" natatawang tanong niya. Yes last night ko pa nakuwento sa kanya. Kulit din kasi nito 'e.

"Oo nga pala, kaya ako napatawag at nag-sorry sa'yo kasi..." Hindi ko alam kung pano 'to i-explain sa kanya pero kailangan.

"Ano iyon cupcake?"

"It's because Kyle will be with us later," maiksing sabi ko.

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi Jenn?" nagtatakang tanong niya.

"Dapat kagabi ko pa sasabihin pero kasi ang kulit mo 'e," natatawang sagot ko.

"Yup. I remember. I asked about your dear future husband," nang-aasar na sabi niya.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon