Chapter 23: Cold

4.9K 105 1
                                    

Diane's POV

I was in the middle of fixing my things when Ms. Reyes told me that Sir Marvin wants to talk with me. For what? Iyan ang una kong reaksyon. But anyway this is my first time na tawagin ako ni Sir para pumunta sa office niya. I’m so excited. Buti na lang, lagi akong may dalang make-up kit to make myself pretty and ready to go.

Busy ako sa pag-aayos ng kilay ko nang dumating si Jennifer sa table niya. Oh balita ko na-hospital siya, why is she already here? Nang lingunin niya ako, I just rolled my eyes on her. Why do I even care with her?

“Perfect mwuah,” I said as I stare in myself in the mirror. Ang pretty ko talaga. I stand up. Chin up. Chest out.

“Saan kaya papunta ang babaeng dragon?” I heard someone murmured. Nilibot ko ang mga mata ko pero lahat sila busy sa ginagawa. Did I heard it wrong?

“Siguro magbubuga lang ng apoy. Mapula ang nguso ohh,” rinig ko na namang sabi ng kung sino. Nilingon ko na lang sila at inirapan. I’m not in the mood to get annoyed right now. Ayokong ma-stress lalo na makakausap ko si Sir Marvin. My oh-so-handsome and hot boss.

“Sec. Aly, pinapatawag daw ako ni Sir Marvin?” I asked her when I saw her walking out from her office.

She smiled, “Yes Ms. Salvaterra. Nasa loob si Sir. Knock twice before you enter.”

Pagkaalis niya tinaas ko ang kanang kilay ko. Did she think I don’t know that? Tsss. Kung hindi lang siya ang secretary ni Sir Marvin matagal ko na siyang natarayan.

I knocked twice and sweetly speak, “Sir Marvin, may I come in?”

“Yes come in,” I heard his husky and cool voice.

Binuksan ko agad ang pintuan at nakita siyang prenteng nakaupo sa swivel chair niya. Ohh gosh! He’s so handsome kahit nakaupo lang siya. Take note seryoso din ang aura niya at magkasalubong ang dalawang kilay. Sir, why so hot?

“Ms. Salvaterra?”

“Ms. Diane Salvaterra?”

Nagising lang ang diwa ko nang tawagin niya ang full name ko.

“Did you understand what I said?”

Nangunot ang noo ko. What did he said? “H-huh Sir? Ano po iyon?”

He arched his left eyebrow na lalong nagpa-guwapo sa kanya, “Ms. Salvaterra I said I'll be straight to the point and I’m expecting you to say only what is true. I hate liars. Do you understand?”

Tumindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya. He was so serious. Nakakatakot siya actually. Parang nag-aapoy ang mga mata niya.

“Y-yes po Sir,” kinakabahang sagot ko. Ganito ba talaga siya? Cold, serious at nakakatakot? Now I know why Mica decided to resign.

“Sit down first,” He said kaya sinunod ko agad siya. Why do I feel like galit siya sa’kin?

I fixed my hair and I smiled sweetly, “Sir, ano po bang pag-uusapan natin? I’m single po and rea—“

“Cut that. It is about what happened yesterday at the party,” seryoso pa ring aniya.

Napaisip ako, “Ano pong tungkol kahapon? Sa party po? Actually, I am not the mastermind. Si Ms. Reyes po ang nag-isip ‘non.”

Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “It’s not what I mean. Ms. Salvaterra, when you gave Ms. Jennifer a slice of pizza, did you do it on purpose?”

I can’t help but to arched my eyebrow, “Sir, what do you mean? Bakit ko naman po gagawin iyon?”

Tumalim ang tingin niya sa’kin. Lalo tuloy akong kinabahan.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon