Chapter 27: Heartbeat

4.7K 111 0
                                    

Jenn's POV

Pagkapasok ko sa bahay, dumeretso agad ako sa kuwarto at pumasok sa banyo. I need to calm down myself. Hanggang ngayon kasi ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Aish!

Naghilamos agad ako.

Inhale...

Exhale...

Tama iyan Jenn. Huminga ka lang nang malalim. Kalma lang.

My heartbeat became normal after I breathe heavily not until...

"Hon, are you okay?"

Halos tumalon ang puso ko sa boses ni Marvin sa labas ng banyo. At may gana pa siyang magtanong na okay ako? Eh siya ang may kasalanan kung bakit naaabnormal ang puso ko ngayon. Na naman. Aish! Ano bang nangyayari sa'kin?

Maya-maya, narinig ko ang yabag ng mga paa niya. Papalapit siya dito.

Omy! What to do?!

Hindi pa rin ako mapakali nang marinig ko ang boses niya.

"I know you're inside. Hon, labas ka na. We need to eat our dinner."

Sasabihin ko sanang busog pa ako nang biglang kumalam ang sikmura ko. Napa-poker face na lang ako.

"Alright Hon. I'll go down first. Ipapahanda ko na ang dinner natin. I'll wait for you downstairs."

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Yes naman! Iyan ang sabi ng tiyan ko.

Tapos iyong puso ko na naman. Nagwawala sa loob. Gusto na yatang lumabas sa dibdib ko.

Jennifer, you need to calm down.

Inhale...Exhale...

After nth times of breathing heavily, I decided to come out. Nakahinga ako nang maluwag nang wala si Marvin sa labas.

Mabuti na lang ginawa talaga niya ang sinabi niya.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko pa si Manang Lita na may bitbit na pitsel ng juice.

Lumapit ako sa kanya, "Manang, ako na po ang magdadala niyan."

"Sige Jenn. Salamat," nakangiting inabot niya iyon sa'kin at kinuha ang telepono niya sa bulsa.

"Mauna na ako sa'yo hija. Tumatawag pa kasi si Rene."

I smiled, "Sige po." Si Rene ay ang panganay anak ni Manang Lita na nasa kolehiyo pa. Nasa probinsya ito kaya through phone call na lang ang communication nila ni Manang. I admire them. Nakakaya nila iyon.

They're distance apart yet they are close in heart.

"Bakit ngumingiti kang mag-isa r'yan?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang may nagsalita sa may gilid ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize kung sino siya.

Nang tingnan ko siya, nakangisi siya sa'kin.

"M-Marvin, bakit ba...ang hilig mong manggulat?"

Lumapad ang ngisi niya, "It's because you're cute Hon when you're shocked."

Kailan pa siya naging prangka?

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at iyong puso ko...abnormal na naman ang tibok. Lumapit si Marvin sa'kin at akmang kukunin niya ang pitsel sa kamay ko nang iiwas ko iyon.

"A-ako na ang magdadala. P-para may naitulong na-naman ako."

Nauna na akong maglakad papunta sa dining table. Actually, palusot ko lang iyon para hindi na siya mapalapit sa'kin.

The CEO is My Husband? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon