Chapter 48

230 17 1K
                                    

Third Person's Point of View.

MAKALIPAS ang ilang oras ay nagising si Luke sa malambot na kama dahilan para mabilis siyang bumangon at kunin ang mga gamit.

"A-Anak saan ka pupunta?" Tanong kaagad ng kaniyang Ina.

"Kailangan ako ng mag-ina ko mom, babalik na ako sa ospita—"

"No, H-Hindi pepwede galit pa sa'yo si Mia anak." Sambit ng kaniyang Ina.

"Mom, I still need to be there okay?" Pinilit ngumiti ni Luke.

"P-Papayag ako pero Kumain at maligo ka muna." Aniya nito kaya naman bumuntong hininga si Luke at mabilis na pumasok sa banyo.

"Pahanda na lang ng susuotin ko mom." Paalala niya sa kaniyang Ina at binilisan ang pagligo.

Dama niya ang hilo ngunit binalewala niya ito hinayaan niyang hindi naka-lock ang pinto dahil nanay niya naman ang nandito at wala ng iba ngunit sa kaniyang pagligo ay naramdaman niya ang naghihimasik na sakit sa kaniyang ulo.

Hanggang sa maramdaman niya ang sarili na parang kandilang babagsak kung kaya't inagapan niya ang pagkawalan ng malay mula sa shower.

"Luke anak nandito na ang damit mo papasok na ako ha." Malakas na sabi ng kaniyang Ina at binuksan ang pinto ngunit nanlaki ang mga mata niya.

"Luke! anak!" Mabilis na sabi nito at nilapitan ang anak dala-dala ang puting twalya.

"TULONG!" Sigaw ng kaniyang Ina.

Mabilis naman na pumasok sa loob ng banyo ang Ama ni Luke at nag-aalalang nilapitan ang anak. "Ang bath robe! Dadalhin natin siya sa ospital!" Malakas na sabi ng kaniyang Ina at basta bastang binalot si Luke at sinuotan naman ng ama nito ang pang-ibaba.

Kahit na basa ang buhok ni Luke ay itinakbo na nila ito papunta sa ospital dahil malapit lang naman dahil hindi malayo ang hotel sa ospital.

Habang tinatahak nila ang daan papunta sa Emergency room ay biglang nagtaka ang napadaan na si Nurse Chi, Nurse Jill at Dr.Althea.

"S-Si Doctor L yon!" Mabilis na sambit ni Nurse Chi at sumunod.

"Nurse Jill, Althea sabihan mo sila sa taas!" Bilin ni Nurse Chi mabilis naman na umaksyon ang dalawang babae at lakad takbo ang ginawa upang maiparating ang balita.

Nang makarating sa Kwarto ni Mia ay gulat na gulat ang lahat sa lakas ng pagkakabukas. "S-Si Doctor L! N-Nakita namin tinakbo sa Emergency room ng m-magulang niya!" Nauutal na sambit ni Nurse Jill.

"A-Ano?!"

"Si Luke?!"

"Bakit?!"

"Anong nangyari sa batang iyon?!"

Mabilis naman na naalarma si Mia kinakabahan at nag-aalala. Ang galit sa kaniyang dibdib ay biglang napawi.

"H-Hindi po namin alam kung ano yung nangyari.." Sagot naman nila.

"B-Basta po n-nakita namin pinuntahan na po ni Nurse Chi upang alamin.." Sagot ni Nurse Jill.

"Jusko naman." Sambit ni Miyu.

"I-I want to see him." Mahinang sabi ni Mia na ikinatahimik ng lahat.

"Take me there."

"I want to check him." Sambit ni Mia.

"Anong hitsura niya? Is he bleeding?" Tanong ni Mia.

LUKE GARCIAWhere stories live. Discover now