Chapter 33

187 20 265
                                    

Luke's POV.


We rushed to the hospital, my heart won't stop on beating fast. I gasped as we're closer to the emergency room, my lips are trembling. Arrhythmia is fatal, it can kill you when you lack in blood because of slow heart beats.

When too fast it can cause high blood that can lead to stroke same with slow heart beats. "Where's noona?" Kent Axel questioned.

"Hanapin na lang natin." Mahinang sabi ni Zai at tsaka sinenyasan na ako kaya naman ay naglakad na kami, nakasuot pa kami ng Hospital Coat ni Zai while Kent is wearing his hoodie.

"Mia Jasmin Sandoval?" tanong namin sa Nurse Station.

"Nasa Emergency room po." tukoy ng isang babae kaya lumunok ako, sana sa GRS na lang nila itinakbo.

"Bed 12." Tumango lamang ako at naglakad na papasok, ng marating ang hospital bed ay napabuntong hininga agad ako.

"Mia." Pabulong kong tawag sa kaniya.

"Mamaya na tayo, tara." Hiniklat ni Zai si Kent papaalis kaya naman ng isarado nila ang kurtina ay huminga ako ng malalim.

"Alam mo ang sakit mo, bakit kailangan mong umalis? Gusto mo ba mamatay na lang ng walang ginagawa Mia?" Iniiwas niya ang tingin sa akin.

"Kung sesermonan mo lang ako—"

"Kung ayaw mo sa sermon matuto kang makinig." Mariing sabi ko.

"Umalis ka na." Madiing sabi niya.

"Mia," saad ko.

"Ayaw ko kayo makitang lahat," aniya niya at iniiwas ang tingin sa akin.

"Mia naman," mahina kong sabi at naupo sa gilid ng kaniyang kama.

"Ayaw ko nga," ani niya halatang nagmamatigas kaya bumuntong hininga ako at tsaka ko siya pilit na iniharap sa akin.

"What do you want me to do then?" Mahinang tanong ko ng maiharap siya sa akin.

"Should I just surrender myself and get killed? Is that what you want me to do?" Napatitig siya sa akin ng masama.

"Should I just die? Would you be satisfied? Could you forgive me after my death—" Mariin akong napapikit ng unang beses kong maramdaman ang palad niya sa mga pisngi ko.

'Ang sakit pala sa pakiramdam.'

"Sinabi ko bang gusto kong mawala ka?" Dahan-dahan akong nagmulat upang tignan siya ngunit nanlalabo ang aking mga mata.

Parang may nakaharang na sa kung ano sa lalamunan ko at gusto kong i-ubo ngunit hindi ko magawa. Nagsimulang lumuha ang mata niya.

"Gusto ko lang na hindi ka na mag sinungaling sa akin, na itigil niyo na ang pag-plano ng hindi ko alam." Nanunumbat niyang sabi dahilan para tumango ako.

"I feel so weak, weak and tired Luke. I kept asking myself what did I do wrong?" Tumango tango ako at pinunasan kaagad ang luha na tumulo sa mata ko.

"Nothing," wika ko.

"Wala kang ginawang mali," saad ko.

"I'm sorry, We're sorry. Hindi ko alam biglang hindi ko naunaawaan ang lahat, pagod ka na? Pagod na pagod na rin akong kalabanin ang lahat manatiling buhay lang." Pinahid kong muli ang luha sa mata.

LUKE GARCIAWhere stories live. Discover now