Chapter 43

206 18 68
                                    

Mia Jasmin's POV.


Taas noo akong naglakad papunta sa conference room upang ibigay sa kanila ang hand written na pagpasa ng trono sa kanila upang sila ang mamuno ng buong Underground.

"Hindi matutuwa si Tita Miyu at Tito Vince," mahinang wika ni Zai kaya naman matipid akong ngumiti at hinayaan silang dalawa ni Kent sa likuran ko dahil si Luke ay prenteng nakatitig lang sa dinaraanan niya sa tabi ko.

"Sobrang simple lang naman pala ng kagustuhan nila, sana noon pa." Tamad na tamad kong sabi.

"Watch your steps." Bilin ni Luke kaya naman umayos ako ng lakad.

Hindi na lang pala buhay ko ang hawak ko kundi pati buhay rin ng anak namin. Nang makapasok sa conference room ay sakto nandidito ang magulang ko. "What is that?" My mom questioned.

Even si daddy tinitignan niya ang hawak kong papel, huminga ako ng malalim at tumikhim. "You can have this and stop bothering us." Mahinang sabi ko at nilapag sa mahabang babasagin na mesa ang papel ng kasulatan. 

Kukunin pa sana ni mommy pero inabot na ng huklubang matanda ang sulat at tinupi. "Ipapasa na namin 'to para wala ng atrasan." Malakas na sabi non.

"What the hell is that?" Tanong ni mommy sa akin.

"Pinasa ni noona ang kapangyarihan niya as a founder sa kanila." Sagot ni Kent kaya ng tignan ko si mommy ay hindi niya ako makapaniwalang tinignan.

"Bakit? Anong kapalit?" Tanong ni daddy at tsaka nilingon ang lahat.

"Kalayaan at katahimikan natin daddy, sawa na ako sa gan'tong buhay. Gusto ko sa isang lugar na tahimik, pirmi at hindi tayo mapapahamak." Explain ko sa kaniya at tsaka bumuntong hininga.

"Sa oras na ma-aprubahan ito ay maari niyo ng lisanin ang lugar na ito." Nakangising sabi ng isa.

"Sa oras na pabayaan niyo ang lahat ng nandidito babalik ako para guluhin ang buong patakaran." Paalala ni daddy sa kanila.

"Isa ka na lamang mababang uri, Vince Sandoval." Nakangising aniya nito kaya kumuyom ang kamao ko.

"Ngunit hindi ako, ngayong hindi na sila ang founder huwag mong kalimutan na umalimpusta ako ng marami dahil pangalawa ang Luna." Aniya ni Luke at hinawakan ang kamay ko.

"Kung hindi dahil dito, hindi ka maliligtas Masked Man. Pakatatandaan mo 'yan." Mayabang na sabi ng isang matanda na batid kong kasing taon ni Lola Jessie.

"Tingin mo?" Sumbat ni Luke.

"Bakit hindi ba?" Tanong ng lalake na 'yon pabalik.

"Kalabanin mo muna ako bago mo ako yabangan." Nakangising sabi ni Luke at inilapit ako sa kaniya.

"Mas mabuti kung lalayo tayo sa virus, baka kumalat pa sa atin." Bastos na sabi ni Lauren at tsaka hinila si Zai at Kent Axel. Sinabay naman ako ni Luke papalabas habang si mommy at daddy ay nasa gilid naming dalawa.

"Usap tayo," aniya ni mommy kaya naman sumunod kami sa kanila.

"Saang bansa niyo gusto pumunta?" Tanong ni mommy pagkapasok na pagkapasok sa kwarto naming dalawa ni luke.

"Sa kung saan payapa tit--"

"Mama or mom." Pagtatama ni mommy kaya naman napalunok ako lalo na ng magkatinginan kami ni daddy.

"Balik kayo Maldives." Suhestyon ni daddy..

"Sasama kami," dagdag niya kaya naman lumunok ako at sinulyapan ang tyan ko ng tumunog iyon. Gutom na naman siguro ako.

LUKE GARCIAWhere stories live. Discover now