Chapter 29

180 22 472
                                    

Mia Jasmin’s POV.


"I'm calling off the wedding." Pagka-alis ko ng sing-sing ay inabot ko iyon sa kaniya.

“W-Wait, M-Mia.” mabilis niya akong pinigilan, iniiwas ko ang tingin sa kaniya kasabay ng pagluha, ayokong gawin, ayokong magdesisyon agad pero nilinaw niya mismo.

“Now, you have to face your consequences.” mariing sabi ni Zai at umalis na kaya naman binawi ko ang kamay ko tapos naglakad papabalik sa mismong kwarto ko.


“M-Mia--”


“Wala tayong pag-uusapan.” mariing sabi ko at tsaka pumasok na sa loob ngunit sumunod pa rin siya sa akin hanggang sa loob, hawak hawak niya ang sing-sing.

‘Extermination pa nga na nalalaman.’


“I d-don't want to see you a-anymore. You don’t need to be my exterminator, just let me leave and I'll die as fast as you think.” mariing sabi ko, ang mga titig niya ay naipukol niya lamang sa akin.


“M-Mas gugustuhin kong mamatay ng dahil sa sakit ko, hindi dahil sayo. M-Mas hindi ko kayang tanggapin L-Luke.” yumuko ako at sinapo ang mga mukha kasabay ng pag-luha na hindi ko na magawang awatin pa.


“H-Hindi ko maunawaan, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang marinig lahat. Una pa lang, akala ko mali ako ng dinig dahil nagtiwala ako sayo.” pinahid ko ang luha.


“Bakit mas masakit ito, bakit kahit atakihin ako ng Bradycardia mas dama ko pa rin yung sakit na emosyunal.” napa-iling na lamang ako dahil sa sumasabay ang paghikbi ko habang nagsasalita.

“Gusto kong kwestyunin kung papaano ka ba mag-mahal.”

“Ipinagtataka ko kung bakit mo ako nais patayin, kung bakit ako nais patayin ng taong pinagkatiwalaan ko bukod sa magulang ko--”


“L-Luke tama na, kung hindi mo ako mahal sabihin mo. Nag-propose ka pa sa akin para ano ha?” kwestyon ko.


“Para maisagawa mo ang plano? Sinong nag utos sa’yo?” lumuluha kong tanong at sinalubong ang kaniyang mga tingin.


“R-Rest,” napaawang ang labi ko ng iyon lang ang isagot niya sa akin.


“You think I can rest? After this happened? Now you know the reason why I don’t want to breathe again; I feel so betrayed.” mahina kong sabi.


“You told me; you trust me. Now, what kind of trust do you have?” natigilan ako sa paghikbi dahil sa kaniyang tanong, nangunot ang aking noo ngunit hindi sapat iyon para tumila ang tila ulan kong luha sa pagbagsak pababa sa aking pisngi.


“I hate you.” mariing sabi ko na halatang ikinagulat niya base sa kaniyang mga mata.

‘Nakakalito sa mundong iniikutan ko, gusto ko na lang lumisan at magpakalayo.’


“It’s not the first time that I heard you said that, it feels like a curse but it’s not. Hate me then,” matapos niyang sabihin yun ay tinalikuran niya ako at ibinulsa ang sing-sing dahilan para mapatingin ako sa aking kamay.


Ng tignan ko ang kamay ay awtomatikong bumalik sa isip ko ang lahat, kung papaano niya isinuot sa akin iyon.

Gustong gusto kong maging bata at magmaktol ng magmaktol dahil sa wala akong magawa kundi masaktan.


Inabot ko ang bag ko ng pakiramdam ko ay aatakihin ako ng Hika inalog kong sandali ang inhaler bago ko ito ibinuga sa bibig dahil kinakapos ako.

LUKE GARCIAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz