Chapter 5

230 24 71
                                    

Luke's Point of View.


Habang pinanonood si Mia ay iritableng iritable ito saakin, kulang nalang ay saktan na ako kaya naman natutuwa ako. "Ano ba!?" gulat ako sa sigaw niya kaya iwas tingin agad ako.

"Kent! Tingin nang tingin oh!" nag susumbong niyang sabi sa Kapatid dahilan para mapasipol ako at hindi siya tignan.

"Luh, Ako nanaman?!" gulat na sabi ni Kent at Lumunok kaya naman nag Pigil tawa ako lagi siyang nag susumbong na para bang may magagawa si Kent.

"Aish! Nakakainis!" singhal ni Mia tapos Dala ang katana niya ay Umalis siya sa Penthouse ni Kent.

'Nag paasar muna bago naisipang Umalis?.'

"She's Crazy and Tense, Hinalikan mo pa nga Hyung." tatawa tawang sabi ni kent kaya natawa nalang rin ako.

"Affected, nagagalit pa pag nalaman niya naman Magagalit ulit." aniya ko natatawa.

"At least hindi na siya tulad noon, ang sungit sungit at least ngayon naiinis na siya dahil sayo." nangunot ang noo ko sa sinabi ni kent.

"Kilala mo na ba ang Kalaban Hyung?" tanong ni Kent.

"Yeah, not the founder." sagot ko.

"Sino naman kaya?" Curious na sabi ni Kent kaya tumayo ako at saka nilock ang Penthouse entrance ni Kent saka ko inalis ang Maskara.

"Ang puti na siguro nang mukha mo hyung parating nakatago." aniya ni Kent.

"Pero Hyung, I'm curious.. Hindi kita isusumbong kay Dad at Mom promise, Did you do it Already?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Kent.

"Of course not!"

"Weh? Bat parang defensive hyung?" umawang ang Labi ko sa Pang aasar nito.

"I'm Virgin, Stop it. Ang bata bata mo pa." sita ko.

"Lalake ako." aniya ni Kent.

"Sus, Kahit na." sagot ko.

"Sure kang wala pa ah?!"

"Oo nga wala, Wala kita mong Busy kami at isa pa hindi pa kami kasal." sagot ko.

"ABA ABA hahahaha! Naririnig ko kasi sa mga kaklase ko yung about sa ganitong bagay Hyung, i'm just curious and i know na ginagawa lang dapat ang bagay na to pag nasa tamang taon ka na o di kaya kasal na." ngumisi ako sa sinabi ni Kent.

"Yan ang aralin mo ha, Anong Pre-Law mo?" tanong ko kay Kent.

"Maybe Bs Psychology or About Medical Lawyer? Kase Doctor naman si Noona baka may mangyaring Mal Practice." ngumisi ako.

"Marami kang tatahakin diyan ah, Mag Criminal Law ka rin baka sa Oras na makapatay ako—"

"Hyung! Pinagbabawalan niyo kami tapos kayo gagawa wag ganun." sita ni kent.

"May Pinsan akong babae, Feel ko Bagay kayo. Parehas na palaban." sagot ko.

"Rereto mo ba ako Hyung?"

"Depende kung type ka niya, Attitude yon e." natatawang Kwento ko.

"Ay attitude! Baka kaparehas ni Noona, mapanaket." reklamo ni kent.

"Kesa naman Doon ka kay Lauren? Hindi kayo pwede baka gusto mong atakihin sa Puso si tita miyu pag nalaman niya." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"P-paaano mo nalaman hyung?!" malakas na sigaw ni kent.

"Baka nakalimutan mong ako si Masked Man? I know everything." sagot ko.

LUKE GARCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon