Chapter 23

199 22 199
                                    

Mia Jasmin's POV.


"Arrhythmias can be fatal," mahinang sabi ni Luke na nagpakaba sa akin.

"A-am I going to die?" mahinang sabi ko sa kaniya, kahit si kent ay napatitig sa kaniya dahil nag hihintay ng Sagot.

"I won't let that happen, That's why I want you to obey me baby." mahinang pakiusap ni Luke at tsaka lumapit sa akin at niyakap ako.

"I-I mean why would I have that? My heart is healthy, lungs lang ang mahina sa akin Luke." Aniya ko at tsaka bumuntong hininga, ng tignan ako ni Luke ay lumabi ako.

"The causes are strong emotional stress or anger can make the heart work harder, raise blood pressure and release stress hormones." Panimula nga kaya naman naalala ko ng mga panahon na ang galit ko ay hindi ko magawang awatin.

"T-that includes my hand shaking before?" kinakabahan kong tanong, dahan dahan siyang tumango.

"If only I know baby, I'm so sorry. S-sana nagawa kong agapan." Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya.

"Wala kang kasa—"

"Noona naman, labas na muna ako." nag rereklamong sabi ni Kent at nag lakad papalabas ng kwarto.

"Wala kang kasalanan." Mahinang sabi ko na.

"Gagaling naman ako, Should I under-go test to confirm?" tumango si Luke at inayos ang buhok ko.

"I can be your doctor, I will be." Aniya niya at tsaka ako hinalikan sa noo, hahalikan ko na naman sana siya sa labi kung hindi lang dahil sa pumasok.

Nakita ko ang pag ngisi ni Luke bago umayos ng Tayo. "What happened?" my mom asked.

Lumapit ito sa akin tapos ay niyakap ako, even my dad. "You're sick?" kwestyon ni Mommy.

"I'll confirm it tita, She needs to be test." Bumuntong hininga si Mommy tapos inayos ang buhok ko.

"Lalaban ka anak ha?" aniya pa nila kaya nakangiti akong tumango tango.

"Kaya ko ito mommy, wag po kayong mag-alala sa akin." pag papagaan ko sa nararamdaman nila habang si daddy sobrang seryosong nakatingin sa akin.

"Anong kailangan naming gawin Luke?" tanong niya kaya naman pinanood ko sila.

"Tito, pag naconfirm ko na mismo tsaka ko sasabihin sa inyo ang kailangan gawin." Saad ni Luke tapos ay ihinarap niya ang machine sa parents ko.

"Kailangan ko pong bantayan ang tibok ng puso niya, baka iba na ang tinitibok." Pag bibiro ni Luke na ikinatawa naming lahat.

"Magulat ka si Zai na," sa pang aasar ko ay natigil siya sa pag tawa at tinaliman ang titig sa akin kaya naman nakagat ko ang ibabang labi tapos lumunok.

"Zai, really?" he questioned.

"Joke lang naman," sagot ko pero hindi nag bago ang itsura niya at ang aura.

"Alis muna kami, usap kayo Maji." Nang-aasar na sabi ni Mommy at hinila na si Daddy habang si kent ay tatawa tawang nilock ang pinto at lumabas.

"Alis muna—"

"Hindi na mabiro baby, joke lang naman yun eh." Pang aamo ko sa kaniya.

"Sa dami si Zai talaga," dismayado niyang sabi at inilihis ang kaniyang sleeves at ipinamulsa ang dalawang kamay.

"Ba't? joke lang naman yun ah." Aniya ko pa sa kaniya.

LUKE GARCIAWhere stories live. Discover now