Chapter 31

185 22 33
                                    

Kent Axel's POV.


Sandali akong nabalisa ng maalala ang nangyari kanina, gusto kong lumuha bigla.

=FLASHBACK=

"H-Hyung.." kinakabahan kong sabi at tinignan ang lalakeng nabaril ko.

"Kumalma ka, ang nangyari ngayon mananatili lamang sa atin. Nauunawaan mo?" pag-aalo ni hyung at tinapik tapik ako sa aking mga braso.

"Itatago ko muna ang baril mo, sa akin na muna ito at magtiwala ka sa gagawin ko." tinitigan ko lang si hyung, takot na takot ako.

'Hind mahirap magpaputok ng baril, pero mahirap pag nakapatay ka..'

Kinuha niya ang baril ng lalakeng iyon at ganun na lang ang pagtataka ko ng parehas kami ng baril, pinanood ko lamang si hyung.

Napalunok ako ng ilabas niya ang magasin ko at ang magasin ng isang baril bago niya ito pagpalitin ay hinaluan niya rin ng bala ng baril ng lalake ang magasin ko.

'He's trying to manipulate the game..'

"Z-Zai will find out about this, and I want you to stay out of this Kent Axel. Wala kang aaminin, wala kang sasabihin, wala naiintindihan mo?" kinakabahan kong inilingan si hyung.

"I'm the one who did it hyung, sino ang pagbibintang—"

"Ako, ako na." sagot niya dahilan para manlamig ang aking katawan.

"P-Pero—"

"Wala ng pero pero, akin na ang panyo mo." inabot ko ang panyo kay hyung.

Pinunasan niya ang baril at yun ang pinanghawak niya, nagtataka ko siyang pinanood ng Ipahawak niya ang baril na yun sa lalake na nakahilata at panay dugo.

"His fingerprints are all over the gun handle, even on the reloader." explain ni hyung.

"You'll soon to be a lawyer Kent, watch how things manipulated and apply it on your mission soon." mahinang sabi ni hyung.

Matapos nun ay hinila ako ni hyung at ang dala ko na inilapag ay hinablot niya rin. "Sumama ka muna sa akin." saad niya at tsaka ako iginaya sa kung saan.

"Hyung, h-hindi mo dapat akuhin ang kasalanan ko—"

"You saved your sister, that man is nothing. Think of this as a self defense." sagot ni hyung dahilan para bumuntong hininga ako.

"H-Hyung.."

"Ako ang bahala sayo, kahit kanino huwag mong sasabihin ito." mahinang sabi ni hyung kaya bumuntong hininga ako muli.

Dinala niya ako sa Ramen House, pinakain at maya maya ay sunod sunod na tumunog ang cellphone ni hyung. "Sino hyung?" kinakabahan kong tanong.

"Zai." sagot ni hyung.

Ng sagutin niya ang tawag ay napalunok ako, sandaling kinabahan. "Yes, Zai?" he answered.

"Yeah, punta ako diyan." sagot niya pa muli at ng ibaba yon ay nginitian niya ako.

"Tara na doon, isagot mo na kadarating mo lang malinaw?" tanong ni hyung jaya kinakabahan akong tumango.

Nang marating namin ang kwarto ni noona ay binati lang ako ni Hyung Zai. "Luke, ano na naman ba?" mariing sabi ni Hyung Zai kay hyung.

LUKE GARCIAOnde as histórias ganham vida. Descobre agora