Chapter 69 - Ryone

2.6K 76 21
                                    

Hey! Ho! Ryone here…But friends call me Rye, I know it’s a bit masculine, ewan ko ba naman sa nanay ko panlalaki pinangalan nya sakin, siguro alam na nya na magiging lesbian ako.haha! Tawa kayo grin emoticon Anyway highway, here’s my story.
I’m a proud chapstick lesbian. I HAD a gf once itago nalang natin sya sa pangalan “Mia”. We were together for almost 8 years. She was my twin sister’s bestfriend. Natatandaan ko pa kung paano naging kami, outing ng barkada sa Zambales and we played spin the bottle eh ang rule kung kanino tatapat yung opposite end sya yung hahalikan mo sa lips, eversince the world began eh crush ko na si Mia pinagpray ko talaga non na sa kanya matapat yung bottle pero sa malas ng pinaka malas eh sa katabi niya natapat. Ayun biglang liko ang pangarap na halik.Nung kikiss kona yung friend namin bigla siya tumayo at nag walk out, syempre tinginan yung iba namin friends at nagtataka rin sa inasal nya. I really thought she got jelous kasi ang alam ko crush nya si Mando (yung supposedly hahalikan ko ) kaya sinundan ko siya. Nagpunta pala sa tabing dagat, I asked her what’s wrong tapos nagulat na lang ako pagharap niya sakin sabay “tsuuup”. Ayun magkadikit na yung lips namin, grabe alam niyo yung feeling ng parang may nag paflyfly the butterfly sa tiyan mo, tapos parang maalis na sa chest mo yung heart mo. Well damn! I felt those things when she kissed me. Tapos ng halik she hugged me and I heard her say the most wonderful word ever. “Mahal kita” sabi niya sakin. “I love you, matagal na” sabi pa nya habang pinupunasan yung luha nya. Bigla akong lumayo sa kanya at nagtatatalon sa sobrang tuwa sabay “yahoo!” ng malakas. Hindi ko talaga mapigil non ang sarili ko sa sobrang tuwa eh pano ba naman yung matagal mo nang mahal eh mahal karin pala. That night naging kami officially, pagbalik namin ng cottage inanounced namin sa barkada na kami na nga.
We were so happy with each other. Every monthsary namin memorable, sabagay everyday with her naman ay memorable. Kapag anniversary naman namin nagpupunta kami ng Zambales just to relive the moments. Sabay kami sa lahat ng bagay, sa pagkain, pagtulog, pagpasok ng work. Kumuha kami ng Unit non kasi di namin kayang wala sa tabi ng isa’t isat ng matagal. Tanggap kami ng family namin. Everything is colorful and alive when I’m with her. She became my life. She is my life. I love her with everything that I have.
Siguro nagtataka kayo kung bakit past tense yung mga word. The truth is Mia broke up with me last year. Pag uwi ko galing ng work sinalubong niya ko in a gloomy face. Then she drop the bomb.
“Lets break up, ayaw na kitang maging girlfriend”
Alam niyo yung feeling na napako ka sa kinatatayuan mo, di mo magalaw ang katawan mo at parang tumigil ang pagtibok ng puso mo. Namalayan ko na lang non na tumutulo na luha ko, ikaw ba naman sabihan ng ganon ng taong pinakamamahal mo tapos galing ka pa sa work at dipa nagdidinner.
Nakonsensya ata at lumapit sya sakin nung nakita na niya akong umiiyak. Lumuhod siya sa harap ko in one knee sabay dimlight “Ayaw na kitang maging girlfriend kasi I want you to be my wife. Huwag ka nang iyak diyan kasi pumapangit ka. I love you! Will you marry me?” Di ko na namalayan kung saan niya nakuha yung ring na hawak niya na ngayon ay nasa harap ko na. Speechless ako super! I immediately said YES! Then sinuot nya na yung ring sa finger ko. Sabay kiss and hug pati kurot narin pala kasi pinaiyak niya ko noh. Pero happy tears na syempre. Smile emoticon. Bigla naman lumabas sa kung saan yung mga loko kong kaibigan kasali pala sila sa act. We celebrated that night. Akala ko wala ng sasaya pa nung maging girlfriend ko siya, meron pa pala… In Twenty-six years of existence I only learn to live eight years ago, the time I met Mia is the time I learn to live. I am complete.
Yung detail naman ng union naming dalawa? Uhhhmmm it will take place in Andalucia pag nasettle na naming yung migration namin don. Halos lahat kasi ng family ko eh andon. So yun na yun.hehe

...

Ryone,

Yahooo! Nakakahawa ng energy! Hehe mukhang “Happy Ending” ang story na ito sa lahat ng nabasa ko sa ngayon. Ryone! Ang haba ng hair mo sing haba ng pila ng tao sa North Ave MRT station sa umaga. Napasaya mo ako sa story mo honestly. Parang movie lang ang love story niyo, ang galing! Lahat na ng klaseng saya siguro naramdaman mo noong nagproposed siya sayo. Take note may union pa! Nakakainggit naman hehe! Well, ingatan mo kung anong mayroon kayo ngayon. Mahabang panahon ang walong taon, maraming memories, experiences and all. Sakali mang may pagsubok kayong maencounter tingin ko makakayanan niyong lampasan lalo na at tanggap kayo both sides of family. Nasa inyo na ang lahat wala na kayong mahihiling pa. Tipong ‘forever’ type of relationship na. Ipakilala mo nga kami sa kupidong pumana sa puso mo at ni Mia? Haha! Maraming naghahangad ng ganitong klaseng relasyon, bihira man mangyari sa mundo ng same sex relationship pero kayo ni Mia ang patunay na mayroon at mayroon pa ring happy ending sa totoong buhay. Cherish the moments, keep your love for both alive and stay intact. May your life and times together always be blessed with love and care. Congratulations Ryone and Mia! Imbitahan niyo kami ha. Spread the love! Cheers!

Ez :)
______________________________________________________________________________
Thank you for reading! :D

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon