Chapter 57 - Broken Heart

2.8K 49 4
                                    

Hi, ako nga pala si Nickz, 19yrs old nag aaral ng BS in Computer Science sa paaralang

NMDC(Notre Dame of Midsayap Collage).

Bata pa lang

ako mahilig na ako sa mga gamit pang lalaki. Lagi nga kami nag-aaway nun ni Mama

dahil mas gusto kong mag pantalon at sapatos kesa sa palda at sandals.

Grade 6 ako

nagkaroon ng unang crush ko same grade kami pero ibang section lang. Ang pangalan

niya ay Fatima. Matalino, mabait, maganda at always active sa school.

Noong nag 1st

year High school na ako tanggap ko na lesbian ako pero hindi approved ni mama.

Ang pinagtataka ko lang kay mama kung hindi siya payag na maging lesbian ako eh

bakit yong mga gamit o damit panglalaki ang lagi nyang binibili sakin? Weird ni

Mama.

2nd year high

school marami din akong naging crush non pero hanggang friendship lang kami.

Okay lang naman sakin as long as kasama ko siya. Hehehe.

3rd year high

school noong nagkaroon ako ng unang girlfriend ko siya pala si Audrey. Ito yong

unang kita namin. Galing kami ng mga classmate ko nun sa isang “Youth Camp” sa

Cotabato City. Pagbalik namin noong umaga tinawag ako ng classmate ko nasa

gitna kami ng tennis court nun kasi papunta ako sa classroom namin. Sinabi niya

sakin na may nagka-crush daw sakin tinanong ko naman kung sino at tinuro naman

niya yung grupo ng mga 1st year na babae na nakatayo sa gilid ng chapel

sinundan ko naman ng tingin ang tinuro nyia at biglang tumalikod yung isa kaya

nahulaan ko naman na siya yung tinutukoy ni classmate ko. Napa smile na lang

ako kasi ayaw inya talagang humarap kahit pinapaharap siya ng mga kaibigan niya.

Next day papunta ako ng classroom at napatingin ako sa chapel (nasa gilid lang

kasi ng classroom yung chapel eh.hehe) at na pa smile ako nung makita ko siya

infairness kinilig ata kasi bigla na lang tumalikod uli. Hahaha! “crush ba

talaga ako nito?” tanong ko sa sarili ko kasi always tumatalikod tuwing

titingin ako sa kanya eh.

Weeks passed

at naging kami naman. Hindi naman nag tagal yung relasyon naming kasi na inlove

ako sa bestfriend niya. Sya pala si Joy nag-away sila noon at nag break kami ni

Audrey at naging kami naman ni Joy. Umabot ng  5months yung relasyon namin. Pagkatapos non

nag break kami dahil sa nalaman kong may boyfriend siya sa isang public school (private

school kasi kami nag aaral dati nung high school) sobrang nasaktan ako nun kasi

mahal na mahal ko talaga siya. Siya pa nga ang nakakuha ng first kiss ko eh!

Kainis!

Wala na

kaming communication nun hanggang sa nag-graduate ako ng high school. Noong nag

1st year collage ako bigla na lang siyang nagtext sa akin nangangamusta simula

nun naging magkaibigan naman kami. 2nd year collage na ako nung bigla siyang

nag text sakin na mahal pa raw nya ako kaya naging kami ulit nun kasi mahal ko

pa rin siya eh.

Umabot ng

1year and 6months naman ang relasyon namin.

Masaya ako

kasi tumagal kami. Pero hindi rin pala tatagal pa dun ang relasyon namin. One

day nag facebook ako habang nag re-research nang may nag chat sakin kaibigan siya

ni Joy. Nag sumbong sya sakin na may ibang GF si Joy (LDR kasi kami nun ni Joy

kasi sa ibang school  siya nag college).

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nun. Tinawagan ko agad siya at

tinanong kung totoo ba talaga yun hindi naman siya nagdeny at sinabi niya ang

totoo. Nasaktan ako nun ng sobra hindi ko akalain na may iba siya. Matagal na

rin pala sila nun naging sila pala nung kami pa ni Joy. Sa sobrang galit at sa

sakit nun nakipagbreak ako sa kanya.

Ang sabi pa niya

sakin naghanap lang naman daw siya ng iba kasi na miss niya lang daw ako na

wala sa tabi niya. Grabe dahil lang don makikipag relasyon na siya sa iba eh

ako nga sa loob ng 1year and 6months na yun hindi talaga pumasok sa isip ko na

maghanap ng iba kahit na sobrang miss ko sya.

Matapos

kaming mag break patuloy pa rin siyang nagte-text sakin at sinasabi na mahal pa

raw niya ako at bigyan ko raw siya ng chance. Paano ko naman siya bibigyan ng

chance ko kung sila pa ng Gf nya. Ayaw ko ng may kahati eh.

Pogi! Patulong

naman oh. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Ang totoo mahal ko pa rin siya

pero takot ako makipag balikan sa kanya dahil ayokong lokohin na ako ulit.

...

Nickz,

Ang mapapayo ko sayo ay mag-move-forward ka na. Ikaw na mismo ang nagsabi na ayaw mo ng may kahati. Pwede mo siguro siyang papiliin between her current GF and you dahil sabi niya mahal ka pa niya. Pero huwag kang umasa na magiging smooth uli ang relasyon niyo kapag pinagbigyan mo siya uli sa huling pagkakataon lalo na at LDR kayo. May mga babae talaga na hindi makontento sa kung anong set up mayroon kayo. Isang sampal na nga sayo yong sinabi niyang “naghanap lang daw siya ng iba kasi namimiss ka niya”. Doon pa lang magising ka na sa katotohanan. Tingin ko mababaw lang ang pagmamahal na nararamdaman niya para sayo. Kung talagang mahal ka niya, hindi siya magi-entertain ng iba para sa pansariling kaligayahan niya. Marami ka pang makikilala sa buhay mo Nickz. Sa pag-ibig hindi masama na ibigay mo ang lahat, pero hanggat maaari, magtira ka din ng pagmamahal sa sarili mo para hindi dumating sa puntong pati respeto mo sa sarili mo ay mawala. Sana malinawan ka sa sinabi ko. Piece of advice ko lang ito, nasa iyo pa rin ang decision. Ikaw ang nasa situation kaya timbangin mo kung saan ka mas sasaya.

Ez :)

______________________________________________________________________________

Thanks for reading! :)

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon