Chapter 56 - KM

3.4K 49 7
                                    

Goodmorning po, Gusto ko lang po ishare yung lovestory ko.

Ako pala si KM nickname ko lang po yan, I'm 20 years old 3rd year college na ako sa pasukan

course ko HRM. Athlete akong tao sports ko volleyball, basketball, swimming at

badminton pero mas naka focus ako ngayon as volleyball at basketball. 5'5 ang

height ko, Mapayat, Morena, Matangos ang ilong maiksi ang buhok, sabi nila pag

naging lalake ako kahawig ko daw yung bida sa original na karate kid ganun po o

kaya kahawig ni Daniel Padilla ( sorry sa mga fans niya pero nagsasabi lang ako

ng totoo ). Nung High school ako Varsity Player ako ng Volleyball at doon ko

nakikilala ang nagpa tibok ng puso ko at nag paiyak sa akin

November 24, 2010,

3rd year high school ako at may event kami sa school Intrams, nagprapractice

ako ng volleyball kasi noong araw na yun may laro kami kaya todo practice kami

noon. At yung kateammate ko pinakilala niya sa akin yung classmate niya at natuwa

naman, ako kasi hindi ako pala kaibigan, tahimik lang akng tao, bihira lang

makipag kulitan sa mga classmates kaya nga binubully nila ako na mahina ang

utak, na puro Sports lang ang inaatupag, Varsity player ako noon pero ako ang

binubully baliktad nga eh kaya noong nakilala ko siya sobrang saya ko. Kaya

after ng Intrams namin akala ko yun na yung huli naming pagkikita, I mean

huling bonding sa isa't isa. Kaya tinanong ko na yung kateammate ko kung ano

yung # ni J kasi gusto ko talaga siya maging kaibigan kaya hindi ako na bigo

nakuha ko yung # niya.

Back to

normal na ang lahat, naging magkaibigan kami actually hindi naman siya ganon ka

ganda, hindi rin naman siya ganon ka panget sakto lang, morena, medyo maliit

siguro mga 5'1 lang ang height niya, matalino nasa first section siya noon,  ako nasa last section kaya medyo nakakahiya

sakanya pero okay lang naman daw sa kanya yun at wala naman daw sa kanya kung

nasa last section ako. Kaya pag break time namin ako bumibili ng food or kaya

ililibre ko siya ng drinks kahit ayaw niya kaya wala siya magawa pumapayag na

lang din siya. Niyayaya ko siya minsan gumala kasama mga friends niya, kaya

lalo ko siya nakikilala, at hindi ko namamalayan na nagkakagusto na ako sa

kanya, kasi sobrang bait niya, sweet, maalaga,matalino sino ba hindi mahuhulog

sa kanya. Marami nagkaka gusto sa kanya, marami manliligaw pero hindi pa siya

nagkaka ng boyfriend ever since. At habang tumatagal nakikilala na rin niya

ako, kung ano yung mga ayaw ko sa isang tao, nagkukulitan, kaya kapag walang

pasok nasa kanila ako palagi araw araw. Kulang na lang doon ako matulog, naging

magka close din kami ng kapatid niya, tatlo din kasi sila magkakapatid at bunso

din siya, kaya nag click kami agad.

December

2010. Nakakatawa kasi tinanong ko siya sa personal, kung kunwari may kaibigan

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon