Chapter 75 - Andrea

3.3K 45 23
                                    

Hi Ez,

Hi,

I actually don’t know what exactly I want to say or tell.. ilang weeks ko na din kasi pinagiisipan kung susulat ba ako hindi pero eto sa wakas nagka-guts na din ako. I’am Andy by the way short for Andrea. I’m 22, nag-work ako sa isa sa mga pinakakilalang kumpanya dito sa Pilipinas as SAP consultant. I’m actually writing this in the middle of a meeting hahaha I know! And bad ko pero what can you say? sometimes, meeting sucks! Back to what I want to share, it’s not actually about my love life pero partly kasi dun ko naconfirm ang lahat. It’s about kung pano ko naconfirm na Yes! I’m playing for the other team.

Bata pa lang ako naa-attract na ako sa mga girls o should I say nagagandahan pero hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dahil naa-attract din ako sa mga boys. It all started nung 4th year HS na ako. My cousin is a lesbian and I can say na sobrang proud ako sa kanya. Nung nagka-GF siya ako ang unang nakaalam dahil sobrang close kami and close ko din yung GF niya. One time yung GF niya may pinakilala saken na classmate and close friend niya. May common friend din kaming dalawa na GF niya pala that time pero nag-break sila kasi hindi “daw’’ normal yung relationship nila. Nag-start kami mag text and mag-tawagan. Naging sobrang close kami na para na kaming mag-bestfriend. Sa isa sa mga conversation namin inamin niya na gusto niya ako, nung una hindi ko alam kung ano sasabihin ko and that time kasi kaka-break lang din naming ng BF ko. Ang sabi niya okay lang naman daw kung ayaw ko pero hayaan ko lang daw siya na maging friends pa din kami. In short, walang nagbago sa samahan namin kundi mas lumalim pa to. Na-curious na din ako kung bakit ba may mga ganun o anong feeling ng nasa isang ganung relationship. Nung magbakasyon lagi pa din kami nag-uusap, minsan nag-kikita kami kasi may pasok siya (summer class medyo sablay siya pagdating sa studies). Mas ahead ako sa kanya pero mas matanda siya saken. Minsan nung nagkita kami after ng class niya, tinanong niya kung may pag-asa ba siya? Sa sobrang curious ko and para mabawasan na yung pag-kaconfused ko pumayag ako na maging kami pero nilihim namin sa family ko pero alam nung pinsan ko na kami. Mabaet naman yung family ko pero sabi nga nila hindi ‘’daw’’ normal yung ganun. And nakita ko din kung ano yung hirap na dinanas ng pinsan ko nung ipaglaban niya kung ano siya. Ang nagpahirap kasi ng sitwasyon ay galing kami sa Christian school so nakuha niyo naman siguro? Anyway, Nung nag-start na ako sa college yung first months namin naging okay pa kami pero nung nagstart na ako maging busy and ganun din siya napadalas yung pag-aaway namin. Minsan nung sinundo niya ako sa school para mag-simba sa UP (ang layo db? Ganun kami ka-ingat) dahil immaculate concepcion nun.After naming magsimba tumambay kami kung san nagpapractice yung softball team ng UP. Habang nagkkwentuhan kami may biglang nag-text sa kanya and dun na nasira ang lahat. Nakita ko na Screensaver niya yung picture nun common friend namin. Hindi ako kumibo that time pero bago yun madalas na din namin yung pag-awayan kasi nagiging close nanaman sila and sinabihan na din ako ng Gf ng pinsan ko na parang may something sa kanila ulit. Hindi naman ako naniwala agad hanggang nakita na ng sarili kong mata. Pagkauwi namin, nag-decide ako na makipag-hiwalay na sa kanya inamin din niya saken na sila na nga uli at ayaw lang niya akong masaktan. Nasaktan ako pero naisip ko baka naman hindi talaga ako para sa ganun so nakipagdate uli sa mga guys and nag-focus na lang ako sa studies. Pero d ko itatanggi na mas lumalala ang attraction ko sa girls.

Nung nag-start na ako mag-work nakilala ko si watty hahahahaha. Nag-start ako magbasa ng mga stories then one day nakakita ako ng story about alice and bella ng twilight. (super girl crush ko kasi si Ashley Green). Simula nun puro gxg na yung binabasa kong story and nagstart na akong questionin yung sexuality ko pero hindi ko masyadong pinapansin dahil may BF ako pero mas lumalala na talaga yung attraction ko sa mga babae. Nag-start akong mag-follow ng mga VS angels (Candice and Miranda are my favourites) sa instagram and yung mga binabasa ko sa wattpad and mga pina-follow mga gumagawa ng GxG na stories. Sobra na yung curiosity/confusion kung ano ba talaga ako. In the back of my mind hindi ko maamin sa sarili ko na alam ko naman na talaga kung ano ako pero hindi ko matanggap din yung sarili ko. Ayoko madisappoint yung family ko saken and hindi ko alam kung kakayanin pa nila ang isang lesbian sa family namin. Itinago at isinantabi ko kung ano talaga ang nararamdaman ko. Nag-focus ako sa BF ko umaasa pa ako na baka mag-bago pa ako. Hirap na hirap na ako that time happy naman ako sa BF ko pero iba talaga ang tinatakbo ng puso ko hanggang nung mag-isa lang kami sa bahay nila nangyari ang hindi inaasahan. Naisuko ko ang V-card ko sa pag-aasam na baka maging way yun para mabago ako. Hindi yun ang unang beses at nasundan pa ng ilan pero para saken obligation ko lang yun sa kanya. Hindi ko din kasi masyadong ma-enjoy hahahahaha joke lang! naghiwalay din kami eventually dahil need niya mag-migrate sa Canada kasama family niya. Pinilit ko pa din baguhin ang sarili ko, nakipagdate pa din ako sa mga guys and nag-try uli ako makipag-s*x sa guy pero wala talaga.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon