Chapter 66 - Friendzone

4K 52 24
                                    

Hi and hello po sa inyong lahat. Itago niyo na lang po ako sa totoo kong pangalan na Anne, hahaha... Joke lang, wala common naman kasi yan name na yan, girl na girl, charot. Isa po akong bakla. Char lang, I don't know how to call myself kasi. I refuse to call myself a lesbian but i seem to be one. Lakad pa lang maton na eh. Maton na naka red lipstick hahaha! Anlande lang. May pagkabakla din kasi ako magsalita minsan eh. Bago lang po ako dito sa wattpad couple of months pa lang siguro. Actually I'm a closet bi. Ayokong ilantad masisira image ko haha. Kala mo artista, eklat lang. Anne, 26, from bundok Tralala, but currently working in Saudi as a nurse, been here since june 2012. Two years na din pla...weeeee...2 years na din pla ako nagtitiis sa amoy nila. Hahaha. Anyway haba ng intro ko ah...I would just like to share my story. Bata pa lang ako iniisip ko na baka tibo ako. Baka lang naman eh, since i have girl crush back in elementary days, pero sabi ko paghanga lang un lilipas lang din un. Laking tuwa ko nga na may nabasa ako na normal lang daw magkaroon ng girl crush. Oh well true nga lumipas lang yon, saka nagkakacrush din ako sa mga boys nun eh. Until nun highschool I have a major girlcrush on my friend. She wasn't pretty, sexy or that smart but she has the kindest heart, down to earth personality and would listen to my random rumblings about anything under the sun. I am not the type of person who will fall just because she was pretty but has very bad attitude, because sometimes beauty is just skin deep and nothing more. She kinda look like Sarah Geronimo, I wasn't even a fan of SG that time, I would rather go for Yeng cause she rock. Hahaha. She wasn't sexy that time. Ermm I think up to now loool. She's a bit chubby, tama lang yun height niya maybe 5'2, I am taller cause I stand 5'4. But i like her eyes, her big, round, innocent eyes with very long eye lashes. She has a cute nose. Chubby cheeks. And very huggable body. Hehehe. So i have this biggest unrequitted love for her. I was always there for her, help her, made fun of her...kasi tanga yun eh, I was even the one who gave her a textmate that became her first boyfriend. Ako din nagboboyfriend din ako pero hindi yun seryosohan kasi bata pa naman ako nun, no rush ika nga. Only fools rush in di ba, or whatever they say. Is it possible to love someone secretly for a long time? Is is possible for love to fade? Is loving whose gender same as yours taboo? Questions. Questions. Questionsssssss. Rawr. Hayzt sasakit lang ulo mo sa mga tanong na yan. Pero, oo, nakaya ko siyang mahalin for maybe 5-7 years, with boyfriends, crushes and kpop in the side. Does love fade? For me, maybe yes, because I love her less after that time na marealize ko na suntok sa buwan maging kami, and maybe because my love for her took a different form. Naging platonic na after sometime din eh. Same sex love, In PH maybe it is pero the hell I care, I'll love who i want. Kahit patago lang okay na ako dun. How I met her? I met her during our 2nd year highschool days, she was a friend of my friend and she's on a different section, nasa 2nd floor and room ko siya sa 3rd floor, dinarayo ko pa talaga yun friend ko sa 3rd floor para makipagchikahan during break time, so ayun naintroduce kami. We aren't close but we can say na ako yun taong minsan FC or feeling close, kaya ayun naging friends din kami. The next year naging mag-classmates kami, we belonged to one circle of friends ero syempre may iba din akong set ng friends nun eh, varsity player ako ng basketball that time. May barkada ako na mga voodoo (that's how we call tibo in our school), bakla, paminta at un mga pumapatol. I dunno pero para keverloo lang, everyone is a free soul. I think may pagkaliberated na conservative yun mga tao sa school namin, just like PH.

Naging 'kami' 918 ( may date talaga eh no), basta yun ang naalala ko na date na sinecelebrate namin na monthsary namin, para lang talaga kaming magjowa, holding hands, lambingan, harutan at date-date pag tapos ng class. We even exchanged gifts and letters kahit walang naman special occassions. She was my inspiration for my countless poems, sonnets and short stories, na ngayon hindi ko na alam kung san nakasulat. Siya din yun reviewer ko para sa ilang nobela na ginawa ko nun highschool...but I did't have the guts na ipasa sa publisher. Nun bata ako dream ko talaga maging writer eh...pero ngayon tinatamad at kinakalawang na eh. Every morning pag wala pa yun teacher dun ako sa table niya nakikipaglandian. I always love biting her shoulders, medyo chubby siya so I call her 'babs'. "Babs, pakagat naman ako" lagi kong paalam sa kanya magpapakagat naman siya. So hindi ka mafall kung laging kayo naglalandian at naghaharutan. Pero it must be weird but i never had the urge to kiss her like a lover's kiss or anything sexual desire...maybe it was one of those innocent love...tingin ko lang naman haha. We even call each other, mahal, on part maybe nagkatotoo, medyo kilig ako pag tinatawag niya akong mahal. Uso si mahal at mura din pala noon kaya yun ibang friends namin sinasabi, oi tawag ka ni Mura, mga loko lang eh. Nun highschool papalitpalit ako ng fave number not until i settled down for 18, kasi Dec. 18 birthday niya. Pati nga favorite color ko nahawa na ko sa kanya, purple, dati fave ko blue at pink napalitan tuloy ng purple. Lol. I actually confessed to a few friends that I'm, yes indeed, in love with her, but I promise not to do anything about it. Sayang ang friendship. Saka I am scared of rejection, so naisip ko pag nareject ako mawawalan lang ako ng isang mabuting kaibigan. Di ba? Mas pipiliin mo kung san kayo magtatagal. So hanggang ngayon friends pa din kami, nagkaanak na siya, nagka-asawa, nagkahiwalay sila, at ngaun winiwin back na siya ng guy...at hanggang ngayon andito pa din ako for her. She calls me 'unnie', kasi mas matanda ako sa kanya ng months, peste, hahaha, pero sige lang January ako December siya eh. Open siya sa akin humingi ng advices kasi ako yun nakikinig at pagsasabihan siya at babatukan pa. Lol. Mas masarap na hindi malamatan ang pagkakaibigan dahil lang sa isang bagay na alam mo walang patutunguhan. I know her very well, I guess. Pero alam ko, ramdam ko, naramadaman niya din na minsan naging higit sa pagkakaibigan ang turing ko sa kanya. Nakwekwento ko din sa kanya nun nagcollege ako tungkol sa mga friends ko, lalo na dun sa isang kabarkada ko na si "weird" yun kasi tawag niya sa akin kaya weird din tawag ko sa kanya. We are both transferee, me from UST siya from Ateneo, kaya naging friends kami kasi parehas kaming irregular. Itong si Weird, feeling ko gusto niya lang aminin ko sa kanya na gusto ko siya. Baka may balak na pumatol sa akin kung sakali. Joke lang. Weird is very smart, pretty, maliit lang siya pero okay naman yun katawan niya at I guess okay naman maging friend kahit may pagka-user friendly pero keri lang, kelangan magsurvive sa college eh. Well eventually nagfade ang friendship namin ni weird, ngayon nga nahihiya pa ako magmessage, comment at maglike sa fb niya, pero dati kasama ko lang siya sa inuman, at kumain sa carienderia ng U-belt, tumambay sa freedom park para magpatay lang ng oras sa haba ng vacant hours. Sanay naman ako sa unrequitted love. Not until I met my first gf now my ex. We were friends on twitter. For how many months kami nagkukulitan, hanggang sa mafall ako sa kanya. Hindi ko masyado ikwe-kwento si ex kasi pagsinipag ako gagawan ko ng story. Na ideviate ko lang ng unti irl. I tweet thoughts on my private account na handful of people lang ang nakakaalam, malay ko bang aabalahin pa ni ex tignan yun noon kaya doon niya nalaman na nahuhulog na ko sa kanya. One day she said she love me...sabi ko pagisipan mong mabuti kasi bata pa siya. Yup, bata talaga, 6 years ang age gap namin...pero just like the cliche, love knows no age, gender and no boundaries, basta yun mga eklavoo na ganun hahahaha. Pero kung ano yun sinangtabi niya nun una para maging kami eh yun dun pala ang ihahampas niya sa mukha ko nun iwan niya ako. Naisip ko nga sana hindi na lang tinawid ni ex yun, kasi nasasayangan ako sa friendship namin. Ngayon ito ako parang gago lang, kahit friends lang sana iniwan niya sa akin.... Sigh. Pero wala naiwan lang ako sa kalawakan. Haha. Pero tulad nga ng sinabi niya, naging masaya at nagmahalan naman kami...haiiiiii ewan ko sa batang yun. Rawr. It was one heck of a rollercoaster ride for 18 months. D@mn. Pero kung hindi ka susugal na magtapat, aminin, magpakatotoo, paano ka magiging masaya...paano mo malalaman kung hindi mo susubukan, di ba? Pero syempre kailangan may irisk tayo, na at one point masasaktan ka din at my mawawala sau. Ganyan talaga ang buhay. May kelangan isugal, isuko at kelangan tabla lang. Friendzone... Oo masakit mafriendzone pero mas okay na yun kesa mawala ang lahat... Yun sa akin lang naman.. Now we are celebrating our 10years of friendship. Mahirap maghanap ng totoong kaibigan at naging masaya naman ako na friends lang kami. Sorry ang gulo ng pagkakasulat ko, wala kasi ako outline, kung ano na lang maisip...gulo din kasi ng pagiisip ko eh haha. Now I am waiting for that someone to come along and make my heart beat again, waiting for someone to take care of me and someone I could care for...hayzt dadating pa kaya siya, o hindi na? Sana hindi matrapik, nastranded at naligaw. Baka naman may available diyan, hirap makakita dito. Bawal magladlad isa sa mga nakakataas ang tita ko sa hospital na pinagtratrabahuan ko. Hindi pwedeng masira ang image ko. Hindi man ako maganda at sexy, pero caring, sweet, fun to be with at masarap naman ako...loool ano daw??? Masarap ako magluto. Hahaha.Sa mga nagbasa, salamat po sa iyong time.

Thank you din ke letmebed1.

...

Anne,

Cool ng pagkakalahad ng story mo kahit walang outline hehe Parang it comes out naturally lang mga words mo. Pero seryoso?Kailangan mo pa ba ng advice ko? Eh mukhang sinabi mo na lahat eh, speechless na ako haha! Di Joke lang. Friendzone...Bakit nga ba umusbong ito bukod sa seenzone? Nyaha! Well, one of the saddest feeling that can happen to anyone is when one falls in love while the other wants nothing more but friendship. Masakit talaga iyon. Pero hindi lahat kasi pare pareho ang reasons and situations. Mayroon yong mas pinili na lang na maging magkaibigan dahil hindi talaga pwede, mayroon naman yong dahil ayaw masira ang friendship kasi kumplikado, nariyan din yong takot sa rejection or even takot sa commitment or tipong comfort zone lang ba etc etc. Gaya ng nasabi ko doon sa isang story na ang pag-amin ng nararamdaman eh either make or break. Especially if the feelings aren’t mutual. CONFESSION and REJECTION iyan ang mga fears ng tao when it comes to a relationship. Sa opinion ko, mas maigi pa ding umamin basta ba handa kang tanggapin ang kahihinatnan at marunong rumespeto sa desisyon ng isa’t isa eh walang magiging problema doon. Kung talagang malalim ang pagkakaibigan niyo, kaya ka niyang intindihin sa nararamdaman mo at walang lalayo, walang magbabago tipong ganoon sakaling magconfess ka. Nasa inyong dalawa pa rin kung paano niyo iintindihin ang nararamdaman ng isa’t isa. Swerte mo na lang talaga kung mutual ang feelings. Pero hanga ako sa 10 years of friendship niyo ni Ex ha despite of break up, napanatili niyo pa rin yong samahan niyo at andiyan pa rin kayo nakasuporta sa isa’t isa. At doon sa almost 7 years mong palihim na pagmamahal grabe lang, hindi yon madali hehe! Alam kong madami kang natutunan sa love story mo and I am hoping na sa susunod na susulat ka (malamang book mo na iyon) eh happy ending na. Stay happy. P.S. Sa lahat: Kung sakali mang may umamin sa inyo, please lang be honest din sa tunay niyong nararamdaman. Kung talagang hindi pwede, stick to your decision. Don’t complicate things which are already complicated. Gets niyo? Mayroon kasi yong iba kapag alam nilang may umamin sa kanila eh lumalaki yong ulo. Pogi/Ganda points kuno etc. Mayroon naman yong iba na kahit taken na eh kapag may umamin, i-ni-entertain pa rin etc etc. Tapos sasabihin naguguluhan daw kung sinong mahal nila, sinong pipiliin blah blah blah. Kahit hindi sigurado eh push ng push. Doon nasisira ang isang samahan eh. At sa mga umamin naman na mutual pala ang feelings niyo, please lang panghawakan niyo at alagaan niyo yong relasyon niyo. Kung may problemang maencounter always go back to your reasons why you’re in a relationship, it’s all about “LOVE". Ayon lang.

Ez

_____________________________________________________________________________Thank you for reading! :)

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon