Chapter 14 - Carousel of Love

15.8K 155 12
                                    

Hey! Ako nga pla si Zedd, isa akong silent reader sa wattpad, at ito yung kwento ko.

Nagsimula lahat nung college ako, iniwan ako nung long time Bf ko. Lagpak yung buhay ko nun, halos di na ako pumapasok sa mga klase ko para di ko lang makita yung ex ko. Natanggal rin ako sa honor society kasi di ko na maintain yung grades ko. Lahat ng kaibigan ko alalang-alala na kasi halos lahat na ng subjects ko pa drop nako. Pinagsasabihin nila ako, pero ganun parin matigas talaga yung ulo ko. Hanggng sa isang araw nung nasa apartment ako, biglang dumating yung kaibigan kong si Yna, at kinaladkad ako papuntang school. Simula nun, araw araw na siyang pumupunta sa apartment ko para siguraduhing papasok ako. Lagi rin niya akong hinihintay sa gabi pagkatapos ng klase ko para siguraduhing di ako didiretso ng bar. Nung tumuntong kami ng 4th year, mas lalo pa kaming naging close, may mga subject kasi na magkaklase kami. Sinadya niya kasing ipagsabay yung mga minor subjects namin.

Unti-unti ko na rin akong nakaka move on dun sa ex ko. Sinabi ko rin sa sarili ko na di nako ma-i-inlove uli kasi nakakasira lang ng ulo. Okay na sana lahat eh, kaso biglang pumalya, nainlove uli ako, ang masaklap pa kay Yna. Gulong-gulo yung utak ko nun, umiwas ako sa kanya ng ilang linggo para malinawan yung utak ko. Di naman kasi ako bi or les at ngayon lang nangyari sakin to. Habang umiiwas ako sa kanya dun ko lang narealize na inlove talaga ako sa kanya, di lang yung pagmamahal bilang isang kaibigan. Minsan naiisip ko din na baka bunga lang yun ng pag-aalaga na ginawa niya sakin, pero kapag nakikita ko yung ex kong kasama yung bago niyang jowa di na ako affected, pero nung nakita kong kasama ni Yna yung crush niya at grabe yung tawanan nila sobrang sakit, nakaka stress ng bangs!

Isang araw, pinuntahan ako ni Yna sa apartment ko kasi antagal ko siyang iniwasan. Andami niyang tanong, isa na dun kung bakit ako umiwas, wala na rin akong choice kaya sinabi ko yung dahilan. Sobrang hirap narin kasing itago. Pagkatapos kong sabihin sakanya yung dahilan, di man lang siya nagalit o nandiri o kung ano man.

"Zedd di pwede yang nararamdaman mo, tsaka masisira lang yung friendship natin kapag ganun", yan yung sinabi niya sakin. Alam ko rin namang di pwede tong nararamdaman ko, kasi parehas kaming babae, di rin naman ako umaasang mahal niya rin ako higit pa sa isang kaibigan. Umiwas muna ako sa kanya at pinilit kong kalimutan yung nararamdaman ko. Naging normal ulit ang pakikitungo namin sa isa't isa bilang magkaibigan.

Ngayon, magtatatlong taon na simula nung nagmahal ako ulit. Hindi na ako pumasok uli sa isang relasyon, takot na akong masaktan. Masaya na sana kaso nga lang pumalya ulit tong puso ko at nagmahal uli. Nakilala ko yung pangalawang babae na minahal ko. Naguguluhan parin ako kasi hindi naman ako bi or les at sa almost three years na single ako never akong nagkagusto sa mga babae. Then it hit me, anything can happen, masyadong mapaglaro ang tadhana.

Nag.umpisa lahat sa isang social network, isa siya sa mga friend nung author sa wattpad na inadd ko sa fb. Gumawa kasi ng group at sinali ako dun, sobrang kukulit ng mga tao dun pero nakakatuwa ang friendly nila. Hanggang isang araw, nakachat ko sa fb si KM. Sobrang kulit niya pero nakakatuwa, simula nun halos araw-araw na kaming magka chat sa fb, at magkatext. Kung minsan tinatawagan niya ako. Dahil sa naging close na kami andami na niyang kwento, nalaman ko rin na les siya. Nung napansin kong nagkakagusto na ako sa kanya, gumawa ako ng paraan para madivert yung feelings ko. Ginawa kong cover up yung isang friend namin sa group. Madalang na rin kung sumali ako sa mga convo nila. Nag deactivate pa nga ako ng account sa fb. Dahil dun tinawagan ako ni KM para tanungin kung bat ako nag deactivate ng account. Tuwang tuwa ako nun kasi nakausap ko naman siya. Dun tumama sakin yung katotohanan na mahal ko na siya. Natakot akong masaktan ulit at makasakit ng iba kaya mas lalo akong umiwas. Alam ko duwag ako kasi lagi kong tinatakbuhan ang mga problema. Nung mga panahong naisipan kong mag confess ng feelings ko para sa kanya nalaman kong may gf na siya. Huli na ako. Naging masaya na lang ako para sa kanya at nag reverse bittering para mas mapadali yung process ng paglimot. Inisip ko na lang na kung naging kami man, di rin siya magiging masaya kasi milya-milya yung layo namin. Isang araw nagtetext kami sa viber tinanong niya kung sino raw yung mahal ko, nabanggit ko kasi dati sa kanya na may nagmamay-ari na ng puso ko. Wala na rin namang point pa para itago at sabi nung friend ko mas magaan daw sa damdamin kapag nasabi ko tong nararamdaman ko. Nung sinabi ko sa kanya na siya yung mahal ko ganito yung sinabi niya "eh bat ngayon mo lang sinabi?" Sinabi niya sakin na wag ko raw siyang iiwan at maging friends parin kami. Ang hirap lang ng gusto niya. Kasalanan ko rin naman ito eh, naging duwag ako. Sa ngayon gumagawa ako ng paraan para maka move yung puso ko sa pagmamahal kay KM pipilitin kong kalimutan na yung nararamdaman ko para sa kanya.

Ang love nga naman parang carousel, di mo alam kung sinong sasakay sayo, pwedeng batang lalaki o batang babae. Parang love, di mo alam kung sinong mamahalin mo, pwedeng lalaki o babae.

Kaya sa mga taong may minamahal jan , sabihin niyo sa kanila kung gaano niyo sila kamahal. Kung mareject man kayo atleast nasabi niyo yung nararamdaman niyo malay niyo pareho pala kayo ng nararamdaman.

Iba kung maglaro ang tadhana, masyado siyang maduga, kaya ingat-ingat.

Salamat! :))

•••

Dadating din yong taong magmamahal sayo ng totoo Zedd,  tiwala lang. :)

♡Ez

==========================================================

Thank you for reading. ^.^

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon