Chapter 76 - Officer Sungit

4.1K 52 6
                                    

Hi. I’m Cleis. 24 years young and I like girls pero secret lang. I’m a closet lesbian. I’m a private person daw sabi ng iba sabi pa nga nila kasi daw I’m like a puzzle that they can’t solve. Di kasi nila alam kung ano yung totoong ako. I have trust issues, last time kasi na nagout ako sa mga kaibigan ko kuno, iniwan ako at iniwasan na parang may nakakadiring sakit. Kaya simula non para akong makahiya na nagcoclose ang leaves, emotionally detached ako sa mga tao. Ahe, yung prologue ko eh yung ako ngayon, eto naman yung ako noon…….. Ever since I was young alam ko na na lesbian ako, kasi grade 2 pa lang crush ko na yung classmate kong girl si Cathleen hanggang sa gumraduate eh sya lang talaga…hehe loyal ako eh… Hindi ko sya niligawan or whatsoever kasi takot ako sa parents ko, galit kasi si mama sa mga tomboy. Sabi nya nakakahiya daw kung ganon yung anak nya, kaya sa murang edad palang natatak sa isip ko yun, I don’t want to disappoint her, in my mother’s eye I was her perfect daughter. Sinusunod lahat ng gusto at makapagpapasaya sa kanya. Kaya nagtiis nalang ako kasi mama ko yun eh. Nung nag highschool nako, kinalimutan ko muna yung liking ko sa girls, kasi sobra akong natakot sa mama ko, iniisip ko palagi non na itatakwil nya ko pag nagkagusto ako sa kapwa ko maganda.hehe Ang dami korin naging boyfriend non, akala ko kasi pag nag bf ako maalis yung pagiging lesbian ko, pero hindi eh. Hanggang sa mag college ako at nagdorm. Malayo sa bahay, malayo sa mga nakakakilala sakin, malayo kay mama…FREEDOM! I was in college when I started to feel alive, yung tipong ibon na nakawala sa cage nya. Ay hindi pala bird kundi isang butterfly, kasi dun nako nagstart maghanap ng flower…hehe Flirt dito flirt doon…Fling dito fling doon…. Sa loob kasi ng dorm, daming girls na kagaya ko. Until I met her. Si Keisha. Officer sya sa dorm non at ahead sakin ng one year, napaka strong ng personality nya, yung tipong pag tiningnan ka eh titiklop ka. Ayaw ko sa kanya non kasi napaka sungit nya, pag nag checheck sya ng attendance laging nakasimangot , kaya no pansin ako sakanya kasi busybisihan ako sa current fling ko na officer din. It was my sophomore year ng maging friend ko yung bago naming dorm mate si Alexis. She’s bi, and very friendly. One night habang nagkukwentuhan kami, bigla sya nilapitan ni officer sungit, close friend pala sila. At for the first time ngumiti sya sakin. I was starstruck with her smile, ang ganda pala nya pag nakangiti. Wala akong sinayang na chance. Nakipag chitchat ako sa kanya non kahit sandali lang, kunwari nakipagtext ako sa kanya but the truth is tinext ko lang yung cp ko para makuha number nya.hehe Simula non nakipag close nako sa kanya. I was gonna flirt with her sana kaso may gf na pala sya. Ayun nalugi ang hapon. Months have past at sa wakas nagbreak na rin sila ng gf nya. It’s time for me to enter the eksena. Hindi ako marunong manligaw, at hindi po ako nanliligaw…hehe Kaya flirt flirt lang, to make the story short naging kami. I know mahal pa rin nya yung ex nya, we don’t really love each other back then. Para lang kaming magbarkada, I really like her though. Then time have past di ko namalayan mahal ko na pala sya. After three months of our relationship I told her that I love her. She told me she felt the same and it was one of the happiest moments of my life. Since then ang tingin ko sa mundo napaka colorful, first time kong mainlove. Wala akong pakialam non sa sasabihin ng ibang tao. I was in bliss. She became the center of my life, my priority, the love of my life. Although takot parin akong ipaalam sa mama ko, sinasama ko parin sya sa bahay naming. Alam ko nakakahalata si mama kasi pinagsabihan nya ko non na baka daw napapabayaan ko na pag aaral ko, I know may hidden message yung pagsita nya sakin oh talagang praning lang ako sa takot sa kanya. Kaya ang ginawa ko non tumira nako ng tuluyan sa dorm, kung dati every weekend ang paguwi ko naging every once in a year na lang. Takot kasi akong mapalayo sa mahal ko. One year n akami when I decided to come out with my so called friends, masakit lang kasi pili lang yung mga kinakaibigan ko, di kasi ako friendly eh tapos ganyan pa sila. They walk out of my life, ang masakit pa inout nila ako sa department namin. Yung mga santa naman sa department namin inoutcast ako, don ko lang nalaman na pinagbabawal pala ang lesbian. Grabe sila, pati prof namin sinabihan ako na bat daw ganito ako, wala daw akong mararating, eh Mother-Father pala sila eh, kaylan pa naging batas na bawal ang lesbian teacher????Mga Paksiw sila! Sorry ha, galit lang ng konti.hehe Di naman halata na lesbian ako eh. Pinabayaan ko na lang at tiniis yung panghuhusga nila, ang importante lang non sakin eh yung mahal ko.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon