Chapter 72 - Mikka

3.3K 41 6
                                    

Hi pareng ez! Wow parang close ah! Haha. Joke lang.

Ako pala si mikka(pronounce as myka) my friends call me, mike,boi,miks,mikee at kung anu-ano pa. May pagka-pari lang peg nila,mahilig magbinyag. Hahaha!
Pero ang binigay na pangalan ng nanay ko maria michaela. Oha! Nakakatindig balahibo sa sobrang girly. Nakakatawa lang pag may tumatawag sakin by full name. Ako nahihiya para sa pangalan ko. Pero di ko kinahihiya na yan pangalan ko,bigay ng nanay ko yan e. Hahaha.

Anyways, 23 na ako at nagwowork sa pinakamalaking brewery company dito sa pinas. Pero walang kaconnect connect sa course kong ladderize nursing nung college.

Isa akong gay,lesbian,tboom,tomboy o kung ano pang tawag nyo dun. Pero mas okay siguro yung " man traps in a woman's body. Oha! smile emoticon

Kinder pa lang ako alam ko ng iba ako. Lahat ng panglalaking laro,bagay o gawain yun ang gusto ko. May bestfriend pala ako si jha. Bff ko yan since nasa tyan palang kami ng mga nanay namin. Kaming dalawa ang magkasama sa lahat ng kalokohan,katatawanan at sad part sa mga buhay namin since then. Ooopps, baka iniisip nyo na may lovestory kami ni bes. Pero sorry guys, tboom din yun, grade 6 pa lang kami andami na nyang naging gf, may pagkaharot kasi yun e. Hahahahq
O
Di naman ako nahirapan na maging tboom, lalO sa family ko kasi yung sinundan kong kapatid e gay naman. So kumpleto na kami sa pamilya lahat ng klase meron. Hahaha. Pero wala naman ako ginawang pagamin sa parents ko. Feeling ko naman kasi may hint na sila since bata pa ako.

May naging crush na ako nung elem. Pa lang, mga kasulatan sa desk. Kasi lumilipat kami ng room bawat subject, hahaha. Naguidance na din kami nung elem. Dahil sa mga babae ng star section. Tama guys, star section ang mga kasulatan at kaiwanan namin ng notebook. Pero nakagraduate naman ako ng walang naging gf.

Una akong nagkagf nung 2nd yR. Highschool ako. Si mariz Unang pagibig at unang pagkasawi din. 6 months lang ata kami nun,anak sya ng isang teacher sa pinasukan kong highschool, at tatay nya pa ahh. Nalaman ng sister ko yung about samin, pinagalitan nya ako at sinermonan pa.balewala naman sakin kasi kahit sinabi nya sa parents namin, di naman ako pinagalitan, mas napapagalitan pa nga ako kasi palage akong tambay kasama ang mga barkada ko hanggang hating gabi. Hahaha! Unang pagkasawi ko yun kasi nalaman na din ng parents nya,ayun nakipaghwalay sya. Nakalimutan ko na din ang mga ngyari kaya di ko na madetalye.

Pero nung mga panahon ko ng 3rd yr. May nakafling naman ako nun, si alexis. Ate sya ng gf ni jha. Ahead lang sya sakin ng 1 yr. Crush ko na sya kahit nung may gf pa ako. Panay kasi kami tambay ni jha sakanila dati,saka mabait ang parents nila at okay lang kahit panay kami andun. Nung nagbreak kami ni mariz, sila lage kasama ko. Kaya di ako nahirapan magmove on. Kasi sweet sya at maalaga. Lage kami magkatxt at usap kahit pa araw araw din kami nagkikita. Pero di klaro kung ano ba talaga kami,kasi di ko maamin na gusto ko nga sya. Hanggang sa nagtapos sya ng highschool, na di ko pa din maamin. Kaya walang naging kami kasi natorpe at nahiya ako kasi ang ganda nya,matalino,matangkad,sexy,maputi at mabait. Saka sa manila kasi sya magcollege kaya nawalan ako ng pagasa. Inshort naging sawi ako for the second time around kahit di naging kami. Hahaha

4th yr. Highschool ng makilala ko si ana may. Maliit,super haba ng buhok at cute. Member sya ng glee club sa school. Player din ng softball. Samantalang ako leader lang ng tropang nabuo sa section namin as in puro sila lalaki,pero may nasali din babae yung di mga kj. Hahaha. Pero mas mataas section ko sakanya. Yabangssss!
Kaso that time may bf sya. At sa kasamaang palad yung kinaiinisan ko pa kasi nadadaig ang kayabangan ko. Hahaha
Pero di naman ako nagpatalo kasi, nagpapapansin ako sakanya, kinaibigan ko talaga sya. Gang sa naging close kami at panay na magkatext at boom kami na. Chos! Hahaha
Matagal din bago sila naghiwalay at nung dumating yung time na yun,kinapalan ko na talaga muka ko at sinabi kong gusto ko sya at liligawan ko sya. Pumayag naman. Naging kami, eventually. 
Yung unang quarter ng relasyon namin okay naman, sweetness overload. Sulatan, hinihintay ko sya pumasok at paghapon hinahatid ko sya. Masaya kami sa mga unang buwan,. Sakanya ko din naexperience yung alam nyo na yun pero di naman totally ano, mga 70% lang, walang kfc na " finger licking good ganun, wala talaga.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon