Chapter 43 - Always and Forever

4.7K 82 20
                                    

I’m Jessica. Midsummerbloom in wattpad. I’m working here in Makati as an accountant. Share ko lang yung story namin ni Bebs (Beverly ang buo niyang pangalan) the girl who made my life complete.

It was summer of 2010, dahil summer relax muna ako. Napagod kasi ako sa dami ng pinagkaka-abalahan ko. Ako kasi ang President ng department namin, and at the same time active din ako sa mga pagsali sa mga accounting quiz bee. At yung mga friends ko sinama pa ako sa pageant sa school namin, pinalad naman at nanalo ako. So ayun nagkapatong patong ang mga responsibilidad ko. At that time I’m in a relationship with my bestfriend, si Jhun. Okay naman kami pero it came to a point na sa dami ng pressures ko sa buhay, I gave him up. Sabi ko kasi sa sarili ko I will graduate with flying honors so I don't want any disturbance in my life. Malapit na kasi e, konting push na lang. One year na lang kasi at ga.graduate na ko. Pero sabi nga nila, things will never be just the same how you want it to be. Nakilala ko kasi si Bebs sa Uzzap, yung parang messenger sa Smart. Matagal na ko member dun. Natutuwa kasi ako sa mga games sa ibang chatroom dun. Like yung texttwist at trivia because it made my boring summer so alive. Mahilig din ako mag.observe ng mga chats. hehe.  At dun sa Pangasinan 2 chatroom. Napansin ko si Bebs, regular chatter siya dun at in fairness marami ang pumupuri sa kanya na mabait daw siya, cute at singkit. Siya kasi nag.organize ng GEB (Grand Eyeball) nila. Na.caught niya yung attention ko so I said hi. Nag.reply naman siya hanggang sa in.invite ko yung account niya so we can PM each other. Noong una pa lang inamin niya agad sa akin na lesbian siya. Syempre na.shock ako. Pero natanggap ko pa din eventually kasi mabait naman siya and that is all that matters. We chat each other hanggang sa in.add niya ko sa fb which I regret later kasi nalaman ko na may gf pala siya. Ang tanga ko lang kasi di ko siya natanong e. I confronted her after, sabi nya parang di naman talaga niya gf yun kasi parang wala lang daw siya dun sa girl. Kaya ayun, umasa ako, naghintay and support her silently. Naging shoulder to cry on kahit na minsan gusto ko na siyang batukan kasi nagpapakatanga siya sa iba e nandito naman ako sa tabi niya. Hanggang sa dumating na yung time na naghiwalay sila kasi nag.two time yung girl at nakita niya mismo. Bagay na bagay sa amin that time yung kantang "Kung ako na lang sana". Adik kasi e, di ko alam kung paano o bakit, basta nagising na lang ako isang umaga na siya na ang tinitibok ng puso ko. I fell really hard but I don't want to admit my feelings to her coz I don't want to ruin our friendship. After her break up we became closer. Hanggang sa naramdaman ko na parang may something na siya sa akin. Then one time, kumain kami sa canteen namin, kumuha ako ng dalawang Nestea bottle. Sabi niya ayaw niya, but I insist pero wala talaga e. So I thought of an idea, sabi ko pag naubos ko yun without stopping kiss niya ako. Nag.agree naman siya. So ayun, naubos ko talaga. Super effort talaga ako that time. Landi noh? hehe. Anyways, when we first kiss it felt so magical,dun ko naramdaman yung parang kuryenteng kumikiliti sa buong sistema ko. Naging kami na officially after that. Everything is smooth. Even if once a week lang kami magkita worth it lahat kasi super sweet siya. I gave her what I didn't gave to my past relationships ng walang pag.aalinlangan. Every day with her is worth living. Parang lahat ng kiss, at hug mula sa kanya parang laging first kasi kinikilig pa din ako. But it's on our fourth month nung nalaman ng tita ko na nagpapa.aral sakin ang tungkol sa amin dalawa, imoral daw ang ginagawa ko that they feel so disappointed sa akin kasi pumatol ako sa isang tomboy. I cried, halos di din ako kumain for a week. Ang sakit sobra yung mismong sa kamag-anak mo manggaling ang mga salitang yun. But I fight for her, sinabi ko sa tita ko "Mahal ko po siya. Wala naman po mali pag nagmamahal ka at wala po kaming na.aagrabyado na iba." They cut my allowance pati pag bigay ng tuition e halos wala buti kalahati lang binabayaran ko kasi scholar ako. They didn't talk to me pati mga kapatid ko natatakot na makielam kasi baka madamay din sila. On their life, I didn't exist kasi imoral ako. Good thing may naipon ako and Bebs is there to help me. Hanggang sa dumating ang graduation ko, Cum Laude ako. I thought aakyat ako ng stage ng mag.isa but dumating sila. Masaya ako nun at simula nun di na nila inungkat yung nangyari. Pero paminsan.minsan sinasabi pa din nila na gusto nila ng normal na buhay sakin. Yung maranasan ko daw magkaroon ng pamilya at magka.anak. Tuwing sinasabi nila yun di na lang ako kumikibo at pilit ko na lang sila iniintindi. They just want the best for me. Now, mag.four years na kami ni Bebs, syempre may mga tampuhan at cool off din pero tumatagal lang yun ng one day. We always find a way to cope up with each other and adjust on each other's differences. Iyon kasi ang importante kapag nasa relasyon ka. Ngayon masasabi ko na mas naging matatag ang relasyon naming dalawa. Yes, there may be storms and waves that might test our relationship but I can say that as long as I'm holding her hand together we can surpass them all. I'm proud to say that I'm in love with a lesbian and I don't regret having to experience that hardships we've been through.

P.S. I hope our story inspires others. Dati din ilang beses nabigo si Bebs before she found me. Meron yung time na nagbakasyon lang siya sa U.S. at pagbalik niya pregnant na yung girl. That's her first love. Yung iba naman ginamit lang siya, nagpa.buy lang ng kung ano2x and left her. But as I always say to her, those experiences made her just perfect for me just like a diamond who has to undergo different phases and processes to be a precious and expensive gem. Kaya advice ko sa mga nagmamahal at may mga pinag.dadaanan ngayon, kaya niyo yan! Don't stop believing of true love and forever. Kahit masakit isipin mo na lang na pagkatapos ng ulan, nandiyan ang bahaghari at ang araw ay sisikat din.

P.SS. Letmebed1 thanks for giving us the opportunity to share our experience through this. I hope one day magising tayo na ang pagtingin ng tao sa lahat ay pantay pantay kung saan malaya  tayo na mahalin kung sino at ano pa man siya.

....

Jessica,

Habang binabasa ko ang story mo parang biglang nagtime travel yong utak ko sa panahong sikat na sikat ang Uzzap app haha! Sa totoo lang nakakainspire itong love story niyo. Hanga ako sayo cause you let your heart speak and open up what you really feel for her. Kahit na tipong dinudurog na yon puso mo sa tuwing malalaman mo yong mga sakit na nararamdaman niya sa naging gf niya. Sa pagibig kasi kapag totoong pagmamahal ang nararamdaman mo,tanggap mo ang pagkatao niya at minamahal ng walang pagaalinlangan. Yon ang pinakamatapang na desisyong ginawa mo pati na rin yong pagharap sa mga taong nakapaligid sa inyo. Ohh diba ang sarap sa pakiramdam non naging kayo? hehe. Minsan sa pagibig kasi masasabi mong madali nang harapin anumang pagsubok na darating basta't alam niyong nagmamahalan kayong tunay. Yong tipong walang makakasira sa relasyong iniingatan niyo na pagtitibayin ng panahon at pagsubok. Pinakaimportante talaga yong nagkakaunawaan, nagbibigayan despite of differences and being open sa isa't isa. Isa yon sa mga factor talaga na magpapatagal sa inyo. Malayo layo na rin ang nalakbay ng relasyon niyo. Huwag niyo hayaang masayang basta kapit lang at magtiwala sa isa't isa. Always keep in mind na you started from Strangers to Lovers and here you are writing your story with kilig factor and flying colors. Goodluck sa journey of love niyo at please lang ha, Don't shift from Lovers to Strangers! Cheers! :)

Ez ♡

______________________________________________________________________________

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon