Chaptet 13 - Ena ko

17.5K 172 12
                                    

I want to say thank you kay Letmebed1 dahil sa madami kong kapalpakan at pang-aabala. Sa totoo lang po hindi ako techy na tao hindi ako marunong mag e-mail. Ako yung nagpapass ng school project na hand written at hindi mahilig mag-copy paste. Kaya maraming maraming salamat po author sa pasensiya. At salamat for giving me the chance to tell my story. Natagalan bago ako nagsend ulit dahil inulit ko siya, I realize that I don’t want this story to be about me. I want it to be about her and how I fall in love with a girl.

__________________________________________________________________________

Hi I'm Jen, 21 yrs. old, Isa akong silent reader sa wattpad. Ako yung tipo ng tao na hindi showy hindi ako yung tipong sweet na mangyayakap at palaging nakasmile. Ako yung tipong tahimik lang sa isang tabi kaya madalas napapagkamalan akong masungit. Kaya nga hindi ko agad nalaman ang sexual preference ko. Bata palang ako trip na trip ko talagang maglaro nung panglalake na laruan. Akala ko boyish lang talaga ako.Nagkaroon ako ng ilang bf's nong highschool pero never akong nagka-first kiss. Ewan, ang sabi ko hindi pa ako handa. Akala ko pinapaniwala ko sila pero ang totoo sarili ko pala ang pinapaniwala ko. Kahit yakap hindi ko magawa sa mga nagiging karelasyon ko. Nararamdaman ko naman na mahal ko sila pero wala talaga e. Then I met her and that explains everything.

Una ko siyang nakilala sa isang social network site ng summer. Dun ko nalaman na galing pala kami sa isang circle of friends. Na nagkausap na pala kami nuon pero sinungitan ko pala siya kaya parang natakot na siya na makipagusap ulit  sakin. She said “nasa black-list nga kita e”. Humingi ako ng sorry at nagging magkaibigan kami parang magkapatid "bro" pa nga ang tawagan namin.

Ang astig na babae ni Ena , she's a mixture of boyish na kikay na mahilig mag-gaylingo. I know she’s hard to spell pero she’s always be someone I cared for wala yung malisya kahit sa chat at text palang kami nagkakausap. Hanggang sa nagkasakit siya. Sabi ko nga hindi ako sweet na tao pero sobrang nag-alala ako sa kanya sa mga panahon na yun. Ang pakiramdam ko ng mga oras na yun ay kailangan ko siyang alagaan hanggang sa gumaling siya. Narealize ko nalang na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay yung pagiging mabait niya at masipag. Palagi siyang naka-po, Siya yung tipong mahilig mag-joke at maglilinis ng bahay every weekend sasamahan mamalengke yung Lola niya sa madaling araw at masarap magluto at matalino, parehas din kaming mahilig sa arts. To be honest siya yung taong matagal ko ng pinapangarap and I never thought I would meet someone like her.

One time naglakas loob akong magtanong dahil may mga kaibigan na kami na nasa isang girl to girl relationship gusto kong malaman kung anong tinggin niya dun. Nagkaroon ako ng pagasa ng sabihin niya na may gusto siyang babae dun ko na napagpasyahan na sabihin na ako din may gusto din akong babae. Na siya yung gusto ko. Natuwa ako na sabihin niyang ako din yung gusto niya pero nalungkot ako sa sunod niya na sinabi, na may nanliligaw sa kanyang babae din at ayaw niyang saktan. Alam ko na agad na imposible na. Ayoko din na makasakit siya ng iba, ayoko na gawin niya yun at kailangan ko na siyang layuan. Ayoko maging mang-aagaw dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan. Hindi man ako nagiging totoong gf in a sense sa mga lalaking nakarelasyon ko may minahal din naman ako sa kanila and it didn’t end well. And I see to it that I won’t make someone feel what I felt when I was betrayed by someone I trusted.

Sa unang pagkakataon after ng dalawang taon naiyak ako ulit sa CR. Dun ako umiiyak dahil ayokong may makakita ng kahinaan ko. Pagkalabas ko ng CR nalungkot at natuwa ako sa nabasa kong txt niya. Masakit daw para sa kanya na masaktan yung taong yun pero mas masakit daw pala na mawala ako. Siguro para akong masama sa story na ito pero minahal ko talaga si Ena. Hindi nagging kami agad dahil ayaw naming may masaktang tao. Ng napagdisisyunan kong ligawan siya natawa nalang ako sa sagot niya “Manliligaw ka bakit marunong ka bang manligaw?” Ang cute lang niya diba? Lahat ata ng gawin niya nagging cute na sa paningin ko. Hanggang sa isang gabi to be exact madaling araw, madalas kasi inaabot na kami ng madaling araw sa paguusap tinanong ko siya. “S***** M****S**** will you be my girl?” And she said “J**** R*** F******** yes I would like to.”

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon