Chapter 39 - Chicser

6.4K 96 21
                                    

Hello mga ka-watty. I'm Lee, nickname ko lang. 16 yrs old. 1st year College student. Silent reader ni idol ez :)

My story happened when I was a 4th year HS student. Pero yun ipapaalam ko muna sa inyo na hindi ko alam kung ako ay tboom o pogay XD pag kasi nakakita ako ng gwapo, nagiging active yung malalanding hormones ko pero pag nakakakita ako ng maganda, ehem alam na :3

So ayun nga, NBSB ako until 3rd yr hs. Wala naman kasi talaga akong alam sa love. At nung time na yun eh girly pa ako  XD. Pero nung 4th yr ako ayun nag iba lahat. Ayoko talaga sa lahat eh commitment. Feeling ko kasi nasasakal ako pag may ganun. Kaya ang ginawa ko nun eh puro laro. Katulad ko si Jean Kaye Emerson. Playboy/Playgirl. LOL. Ang kaibahan lang eh si Jean alam kung ano talaga sjya tsaka malakas ang loob na aminin sa lahat na nagkaron siya ng girlfriends, ako hindi.

Ayun, nung 4th year ako first time ko magkaron ng bf, yung isa weeks lang tinagal, yung isa months, oo lumandi ako nun. Lahat ng ex bf ko laro lang para sakin. Ewan ko kung bakit ako ganun. Gusto ko lang maglaro. Paasa din ako. Kasi pag may manliligaw bibigyan ko ng pag-asa tas sa huli babastedin ko. Ganun ako kasama. Well, di ko alam kung bakit ganun eh XD. Tas ayun, may nakilala akong babae. Tawagin natin siyang Angel :) CAT officer ako nun, at isa sa may mataas na rank. Tapos siya medic namin nun. Nagttraining pa lang sila nun. G2 ako nun, also known as Intelligence Officer so dapat alam ko lahat ng infos about sa mga tao namin. Ako rin taga pakalat ng infos. Ayun dahil dun nakuha ko number niya tas giniem ko yung about sa training. Sabi nya "hu u" Dahil nga loko loko ako pinagtripan ko siya nun. Tinakot ko siya na bibigyan ko siya ng punishment hahaha. Natakot naman siya haha. Tas ayun nagpakilala ako. Gulat na gulat siya nun nung malaman niyang ako yun. Bakit? Inamin niyang crush niya ako. Yung reaction ko nun ganito o_0 .Di ako makapaniwala. Kasi naman masiyado siyang girly tas may bf siya that time. Eh nung panahon na yun di ko alam gaano yung itsura niya. Nung nakita ko siya tae nalaglag panga ko. Maganda siya. Parang anghel. Pero mas maganda ako ;) pagkatapos ng confession niya that time eh naging close kami para sa kanya, para kasi sakin joke lang din yung pagkakaibigan namin.  Binalewala ko lang yung inamin nya kasi iniisip kong joke lang yun haha. Tapos nagbreak sila ng bf niya. Ako nag-advice. Kahit loko loko ako marunong din akong mag advice :) haha. Naging mas close kami kahit loko loko parin para sakin pero habang tumatagal may nararamdaman akong kakaiba para sa kanya. I admit na naging mahalaga na rin siya para sakin. Ang sweet nga namin sa isa't isa eh. Pero that time akala ko normal lang yun. Iniisip ko kasi laro pa rin yun tas sa huli papaiyakin ko siya. Pero nung Nov. 2 sinabi niya na gusto niya ko maging Dyowa. Nagulat ako nun kasi ang alam ko girls are for boys and not for girls. Pero syempre bilang isang dakilang varsity player, pumayag ako >:) tas ang iniisip ko nun. Isa lang. Paiyakin siya. 1 month lang kami. Wala akong marereklamo sa kanya kasi siya yung ideal girl ng lahat ng lalaki. Selosa nga lang. Yung time na yun napaisip na ako. Mahalaga na siya sakin at may parte na siya sa puso ko. (CORNY) -_- First time kong naguilty nun. Pero binalewala ko lang kasi nga manloloko ako. Sweet siya. Understanding. Matalino. Maganda. Ilang months din bago naging kami eh :) Tas ayun may program sa school namin. Teacher's month kasi. Bale yung mga nasa 1st at 2nd section ng 4th year eh magiging student teacher for 1 wk. Isa ako dun. Physics ang subject ko. Magaling kasi ako dun. (Yabang) XD 4 sections yung hawak ko. Including yung section nila angel. Nagturo ako. Okay naman. After nung week na yun andaming nagtext na unknown number sakin. Puro "hello maam ang galing mo magturo", "maam ang ganda mo po" mga ganun. Syempre nireplyan ko. Tas pag naglalakad ako yung mga students ko lagi akong nginingitian. Isa na dun yung babaeng maganda. Siya si K. Nakilala ko siya nung nagtext siya sakin. Naging close kami. Tas tinanong niya pa nga ko nun kung bi daw ako sabi ko hindi. Kasi that time hindi ko talaga alam, until now. Tas nalaman ko na si Angel at K pala magclassmate nung 2nd year sila.  Close friend din sila. Nagseselos nga dun si Angel eh pero syempre dinadaan ko siya lagi sa bola XD. Wala namang ibang nakakaalam na naging kami eh. Mga 3 tao lang. Best friend ni Angel at bestfriend ko. Tas halata namang nagpapakita ng motibo tong si K. Tas dumating yung time na umamin siya sakin. Mahal niya daw ako. Ako naman as usual nagulat. Tas tinanggihan ko siya nun kasi nga ewan ko basta ayoko kasi iniisip ko nun si Angel. Mahalaga na siya sakin eh. At ayoko siya masaktan. Pero hindi tumigil si K. Kaya ayun nakipaglandian ako. Sinabi ko rin na mahal ko siya kahit hindi naman. At that time nagkakalabuan na kami ni Angel. Lagi niya ko tinitext pero di ako nagrereply. Tas nung nag attempt siya na yakapin ako tinulak ko siya. Ang sama ko talaga. T.T Naging kami ni K habang kami ni Angel. Sobrang nasaktan talaga si Angel nun. Iniyakan niya ko. Tas galit sakin bestfriend niya. Galit din sakin bestfriend ko. Ang sama ko daw. Nakipagbreak sakin si Angel. Di ko siya pinigilan. Para sakin kasi wala lang pero ang totoo may masakit sa puso ko. Ewan ko kung bakit. Pinili ko si K. Nawala sakin bestfriend ko at si Angel. Kapalit ng pagpili ko kay K ang pagbaba din ng grades at ranking ko sa klase. Nung kami kasi ni Angel feeling ko inspired ako kaya ang sipag ko mag aral. Nadisappoint si Mama kasi simula elem hanggang 3rd year eh ang taas ng grade ko at laging may top. Pero nung 3rd grading ng 4th year biglang bumaba. :( Pero di ko pa rin iniwan si K. Ang saya niya kasi paglaruan. Yung tipong patay na patay sakin. Habang nakikipaglaro ako kay K eh bumalik si Angel, di niya daw kaya na wala ako. May sinabi sakin si Angel na ikinagulantang ng mundo ko. Si K pala ay isang bitch. Timer sya. Nagsisigarilyo daw yun. Manloloko daw. At ang pinakamalala, hindi na daw siya birhen. Ok lang sana yung manloloko siya pero yung may bisyo at di na virgin eh isang malaking hindi. Ayoko sa lahat may bisyo. Tas yung virgin thingy eh hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero sa kabila ng nalaman ko hindi ko iniwan si K. Nag eenjoy kasi ako kalaro siya. Habang ako nag eenjoy si Angel sobrang gumuho na yung mundo niya. Kasi pinili ko pa rin si K sa kabila ng lahat ng yun. Pumayag nga maging 3rd party si Angel eh. Pinagsabay ko sila tas may iba pa akong kalandian. Varsity ako eh. Tas isa pang kasinungalingan ang sinabi ko kay Angel. Sinabi ko sa kanya na hintayin niya ko kasi ibbreak ko din toh si K. Naghintay nga siya. Brineak ko na si Angel pagtapos nung kasinungalingan na yun. Grabe ang sama ko. Months ang lumipas pero hindi  ko pa rin brinibreak si K. Dun din lumabas yung ugali niya. Isa nga siyang bitch. Kasi inaaway niya si Angel. Binangga niya nga yun eh. Tas minumura pa niya. Tinext niya pa nga na wag ng lalapit sakin tas wag na magtetext eh. Pero sa kabila pa rin ng lahat ng yun. Di ko pa rin siya iniwan. Mahal ko na kasi. Ewan ko kung bakit ko siya minahal. Magulo ako eh. Sa kanya kasi ako nafall -_- tae lang. Ang sweet niya kasi, yung relationship namin araw araw may surprises tas basta ang saya lang. She never failed to make me smile. Pinaramdam niya kasi na ako lang yung nasa puso niya. Kada monthsary nga namin bongga eh XD. May candles, flowers,banner tas may nakasulat na I love you K. Tas ginawan niya ko ng bigbook. Ang laman puro pictures namin. Tas may mga love letter din kami. Ang dami nga eh. Parehas kaming may box na taguan nun. Binilhan ko siya tas binilhan niya din ako. Binigyan ko nga siya ng tumbler kasi hikain yun eh tas binigyan niya naman ako ng payong na puro heart tas may I love you. Tamad kasi ako magpayong pero sinipag ako dahil dun. Well, mahal na mahal rin naman ako ni Angel pero loko loko kasi ako kaya binalewala ko lang. Ilang months na din kami ni K. Wala na kaming communication ni Angel ko. blinock niya ko sa fb, nagpalit ng number tas di ako pinapansin sa school. Pero para sakin okay lang kasi may K ako. May mga manliligaw nun si K pero di niya inientertain dahil sakin. Tago din yung relationship namin. Naging close ko nga halos lahat ng classmate niya eh. Crush din ako ng mga classmate niya, Mapagirl or boy XD. Maganda kasi ako :) JS na nun at syempre naka gown ako alangan mag americana ako. LOL. Ang ganda sobra ni K. Pati din si Angel. Gusto ko nga sila isayaw parehas eh kaso lang hindi pwede hahaha. Baka isipin ng mga tao tboom ako. March na nun. Malapit na graduation. Unti-unti ng nagloloko si K. Umamin siya sakin na mahal niya daw si Angel. Potaaa gulat ako nun. Hahaha. As in di ako makapaniwala. Kasi naman magkaaway pa sila nun dahil sakin. Nawala nga friendship nila dahil sakin eh tas bigla siyang mafafall. LOL lang talaga. Pero syempre nasaktan ako dun. Mahal ko na kasi siya talaga. Natalo ako sa sarili kong laro. Nafall ako kay K. -_- Hindi ko naiwasan. Pinatawad ko pa rin siya nun kahit ganun ginawa niya. Tuloy pa din relationship namin. Grumaduate na kami. Syempre bihira na lang kami magkita. Hindi naman pwedeng araw araw ako pumunta sa bahay nila kasi nakakahalata na yung Mama niya -_- Unti-unting lumalamig si K. Pangalawang beses na ginawa niya. Nafall naman siya sa iba. Lalaki naman. Ang sakit lang dre. Kung kelan seryoso naman ako dun pa ko lolokohin. Ang dami kong sinakripisyo para sa kanya eh :( Siguro nga karma ko na yun sa kalokohan ko. Nagbreak kami after kong malaman yun. Pero after 1 week kami ulit. Yung relationship namin nun on and off. Lagi na kaming nag-aaway. Break-balik kami. Ang sakit sakit talaga pag nag bi-break kami pero wala akong magawa kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. Halos gabi gabi iniiyakan ko siya. Umiiyak din naman ang varsity player. Tapos one time nagdecide ako na tapusin na lahat. Di ko na kasi kaya ang sakit lang. Sinabi ko sa kanya na gusto ko muna mahalin yung sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko kasi sa kanya nakalimutan ko na sarili ko. Masakit yun pero ginawa ko. Lahat naman kasi tayo napapagod ako eh. Gusto ko lang magpahinga. Magchacharge muna ko. Naubos na kasi yung energy ko kakaintidi sa kanya eh. Naubos na sa pagpapatawad ko sa kanya. Naubos na sa sobrang sakit. Paulit ulit na niya kasi akong sinasaktan :( Nung araw na nakipagbreak ako sa kanya ay yung araw na hinalikan niya ako sa lips. Kahit naman kasi naging kami ni Angel di kami nagkiss sa lips. Ayoko eh. Hanggang hug lang. Pero yung kiss ni K, nakaw yun :P That kiss was very magical. My world stopped for a  minute. Parang ayaw ko talaga siya ilet go nun pero ginawa ko pa rin. Akala ko okay na pero mahirap yung wala siya. Di ko kinaya. Di niya rin kaya. Naging kami ulit. Bumalik kami sa dating kami. Yung sobrang sweet,yung di nag aaway. Sobrang saya ko nun. Pero nung May bigla na namang bumaliktad yung situation. Nagulo na naman. Naging cold siya. Di siya nagpaparamdam kahit sa text o fb. Miss ko na siya. Di ko rin siya tinext nun kasi nagtatampo ako. Pero di ko kinaya kaya after 1 week tinext ko siya kung ano na ba talaga kami. Sabi niya busy lang daw siya. Busy?!!! Eh takte naman di pa nga nagsisimula pasukan ng college busy na siya. -_- alam ko namang nagsisinungaling siya eh. Kaya ang ginawa ko nakipag break na ako. Di ko na kasi talaga kaya eh. Tae lang. Iniyakan ko siya nun ng sobra tas ang hindi ko inaasahan andun si Angel para damayan ako. Sobrang naguilty ako nun. Bakit di na lang si Angel yung minahal ko? Tae tlaga -_- kung natuturuan lang ang puso eh. Karma ko na talaga toh. Tinulungan ako ni Angel mag move on. Hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi nya sakin.."Kahit manloloko ka, paasa, hambog, timer , player, MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA" Natuwa ako nun kasi may taong sobrang nagmamahal sakin. Pero guilty at the same time. Sabi niya kung gusto ko daw magmove on wag ko na balikan si K. Sinunod ko yun. Pero di ko pa rin nasusuklian yung pagmamahal niya sakin. Dahil ako ay isang dakilang tanga at sobrang mahal tong si K, sinabi ko kay Angel na  "Wag ka nang umasa na magiging tayo, kasi hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay K". Sinabi ko lang naman yun kasi ayoko siyang masaktan, kasi baka umasa pa siya. Hindi ko naman kasi alam kung kaya kong suklian yung love niya eh. Gago ako. Kasi ginawa ko yun. Yun ang pinakapinagsisihan ko sa lahat. Lumayo na ng tuluyan si Angel. Tas eto ako lugmok. Walang K. Walang Angel. Minahal ko parehas. Pero sa huli narealize ko mas mahal ko pala si Angel. Miss na miss ko na siya. Tae. Eto ako ngayon bitter kay K. Haha nag stalk kasi ako sa fb niya eh :3 ang panget nung pinalit sakin. LOL. Pero seryoso, miss ko na si Angel ko. Sana hindi ko ginawa yun. Napakatanga ko talaga. Sa ngayon focus muna ko sa studies ko. Ayoko muna magmahal hanggat di pa ko nakakamove on sa mga past ko. Ayoko kasing maging rebound yung susunod. Kung may susunod man, lihim ko pa rin kasing minamahal ngayon si Angel ko. Miss ko na siya. At siya yung ginagawa kong inspiration sa araw araw. Nagsorry na ako sa kanya. Sabi niya tinatanggap niya daw yun. Di niya daw kaya magalit sakin pero tatagal daw bago niya ako mapatawad. Maghihintay ako. Pangako. Ngayong panahong toh, seryoso na ako. Walang halong laro, puro pagmamahal lang. Natutunan kong pahalagahan yung mga bagay na nasakin na kasi sobrang pinagsisihan ko nung nawala.

Sobrang haba na neto. Baka wala ng magbasa XD

Thank you idol Ez dahil sa book na toh nailabas ko yung nararamdaman ko. :) Godbless.

...

Lee,

Pakurot nga...? Isa lang. Lol! Hanga ako kay Angel nagawa ka niyang mahalin kahit isa kang makulet na bata! Pero kagaya ng sinabi mo napapagod din ang tao...napapagod din ang puso. Kapag puro sakit na ang nararamdaman nito kahit mahal na mahal ka dadating din talaga yong time na sasabihin niya sa sarili niya ang salitang "tama na." Kasabay non ang pagtalikod sayo.

Ngayon at natuto ka na kamo, matuto ka na ring magpahalaga lalo na sa damdamin nong taong nagmamahal sayo. Kung hindi mo man sila masuklian ng pagmamahal, respeto at mabuting pakikisama lang tingin ko sapat na. Wag ka ng babaero okay?

Thank you sa story mo na ito. Marami na namang makakarelate na babaero. Ehe!

Good luck sa panunuyo kay Angel! :)

Ez.

==================================================================

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon