Chapter 41 - Ewan ko Lang

5.4K 66 7
                                    

Hi sa lahat ng mga Readers ni EZ at pati narin sayo EZ, Sana basahin nyo po ito at mabigyan nyo rin ako ng kunting payo.  Salamat J

Uumpisahan ko po ito sa pagpapakilala sa sarili ko.

Tawagin nyo nalang po ako sa pangalang Ewan, wala kasi akong maisip na babagay sa aking pangalan eh! kaya ewan nalang tawag nyo sa akin. Mag to twenty five na ako sa mga susunod na buwan. Ang Kwentong e si share ko sa inyo ay tungkol sa akin at sa child hood best friend ko, at ang hihingin ko namang tanong sa inyo ay mababasa nyo sa ending nitong letter ko, at pasensya na sa lahat ng readers ni EZ, ako kasi ang bida dito, uulitin ko ako ang bida dito. Heheheh! ^_______^

Uumpisahan ko na ha!

Noong grade six ako at may best friend ako at ang nickname nya ay Jen2x, Oo Jen2x talaga ang nickname nya, ginamit ko nalang dito dahil sa dami ba namang Jen2x sa mundo ay hindi nyo sya makikilala, maliban nalang siguro sa kanya pag nabasa nya ito, pero malabong mangyari yan, kaya confident ako.

Isa sa pinaka mayaman ang pamilya ni Jen2x sa probinsya namin, maganda sya, morena, matangos ang ilong na binabagayan ng cute na cute at makinis na mukha, matangkad at sexy. Oo sexy  na talaga sya kahit noong grade six pa kami, lalo na nong naging dalaga na talaga sya, kahawig nya si Megan Fox at kulot din ang kurly na mahaba nyang buhok, at higit sa lahat valedictorian namin sya pag ka gradweyt ng elementary, oh diba taray! Nasa kanya na ang lahat, mukhang imposeble pero totoo lahat ng mga sinasabi ko. 

Nag umpisa ang kwento namin ng maging kaibigan ko si Jen2x, hindi ko nga alam kung bakit nakipag kaibigan sya sa akin, na isa lang naman akong mahirap at walang ma ipag mamalaki sa sarili at higit pa sa lahat walang mga kaibigan sa Class room, dahil narin siguro sa pag ka maldita at pag ka weird ko DAW!in short mahirap daw akong pakisamahan noon, ni wala talagang nakakakilala sa totoong ako maliban sa kanya ng maging kaibigan ko na sya.

Sya naman ay napaka raming kaibigan dahil mayaman na maganda at matalino pa, halos lahat ata ng klasmeyt kung mga lalaki ay may gusto sa kanya. Sya ba naman kasi ang maging muse sa buong eskwelahan, kaya yon adik sa kanya ang mga klasmeyt namin.

Umpisa na ng pasukan kanya kanya na kaming kuha ng pwesto, mas na pili ko sa pang 3rd row na sa may bandang gitna ang pwesto, pero yong pina ka sulok na upuan katabi ng ding2x. Ganyan ako dati, mas gusto kung nag-iisa.

Sya naman sa may bandang unahan talaga na ka pwesto, pinagka gulohan ng mga kaibigan nya kung sino ang tatabi sa kanya. Grabi sikat nya talaga dahil kahit sa pag-upo maraming gustong tumabi, sa isip-isip ko ng mga oras na yon, may halong inis pa yon ha! Pano ba naman kasi ang ingay nila, panay pa ang tawanan.

Ayon na biglang pumasok si Ma’am sabay sabing bakit ang ingay nyo?  Sumagot naman sya na, Sila kasi Ma’am nag-aagawan kung sino ang tatabi sa akin, tapos sa boses na parang bata, hay! Mas lalo akong naiirita sa kanya, pero hindi na iinggit ha! Naiirita sa boses nya na ang lamya, para lang grade 1 sa isip-isip ko pa. tapos yon natatawa nalang si Ma’am sa narinig nya, oh para hindi na kayo magkagulo sa pagpili kung sino ang magiging katabi nyo ay ako nalang ang pipili para sa inyo, sabay sabi ni Ma’am. Ayon unang nilipat si Jen2x ng teacher namin sa may 2nd row at sa pangtatlong upuan, at sunod na tinawag ni Ma’am ay si ako para itabi sa kanya, biruin nyo yon ako pa ang na pili ng teacher namin eh nasa sulok lang naman ako at tahimik, kaya yun wala akong nagawa tumabi nalang ako sa kanya at simangot na simangot pa punta sa pwesto nya, ayaw na ayaw ko kasing umupo sa pinaka gitna na row sa pang tatlo pang upuan, kaya naiinis talaga ako sa mga oras na yon, tapos tiningnan nya ako ng maka upo na ako sa tabi nya at nag smile sya sa akin, pero hindi ko ito tinugon, sinimangutan ko pa sya. Taray lang diba? Eh ganon talaga ako dati! kahit ngayon, pero kunti nalang. heheh 

Recess time na! ayon nanaman nagsilapitan na ang mga kaibigan nya, pati sa akin naka palibot na kaya sa subrang inis dahil ang iingay nila tumayo nalang ako at pumuntang canteen para mag snack, abay pag balik ko ganon parin ang eksena. Maingay at nagtatawanan, kaya naman pala! Na migay sya ng Chocolate kasi kaka uwi lang daw ng papa nya galing barko at may dalang chocolate kaya namigay sya. Kaya imbis na uupo na sana ako sa pwesto ko ay wala na akong nagawa ng ayaw pang magsi alisan ang mga kaibigan nya, kaya naghanap nalang muna ako ng pwesto sa may sulok at pansamantalang umopo doon at tinitingnan sila, maya maya pa ay binuksan na ni Jen2x ang bag nyang back pack na malaki na kulay itim at nilabas nya doon ang Barbie doll, oo nagdadala sya ng laruan hahahah! Tapos may Airplane2x pa, tapos may rainbow2x at ang subrang natatawa talaga ako ay yong huli nyang nilabas, electrekpan na subrang liit tapos plastic pa ito, ewan ko basta may pinindot pa sya kaya umikot ito, ayon nanaman nagtatawanan nanaman ang mga kaibigan nya. Halos lahat sila gustong hiramin yon, ako naman habang naka tingin sa kanila ay natatawa narin, sa isip-isip ko parang doraemon lang, kaya pala ang laki ng bag nya, mga laruan pala ang laman, subrang isip bata talaga samantalang grade six naman na sya.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon