Chapter 11 - Memories of Yesterday

18.7K 194 20
                                    

Hi! Ako si Huey. Babae po ako huh? Bente-uno anyos. Nakatira ako bandang gitnang Luzon sa dakong kanluran. Bahala na kayong pangalanan ang lugar ko.

Pero sa ngayon wala ako diyan sa Pinas. Nagtatrabaho ako sa isang Pharmaceutical company dito sa UAE. Last year lang ako dito.

Gusto ko lang i-share sa inyo kung gaano ako naging tanga pagdating sa pag-ibig. Madalas niyo sigurong mabasa dito sa wattpad na ung bida ang niloko, sinaktan, iniwan o kung anu pa man yan. Pero iba ako..

Ako yong nanakit, Nang-iwan at Nagpaasa. Hindi tumupad sa mga pangako. Oo, ako ang nanloko.

Fourth year college ako ng magkaroon ako ng girlfriend. Hindi ko alam kung anu pumasok sa isip ko bakit ko pinasok ang ganung relasyon. Pero ganun nga siguro pag nagmahal ka talaga. Di mo maipaliwanag. Kahit alam mo ng mali tutuloy ka pa rin. Mahal mo eh!

June ng makilala ko si Athanasius. Friend siya ng friend ko. Madalas kasi akong sumama sa inuman ng mga panahong yun, hanggang sa magkrus ang landas naming dalawa. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Isa siyang IT student na adik sa Calculus.

At ako naman, napapadalas ang pag inom ko ng mga panahong yun dahil sa Boyfriend ko. Di na pala ako sure kung bf ko pa ba siya. Haha! Nagkakalabuan na kasi kami. Last sem niya sa college ng pinahirapan talaga ako ng mokong yun. Ojt na kasi siya, at ako naman si tanga para makasama siya kahit papano, matyaga akong naghihintay sa terminal ng victory liner araw-araw. 5pm kasi ang labas niya. Pero darating siya sa terminal mga alas-sais na ng gabi. Minsan pa nga magtetext na lang yan sakin ng "Hon, una ka na uwi kasi may meeting pa yung faculty."

Hindi man lang niya naisip yung effort ko na mghintay sa kanya ng ilang oras. Mababa na ang dalawang oras na naka-tanga ako doon para hintayin siya. Naka-high heels pa ako niyan at miniskirt. Tapos di ka sisiputin? Sino ang di mababadtrip di ba? Ilang beses niyang ginawa yun, at ang di ko matanggap ng malaman kong di naman talaga meeting sa faculty ang dahilan kaya di siya umuuwi agad ei. Deretso na pala siya ng bilyaran. Tsktsk. Mga lalake nga naman.  Doon na nagsimula ang di namin pagkakaintindihan. Madalas na kaming mag-away. Hanggang sa di na kayang ayusin. Pero di pa rin kami naghihiwalay.

Ang engot ko lang nu? Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya o nanghihinayang na lang ako sa tagal ng relasyon namin kaya di pa ako nakikipag break sa kanya.

At ayon, ng magkakilala kami ni Athanasius hindi pa rin kami break ni Menard. Kaya ako nag iinom nun dahil wala na talagang pag asang maayos ang relasyon namin ni bf ei.

July ng umamin siya sakin na gusto niya ako. Kahit di naman niya aminin alam ko naman na. Ang obvious kaya! haha! Nung una sabi ko ayoko, dahil alam kong di tama. At umaasa pa rin ako na magkaka ayos pa kami ni Menardo. Pero di siya tumigil, sobrang sweet niya. Yun tipong di mo siya matatanggihan kapag naglambing siya. Siguro nga nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya.

August 11, 2011 ng maging kami. 9 minutes before 12 midnight. Whew! Di ko maipaliwanag yung kilig na nararamdaman ko ng gabing yun. Sabi ko sa sarili ko bahala na. Masaya ako sa kanya at gusto ko na talaga siya. At si Bf wala na talaga.

Naalala ko pa nga dati nung first time naming mag-holding hands. Sa bus yun habang nasa byahe kami pauwi. Hindi ko alam kung torpe ba siya pero ang una niyang hinawakan eh yung pinky finger ko sa kaliwang kamay. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ng araw na yun. Magkahalong kaba, hiya at kilig.

Lumipas ang mga araw, buwan na ok ang takbo ng relasyon namin. Masaya kami kahit patago lang kami. Alam naman namin na maraming di makakatanggap ei. Kahit sa side niya di kami basta matatanggap. Lalo na at Religion teacher ang Mama niya. Active talaga sa Church ang buong pamilya niya.

Sa side ko naman, alam kong alam na nila pero tinatanggi ko pa rin. Kasama ko kasi sa boarding house yung kapatid ko, di naman yun bulag para di Makita kung anu ang namamagitan samin ni Athanasius. Pero tinuloy ko pa rin kasi mahal ko siya. Ayokong mawala siya.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon