Chapter 30 - Strangely Inspired

9.5K 116 13
                                    

Hi! My name is Gen. 19 years old, First year IT Student. Addict sa wattpad. I like girls pero hindi ko alam kung lesbian or bisexual ako.

Nagstart ang pagkakaroon ko ng crush na girl noong grade 6 ako. Ang bait nya sa akin, pinagtanggol niya ako sa mga bully kong classmates (kung pwede lang ikwento lahat ng dinanas kong pambubully nila sa akin, ginawa ko na pero wag nalang baka umiyak pa kayo) hehe joke lang, nakaget over na ako dun. Dahilan ata nila kung bakit nila ako ginaganun kasi ang panget panget ko. And tanggap ko yun.

So ayun, pinagtatanggol niya ako kaya may nabuong feelings, hanggang sa nalaman niya na may crush ako sa kanya kasi meron kameng requirement sa klase dati na diary and naisulat ko lahat lahat doon. NagCR lang ako, pagbalik ko, binato nya sakin ung diary ko! Sheet lang! Ang sakit kaya! Sa batok ko tumama! Nagulat talaga ako kaya tinatanong ko siya kung anong problema, ayaw niyang sabihin tinuro lang niya yung diary ko. Doon ko lang napagtanto ang lahat, naiwan ko pala sa desk ko yon, hindi ako makapagsalita kaya umupo nalang ako sa seat ko.

Days-weeks-months ang lumipas hindi niya ako pinapansin, nagalit siya sa akin, wala na rin akong nagawa kundi wag nalang din siyang lapitan kasi hiyang hiya ako. Nag high school na ako pero nagkakagusto pa rin ako sa girls pati rin sa boys. Pero mas nagfocus ako sa studies ko since mataas ang position ng Nanay ko sa school na pinapasukan ko, nageexcel din ako sa sports marami akong natatanggap na awards.

Nong maggraduate ako, kumuha muna ako ng Engineering course kasi yon ang gusto ng ananay ko, puro mga lalake kaklase ko, kaya siguro naimpluwensyahan ako lalo ng pagiging lalake, sumasama rin ako sa kalokohan nila, umiinom kami, nagdiditch ng class, mga ganun pero hindi alam ng parents ko. Pumasok ako sa isang klase ko after 2weeks ata. Papasok ulit ako sa klaseng iyon kaya pinagalitan ako ng Prof, pinunta niya ako sa grupo ng kababaihan. May sayaw daw kaya nagpractice kame, ang boring! Naiinip ako at tsaka isa pa iyong babaeng yon na palagi akong tinuturo! Bwisit na bwisit ako sa kanya.

One week kameng nagpractice para sa sayaw na iyon nang bigla nalang kinuha ni Miss turo yung cp number ko, binigay ko nalang, name nya pala ay Jen din haha maganda siya, maputi, matangkad at magaling sumayaw. Kinagabihan nun, text siya ng text! Nakakagulat kaya reply lang din ako. Ang boring ko pa nga kayang magreply, like this oh:

Jen: musta? Gawa mo na?

Gen: ah wala.

Puro ganyan reply ko pero ang tiyaga niyang i-keep alive ung conversation namin kaya kung minsan hanggang madaling araw kaming nagtetextan. Pag nagkikita naman kami personally, ang tahimik niya, nahihiya daw sya sa akin -_- hinayaan ko nalang. Palagi pa niya akong nililibre, kahit mahal daw okay lang. One week ulit ang lumipas, naging mas makulit siya, kung minsan nagtatampo pa pag di ko nareplyan. After naming magpraktis, nagkatabi kame, tanong siya ng tanong about sa kung ano ano. Masaya naman kameng grupo then all of a sudden... "Gen, may ibibigay ako sayo" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya, bigla syang naglean para ikiss ako! Omygosh! (Ermm wag oa Gen) sa cheeks ko siya humalik. Then sigawan yung mga iba naming kagroup, ako? Pulang pula! Sya naman nakasmile lang. Ilang weeks din akong binabagabag nung kiss na iyon, parang may kung ano sa loob ko.

Kung kailan naman nung time na "i-eentertain" ko na siya, saka pa siya parang naging malamig sa akin, hindi na siya makulit, wala na, as in wala na yung dati. Doon ko lang narealize na ang boring pala ng araw ko kung hindi siya mangungulit, yung may mangangalabit sa akin bigla bigla, yung may kasama kang kumain ng ice cream kasi nililibre ka niya, lahat ng iyon nawala. At narealize ko rin na wala pala akong masyadong alam sakanya kasi puro siya lang ang nagtatanong about sa akin and I didn't bother to asked back. Kung kailan pa nung time na iyon doon ko lang nasabing may gusto ako sa kanya.

After my realizations, ako na ang naging makulit sakanya, palagi akong tumatabi sakanya, nakikipagusap at kulitan pero hindi na talaga siya kagaya ng dati kaya ginawa ko lahat para maibalik iyon, inalam ko lahat tungkol sa kanya, inalam ko rin ang schedule niya para maihatid sundo ko siya, ginagawa ko rin lahat ng sinasabi niya, binibili ko rin lahat ng gusto niya, ako rin ang gumagawa lahat ng assignments nya. 3months na ganon ang nangyayari sa amin at masasabi kong mas lumalim ang feelings ko para sa kanya. Sa mga panahong iyon, para kameng magsyota at masayang masaya ako kasi tanggap niya ako at hindi ko talaga aakalahin na magugustuhan nya ang isang panget na kagaya ko.

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon