Chapter 27 - Love ko 'to

11K 160 93
                                    

They say that when it comes to love..expect the unexpected.

I've loved too many times and been hurt twice as much. I was too afraid to trust and take the risk of falling in love again then realized after that no one's there to catch you. 

And when I was about to locked up my heart forever, someone came into my life.

So..unexpected me unexpectedly fell in love with unexpected someone in an unexpected time..:)

Nakilala ko siya nung nag work ako as a Service Crew sa McDonald's. Hmm..ayan binanggit ko na yung name ng fastfood just to be specific, saka endorser kasi ako ng Mcdo..haha! Echos lang.

Ayun nga hindi siya yung tipo ng taong magugustuhan ko talaga. Dahil the last time I checked, STRAIGHT AKO.

Actually 'di naman kami naging close agad. Kasi mahiyain akong tao na medyo makapal ang mukha at times at maingay. Magulo ba? I mean "di ako basta basta kumakausap ng ibang tao not unless ikaw ang unang kumausap sa'kin. Ayoko kasing masabihan ng feeling close, hehe. Ayun trainee pa lang ako nun pero siya kasi pioneer na dun sa Mcdo na yun. Naalala ko pa yung incident na nilapitan ko siya para sana sabay kami umuwi kasi wala akong kasabay. Tiningnan niya lang ako at umiling tapos ngiti. Sabi ko ililibre ko na lang siya pamasahe. Kaso deadma pa rin beauty ko. LECHE! Ako na nga nakikipaglapit! Ganda kong 'to! Nginitian ko na lang din siya pero sa isip ko ehh mini-murder ko na siya! Ang arte ehh!

Nagulat na lang din ako nung naging close na kami through a friend na ka-batch ko na dun nagapply. Actually first time kong magkaroon ng lesbian na friend. Not that I don't like them, it's just that I don't feel comfortable around them dahil sa mga naririnig ko before na mga "alamat" about them..haha! Alamat daw?! :) Basta yun..

Mas prefer ko yung mga gays dahil marami akong friends na ganun nung highschool. Pero nabago nga lahat yun nung nakilala ko siya. Kahit paano naintindihan ko yung mga tulad niya at nalaman kong 'di rin naman sila kaiba at masarap din sila maging kaibigan.

Time goes by at lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Ay nga pala, itago natin siya sa pangalang Jc. Nalaman ko rin na may girlfriend siya nun. Pero habang tumatagal may iba na akong nararamdaman kapag tinitingnan ko siya. I tried to ignore it kasi naisip ko baka naninibago lang ako kasi first time ko mapalapit sa tulad niya. Pero ang cute niya kasi talaga at pati porma niya pati attitude niya at malambing pa. Okay 'di ba dami ko sinabi? Pero binalewala ko yun kahit nabubuwisit ako sa girlfriend niya na minumura siya ng bonggang bongga sa phone at text pag nagaaway sila. Tapos siya ngingiti lang, tanga niya 'di ba? :) Joke!

Tapos ako naman sinusulsulan ko siya na i-break na niya! Ang bait ko 'di ba?!

Hanggang sa nagkaroon rin ako ng boyfriend nung time na yun. Kaso 'di nagtagal kasi sabi niya sa'kin 'di pa daw siya ready at kilalanin daw muna namin ang isa't isa..PUCHA lang 'di ba?! Ehh bakit niya 'ko nilapitan at niligawan at pinaibig sa pagmumukha niyang triangle 'di ba?! Take note! Ka-crew ko siya before sa una kong pinasukan at magkaibigan kami. DOUBLE PUCHA 'di ba? Ang sarap niya lang isumpa. Pero hinayaan ko na kahit nanakawan ako ng cellphone na kausap ko siya! OKAY LANG TALAGA! Itinawa ko na lang at nangako ako sa sarili kong hinding hindi na 'ko magmamahal kahit kailan!!! Sa tuwing nagtitiwala ako ehh lagi na lang akong nasasaktan.

Ayun! Lutang ako pagpasok ko ng store kinabukasan. Bukod sa sawi ehh nawala pa yung cellphone na regalo sa'kin ng Tatay ko. At andun lahat nung mga kanta ni Taylor Swift na pinagpuyatan kong i-download! Pagpasok ko ng crew room andun si Jc, kakatapos lang yata niya mag-break nun at mukhang malungkot din siya. Feeling ko nga galing din siya sa iyak kasi may hawak siyang tissue tapos kausap niya yong isang ka-crew namin. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sa'kin. Ewan ko pero just the mere sight of her at napapangiti ako..baliw lang 'di ba?:) Ayun tapos bigla ko na lang na-open sa kanya na break na kami. At tumawa siya ng bonggang bongga! Napaka-supportive niya 'di ba?! Hinawakan pa niya ako sa balikat bago tumawa ulit sa pagmumukha ko sarap lang ingudngod! Ang sama na ng tingin ko sa kanya at bago ko pa siya mabatukan ehh tumakbo na siya pabalik sa station niya! Badtrip! Weird thing is gumaan yung pakiramdam ko matapos ko siya marinig tumawa. After ng shift ehh dun ko lang nalaman na nagbreak din pala sila ng gf niya that same day. 

GIRLS ON TOP 1 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon