Don't Forget the Tags

177 16 9
                                    

As much as possible, may at least 15-20 relevant tags dapat ang bawat story mo. Tags are not just there bilang palamuti, bilang requirement bago ma-publish ang inyong story. Sobrang laking tulong nila actually, nilang mga maliliit na tags na nakakabit sa akda mo.

In what way, you may ask?

Hindi lang naman kasi nahahanap ang story via recommendations ng inyong mga wattpad friends or sa mga pa-plug, pa-share. Trust me, some readers here ay matyagang nagta-type ng mga keywords sa search field sa homepage! E saan pa nga ba bumabase ang wattpad para magbato ng mga results? Sa title lang ba? No! Idiot! Sa tags din!

But you shouldn't just sprinkle any words na maisip ninyo at i-consider iyon as tag ng inyong story. You should strategize. 25 tags lang kasi ang maximum allowed per story at hindi mo pwedeng sayangin ang mga iyon sa mga salitang hindi naman talaga ka-search search.

Also, tags play a big role din in the rankings of your story. Ginagamit din sila bilang basis ng wattpad for recommendations. So do some research first before typing anything.

My tip here is you should diversify your tags.

Una muna ay maglaan ka ng 4-5 tags na nagde-describe specifically ng inyong story. For example, if you have a detective story na may hinuhuli silang serial killer that takes place in the future, you could choose: serialkiller, detective, whodunit, futuristic.

Then research on relevant tags na may marami kang ka-kompetensya, research on tags din na kakaunti lang ang story na nakalista. Need mong maglaan ng mga 3-4 tags each on them. Bakit? Dahil sa mga tags na marami kang ka-kompetensya, sure kang maraming nagbabasa roon, bonus na rin kung mag-top ang ranking mo sa tag na iyon. Like in the tag na scary, 1.4K ang stories under it, pero nang minsang mag-#8 ang ranking ng isang story ko roon, dama ko iyong pagdami ng unique readers ko.

But you shouldn't just rely on it dahil mahirap mag-top sa ranking doon as in. Which is why I told you to look for tags din na mga 100-200 lang ang mga naka-list na stories, para may tyansa ka pa rin na mag-rank pataas. One of your goals din should be to rank from top 1-10 dahil anything lower than that ay hindi na masyadong napapansin.

Then last could be your subgenres. Sa settings kasi ng wattpad, isa lang ang genre na allowed. E may mga story kayang pasok sa dalawa hanggang tatlong genre. You could use: romcom, horror-comedy, contemporary, magic-realism, cyberpunk. Mga ganoon.

Please refrain from using words na alam mong bihira o wala talagang magbabalak mag-search noon, like: crying, smile, sparkly, eyes, win, amazing. Like, what the hell? Do you really imagine a reader typing those words sa search bar?

So, pakiayos. If you're not confident on the tags na pinaglalalagay mo sa story mo, time na para mag-research. Kick those tags na hindi naman nakakatulong sa iyo.

Ano pang hinihintay mo? Go!

Little Random Crumbs About WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon