Stop the Bumping Riot

835 81 23
                                    

I'm referring to the overused scene kung saan ang dalawang supposedly magkaka-in-love-an na bida'y magkakabungguan sa daan at magbabangayan na parang dalawang pusang nagsasabungan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong nakita.

Saka alam mo bang laging boses ni Barbie Forteza naririnig ko sa scene na ito? Might be because pare-parehas lang din 'yung mga eksena niya sa palabas.

See how I attributed the scene to her? Kasi nga, gasgas na ang scene na iyan!

I know guilty rin ako rito. NOON! Pero ngayon tinigil ko na. Kaya may karapatan na akong sabihin ang mga salitang ito.

Guys, isn't it time for a change?

I mean there are many scenes you could use to make the two leads meet each other. Pwedeng mula sa kakilala, pwedeng through online, pwedeng aksidenteng na-like ni girl 'yung 2011 post nung ini-stalk niya at nag-usap sila.

You can be creative. You should.

So let's put an end to this scene. Ilibing na natin siya nang tuluyan.

And please, never include that tripping scene tapos masasalo nung guy 'yung girl, at may heart-heart na palutang-lutang sa paligid nila.

Isa rin iyang kailangan na nating ibaon sa limot.

Little Random Crumbs About WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon