Describe What They're Doing While Speaking

140 16 4
                                    

This is one of my greatest weaknesses. Madalas kong makalimutang magbigay ng descriptions sa pagitan ng mga dialogue. As in puro palitan lang ng salita--ang tendency tuloy ay nahihirapan ang reader na imagine-in ang mga kaganapan.

Take this example from one of my early drafts of Dating the Influencer:


Tinitigan ko siya nang matagal. "I still can't believe you knew me from my youtube channel."

"I'm a fan."

"Talaga? You don't look like someone na mahilig magbasa ng libro."

"Wow!" natatawa niyang sabi. "That hurts! Nagbabasa rin kaya ako."

"Really? What's your favorite book then?"

"Which genre?"

Aba, so nagbabasa nga. Anyone who loves to read kasi will always have a hard time answering the favorite book question. "Fantasy," sabi ko.

"Lord of the Rings. You?"

"American Gods by Neil Gaiman," sagot ko. "Uhh, horror?"

"Isa lang ang nabasa kong horror, so I guess okay na iyong It?"

"Nabasa mo iyon e ang kapal-kapal no'n?"

"So you really did assume na papogi lang ang alam ko. Nagbabasa nga ako." 


Pansin niyo ba na ang bilis niyang basahin? That was my intention back then. Obvious naman kasing dadalawa lang ang characters na nag-uusap, kaya hindi na masyadong kailangan ng dialogue tags, at sa pinakasimula naman ng chapter ay nasabi kong nasa restaurant naman sila.

But my editor said it still needed improvement. Nang binasa niya raw kasi iyong part na iyon, parang dumulas lang sa kanya ang scene kasi ang nangyari, puro batuhan na lang ng salita ang mga bida, parang wala tuloy siyang na-feel.

So heeding her words, I improved it, and this was the result:


Tinitigan ko siya nang matagal at mukhang gusto niya talagang ipagpilitan iyon. Sa tindig niya ay tila handa siyang makipag-argumento sa akin tungkol doon.

"I still can't believe you knew me from my Youtube channel."

"I'm a fan."

Him? The one with a huge following count is one of my fans? Patawa! I crossed my arms. "You're my fan? You don't look like someone na mahilig magbasa ng libro."

"Wow!" Mariin niya pang ipinikit ang mga mata. Humawak siya sa dibdib na para bang may iniinda roon. "That hurts! Nagbabasa rin kaya ako!"

"Really? What's your favorite book then?"

"Which genre?" Umayos siya ng pagkakaupo at ngumiti na para bang interesadong-interesado siya sa tanong ko.

I slowly straightened myself in wonder. So, nagbabasa nga siya. Anyone who loves to read kasi will always have a hard time answering the favorite book question.

"Fantasy," pagbibigay ko ng specific genre.

"Lord of the Rings. You?"

"American Gods by Neil Gaiman," sagot ko. "Uhh, horror?"

"Isa lang ang nabasa kong horror, so I guess okay na 'yong It?"

"Nabasa mo 'yon e ang kapal-kapal no'n?"

His mouth opened wide in disbelief. "So, you really did assume na papogi lang ang alam ko? Nagbabasa nga ako!"


Their body languages were what made this second version better. Iyong paghawak sa dibdib na parang nasaktan sa narinig, iyong pag-ayos ng pagkakaupo, iyong paglaki ng mga mata. They were all important in giving the reader cues in picturing what the hell is happening, hindi iyong parang nakakarinig lang siya ng mga batuhan ng salita.

So whenever you find something like this in your novel, alam niyo na ang gagawin. Just imagine them. Ask yourselves what they're currently doing. Hindi ba mapakali ang kanilang mga kamay? Napapakamot ba sila ng batok? Sige ba nilang silip sa kanilang phone?

Your readers will thank you for that.

Little Random Crumbs About WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon