Know Your Word Threshold

258 29 5
                                    

We all have different word thresholds. Some of us can only write up to 500 words per day, others 1000, and on rare occasions, meron ilang mga mamaw sa atin na nakaka-5000 words per day.

Huwag kayong matakot kung hanggang 500 or 700 words lang ang kaya natin kada araw, or kahit 200, it's perfectly fine. There's nothing to be ashamed of. Hindi naman ito paramihan ng words na naisusulat.

Ang point lang nito ay dapat alam mo kung hanggang saan ang kaya mo, para masanay mo ang sarili mo sa level na iyon. Kunwari, sa ngayon ay kaya mong magsulat ng hanggang 500 words per day, then your mind would set that as your minimum, and a day would feel incomplete kapag hindi mo naa-achieve o nalalagpasan iyon.

This in turn would encourage you to write more.

And done every single day, writing would easily become your habit. That it would feel like a sin kapag hindi mo na-meet ang daily goal mo.

Little Random Crumbs About WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon